PROLOGUE

6 0 0
                                    



PROLOGUE

"Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na 'ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko" pagkatapos kumanta ni Doc Mark ay bigla siyang lumuhod.

"Mira my love. Miracle ng buhay ko. Will you marry me?" tanong ni Doc Marc, ang loko kinakabahan pa sa pagtatanong kahit may anak na sila.

"Yes. Yes Mark I will marry you." sagot ni Mira, na nagpa palakpak sa amin. Si Mark Owen Gutierrez ay katrabaho ko sa ospital na kapwa doctor ko at kaibigan ko since college. Magkaibigan kami niyan. Si Mira bestfriend ni Doc Mark noong high school at naging girlfriend niya noong college. Naaksidente kasi si Mira after manganak kaya nagpropose agad after makarecover ni Mira. Kaya eto kami ngayon dinamay niya sa plano niyang kacornihan. Hayysss.

"Aray!" daing ko kaya napatingin sila lahat sa akin.

"Napano ka Gab?" tanong ni Mira.

"Kinagat kasi ako ng langgan. Dami na kasi langgam sa sobrang tamis. Hahahahaa." tawang tawa kong sabi.

"Pambihira ka naman talaga De Asis basag trip ka kahit kailan!" reklamo ni Doc Joseph. Inikutan ko lang siya ng mata.

"Tse!"

"Ang bitter mo talaga Doc Gab. Hahahhaa" sabi ni Doc Jin na ang totoong pangalan ay Josephine. Jin daw para astig kapag tinawag na Doc.

"Babe." sabi ni Doc Kenn sabay akbay sa akin. Tiningnan ko siya ng masama.

"Doc Gab pala. Heehehhe. Kung sinagot mo na lang kasi ako edi sana di ka na bitter kina Mark ngayon." at kinindatan pa ako ni Doc Kenn.

"Pwede ba KELWINN tigil tigilan mo ako sa mga kalokohan mo. Huwag ako Kenn!" sabi ko sabay kurot ko sa tagiliran niya kaya natanggal niya yung pagkaka-akbay niya sa akin sabay napa-aray si gagu.

"hahaha. Di talaga talab charms mo sa kanya bro. Hahahaha" pang-aasar ni Doc Joseph kaya napakamot na lang sa ulo si Kenn.

"Choosy ka pa girl. Gwapo naman si Kenn, matalino, mayaman, masipag, mabait. Lahat na nasa kanya." panggagatong pa ni Doc Shane.

"Oo nasa kanya lahat lahat na pati pagiging babaero at kuripot. Tsk." masungit kong sabi sa kanila na ikinatawa na lang nila.

"Hindi ah! Loyal ako." pagtatanggol naman ni Kenn sa sarili niya.

"Ulol ka! Sa gagong----"

"Andriann Gabriell. Bunganga mo ha. Nasa hospital tayo huwag mo na ituloy yang pagmumura mo." suway sa akin ni Mark.

"Sorry. Peace. I mean kailan ka naging loyal aber? Kahapon lang nilalandi mo yung model na pasyente natin. Nung isang araw naman yung bantay ng isang pasyente. Nung nakaraag linggo yung bagong nurse. Nung isang buwan yung intern. See? Eversince babaero ka talaga. Saan pagiging loyal doon ha Doc Kenn?" nakataas kong kilay na tanong sa kanya.

"Yieeee pinapanood niya bawat galaw ko." pang-aasar ni Kenn at tinaas taas pa yung kilay niya.

"Excuse me? Huh! Sa harap ko kaya ikaw lumalandi lantaran mong pinapakita."

"At least Doc Gab sayo ang huling halkhak. Hahaha" pang-aasar din ni Doc Lovely.

"Ayoko ng may kahati!"

Inakbayan ako ulit ni Kenn. "yiieee Selos ang Babe ko."

Inismiran ko na lang sabay sabing "Asa!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BUhay KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon