Chylie Chiu POV
Back to normal na ang lahat. Ako, balik sa shop at ang mga bruha naman ay balik na din sa kanya-kanya nilang pinagkaka-abalahan.
At excited na din akong makita si Erika. Ghad! Na-mimiss ko na talaga siya. At excited din akong i-kwento sakanya about kay Not Forever.
Pero pagdating ko ay himala at wala pa siya. Dati naman ay never pa siyang na-late.
"Kae? Alam mo ba ang dahilan kung bakit late si Erika?" Tanong ko sa isa sa mga sales lady ko.
"Hindi naman po ma'am." Siya at tinanguhan ko siya.
Dumiretso ako sa office at umupo agad sabay pikit sa aking mga mata.
Huminga ako ng malalim na may ngiti sa aking mga labi.
Happiness..
Happiness ang nararamdaman ko ngayon. Yung ayos na lahat tapos may mga bonus pa. May mga kasal at engagement pang nangyari.
Unti-unting nawawala ang ngiti sa labi ko.
I realized, this feeling is for them. But for myself? Feeling ko may kulang.
Then kinuha ko ang cellphone sa bag.
I forgot, hindi ko pala hawak ang cellphone ko kahapon dahil kasama ko ang mga kaibigan ko.
122 messages
For real!? Normal pa ba ang taong magse-send sa akin ng ganito ka-dami??
Pag-open ko, galing lahat kay Not Forever.
Asking kung kumain na ba ako?
How's my day?
What happened to me?
Galit daw ba ako sakanya?Ghad! Seryoso ba talaga ang lalaking to!?
I dialled his number.
At after ng isang ring ay sinagot na niya agad.
"Hey!" Ako na medyo natatawa.
"Hey! What happened yesterday? Wala kang reply kahit isa." Halata ko sa boses niya anh frustrations.
"Aw. Sorry for that. Sinugod ako ng mga kaibigan ko then, inayos na namin lahat ng problema. And nai-kwento kita sakanila. At sa kasiyahan namin, nakalimutan kong mag-text sayo. I'm sorry." Fudge! Bakit naman ako nagso-sorry sakanya? Ipinilig ko ang ulo ko.
"Forever, can I ask you one thing?" Siya at ewan ko kung bakit parang biglang tumibok ng malakas ang puso ko.
"Wh-what is it?" Shit! Nabubulol pa ako!
"Ca-can I co-court you?" ○_○ wha-what?! A-ano daw!?
"Wha-what!? What I mean, how? Hindi nga kita kilala. Even your real name?"
Tanong ko."Akala ko ba na ayos lang ang ganitong situation natin? What I mean, I just want to take a risk. Dahil habang tumatagal tong communication natin, lalo lang akong nahuhulog sayo. Lalo lang kitang nagugustuhan." Siya and I just can't breathe! Is he fucking serious? Courting a girl na hindi mo pa nakikita!? Aw.
"But what if pangit ako? At hindi mo pala type ang physical appearance ko??"
"Hindi naman importante sakin ang itsura. Mas matimbang sa akin ang feelings. And I can feel that you like me too." Oh my God this guy! For real!?
"Masyado ka naman yatang presko? But...okay, sabihin na nating may weird din akong nararamdaman para sayo. But it's not enough for me to let you court me." Pagmamatigas ko.
"Then, my question is..takot ka ba na baka mahulog ka din sa akin. At nangangamba kang baka niloloko lang kita?"
"Sort of."
"Hindi lahat ng lalake ay pare-pareho. If you think that all boys are cheaters then, except me. Hindi ako manloloko. It's time to prove that there's a forever." Giit parin niya. Matigas din siya.
Pinatulan ko nga ang ganitong situation diba? But...what if pinagloloko niya ako? What if trip lang pala lahat ng to? Kung iisipin ko naman, busy person din siya, bakit niya ako pag-aaksayan ng oras?
Fudge! This guy is driving me crazy!
"Don't worry forever. I won't hurt you. I chose this situation so that you can be comfortable with me. Trust me. I'm not a player." Siya ulit ng hindi na ako sumagot sakanya. Dahil abala ako sa pag-iisip sa gusto niyang mangyari.
"But why me? You're a Bachelor already and you can court other girls you want." Naguguluhang tanong ko.
"Exactly! So many girls out there but you I want. You know why? Kasi sayo lang ako may feelings. F*ck! Ngayon lang ako naging desperado entire my life. Can we give it a try?" Desperado ngang saad niya.
"O-okay?" Shit! What did I just said!?
"Thanks God! Thank you forever! " siya na halata sa boses ang tuwa.
Pansamantala kong pinutol ang conversation namin dahil nakita ko na sa labas si Erika. I just missed her!
"Hey! I missed you!" Yakap ko sakanya.
"Whoa! Haha! Namiss din kita! Sobrang ganda yata ng epekto ng Leyte sayo ah! Kumusta naman bakasyon mo?')" Siya at umupo kaming dalawa.
"As you can see! Good as very good! Haha! And you know what? Ayos na din kami ng mga kaibigan ko. May pasalubong nga pala ako sayo. But I'll give it to you later. Let's go out first. Because I have something to tell." Ako. At hinila siya palabas ng botique.
Yeah, i know. I'm weird. My actions ang weird right now. And I just also don't know why! Haha! But it feels good anyway.
Ng makarating kami sa restaurant ay um-order kami agad ng pagkain. Sakto kasing dipa ako nag-breakfast at malapit ng mag-lunch time.
"So? Don't tell me na dahil sa pag-uwi mo ng Leyte ay nagkaroon kana din ng boyfriend?" Tukso niya sa akin at natawa naman ako.
"Sira! Hindi naman sa boyfriend. Actually, sa pag-uwi namin, madaming nabago. What I mean is that, kami ni Mommy ay okay na. Pati yung sa pinsan ko ay okay na din. As in okay na lahat-lahat. And lastly? Shit...how will I tell this. Uhmmm.." nahihiya kasi ako. Baka pagtawanan niya ako. Lalo na't last time na nag-usap kami ay iginigiit kong ayaw ko ng forever.
"Ano ba Chy! Ako lang to oh? What is it?" Naghihintay na tanong niya.
"It's kinda weird kasi. And worst, baka pagtawanan mo ako." Ako.
"Hay nako! Spill it." Pilit niya.
At ikinwento ko nga sakanya.
As in well-detailed.
Kung paano kaming nagsimula ni Not forever.
"So? You don't know his real identity? Just his alyas? Pero? Kilala ka niya. Right?" Para siyang nagso-solve ng puzzle.
Iba ang reaction niya sa mga reaction ng mga bruha.
"Hindi naman ako sira. Of course, I think he knows me."
"Ah...gets. okay? Siguro torpe lang siya. Haha! Know what? Nakakatawa talaga kasi napaka-childish ng sutuation nyo. But, malay natin diba? Mabuti pala siyang tao at sadyang torpe lang. Kaya dinadaan sa ganyan ang panliligaw niya. Not bad anyway. Cute din. Haha!" Siya at yun. Pinagtawanan na ano ng gaga!
Hayyyy! Wala ng atrasan. I already allowed him to court me.
Ako man ay natatawa.
Nagpapaligaw ako sa taong diko pa nakita at kilala.
BINABASA MO ANG
Does FOREVER Exist?
No FicciónBakit may mga taong iniiwan at nang-iiwan? Bakit may mga taong hindi kayang panindigan ang mga binitawang pangako? Bakit may mga taong madali lang para sakanila ang mag-sawa at sumuko? Bakit ang iba, pilit na pinagpipilitan ang sarili kahit na ito'y...