Chapter Twenty FiveTaehyung
--
"Bro, uwi na kami." Tinapik ni Jimin hyung ang balikat ko. Tumango na lang ako bilang sagot, gustuhin ko mang umuwi na rin, 'di ko magawa kasi kailangan ko pang samahan dito si Jace.
Kanina pa siya tahimik, kanina niya pa dinadamdam 'yung desisyon niya na huwag ng makipag ayos kay Aren. Wala naman akong magawa sa desisyon na ginawa niya kasi desisyon niya nga 'yon, hindi ko naman hawak ang gustong gawin ni Jace kahit sabihin pa nating boyfriend niya ako.
"Jace, umuwi ka na lang. Ihahatid na lang kita." Alok ko sa kanya, hindi naman kasi pwedeng dito lang siya sa school. Pagabi na at marami pa akong dapat gawin. "Mauna ka na. Dito na lang ako." Walang emosyong saad niya. Kinunutan ko siya ng noo.
Tumayo na ako at pumwesto sa harap niya. Hinawakan ko ang braso niya at pinilit na tumayo, hindi pwedeng dito lang siya, baka kung ano pang mangyari sa kanya.
"Uy, tumayo ka na kasi d'yan. Doon mo na lang isipin sa bahay niyo 'yan." Sabi ko. Inangat niya ang tingin sa akin ng nakakunot ang noo niya. "'Di ba sabi ko mauna ka na lang? Kung gusto mo ng umuwi, edi umuwi ka. Hayaan mo na lang ako." Naiiritang sagot niya sa akin. Inis na napakamot ako sa ulo ko.
Tapos ano? Kapag pinauwi niya ako aawayin niya ako kinabukasan kasi iniwan ko siya? Naman oh? "Hindi nga kita pwedeng iwan lang basta basta dito, kahit gusto ko ng umuwi."
Siya naman ang napakamot sa ulo niya. "Ayos nga lang ako! Umuwi ka na nga! 'Di ka nakakatulong eh." Sigaw niya. Kumunot lalo ang noo ko sa sinabi niya. Ako pang hindi nakakatulong? Tsk. Bahala na nga siya sa buhay niya.
"Bahala ka na nga." Sabi ko at agaran siyang tinalikuran. Naglakad na ako palayo sa kanya. Narinig ko pang tinawag niya pangalan ko pero hindi ko na pinansin pa.
Sabi niya mauna na ako eh, edi mauuna na ako. Bahala na siya sa buhay niya.
Lakad lang ako ng lakad. 'Di ko alam kung saan ako napupunta. Nakakaputa lang kasi eh, ako na nga nagsa-suggest na umuwi na lang siya, ako na nga lang nag aalala na huwag na muna siyang iwan. Ako pang hindi nakakatukong?
Nakakabadtrip lang. Dahil lang sa problema niya kay Aren, magkakagan'to kami? Seryoso? Tsk. Lumalabas na naman 'yung ugali niyang 'yon. Kainis.
Lakad lang ako ng lakad ng bigla akong may mabangga. Natumba siya at nagkalat 'yung mga papel na nakalagay sa folder. Agad siyang tumayo at pinulot ang mga papel.
Habang pinupulot niya, tsaka ko lang narealize na si Aren pala ang nabangga ko. Nanlaki ang mata ko at agad kong pinulot ang mga papel sa sahig. 'Di ko alam kung anong pumasok sa ulo ko at bigla ko siyang tinulungan.
Kanina kasi wala sana akong balak tulungan siya. Badtrip kasi ako eh. Pero nung nalaman kong si Aren nabangga ko parang may bumulong sa akin at sinabing tulungan ko siya.
Pagkapulot ko sa mga papel ay saktong sabay kaming tumayo. Tumingin siya sa akin medyo nanlaki pa ang mata niya sa gulat ng makita ako. "I-ikaw pala." Nakayuko na niyang sabi.
Inabot ko sa kanya 'yung papel. "Tumingin kasi minsan sa daan." Bulong ko, narinig niya yata kasi tumango siya. Aalis na sana siya pero agad ko siyang hinarangan para hindi siya makaalis. Huminto siya at tumingin ng diretso sa mata ko.
"May maitutulong ba ako?" Tanong niya sa akin. Imbes na sagutin siya, tiningnan ko lang siya. Bakit ko nga ba siya pinigilang umalis? Wala naman akong sasabihin sa kanya.
"Wala. Sige umalis ka na." Walang emosyong sambit ko. Tumango na lamang ulit siya at tuluyan na ngang umalis. Napailing na lamang ako, paalis na rin sana ako ng bigla akong inubo.
Napaupo pa ako sa floor. Kukunin ko na sana 'yung bottled water sa bag ko pero may nag abot na sa akin ng tubig.
Inangat ko ang ulo ko para tingnan kung sino. Si Aren lang pala, hindi na ako nagpabebe pa at kinuha ko na lang sa kanya 'yung tubig. Agad ko itong binuksan at ininom.
Pagkatapos niyon ay tumayo na ako at binalik sa kanya 'yung bottled water. "Salamat." Sabi ko.
"May sakit ka ba Taehyung?" Tanong niya. Tumingin lang ako sa kanya.
"May sakit ka ba Taehyung?" Tanong niya, pilit lang akong ngumiti sa kanya, ayaw kong mag alala siya kaya umiling ako. Medyo nahihilo ako ngayon, siguro dahil 'to kahapon. Nagpakabasa kasi kami sa ulan nung hapon.
Nagulat na lang ako ng bigla niyang idampi ang palad niya sa noo ko. Pagkatapos niyon ay tsaka niya ako hinampas sa balikat. Namilipit naman ako sa sakit. Ano ba naman 'yan, may sakit na nga ako hahampasin pa ako.
"Aray naman!" Namimilipit na sigaw ko, pero siya? Inirapan niya lang ako. Husay 'no? Oo napakabait niyang girlfriend. "Walang saket ha? Subukan mo pa ulit magsinungaling sa akin, hindi lang 'yan ang aabutan mo." Aniya, nagpanggap akong natatakot sa kanya, kaya ang sumunod? Ayon hinampas ulit ako. Sadista 'yan eh.
Pero mahal ko 'yan. "Halika nga do'n sa clinic! Jusme sumasakit ulo ko sa'yo!" Hinila na niya ako patayo tsaka niya ako kinaladkad papunta sa clinic. Ang ayos niyang girlfriend 'no?
"Taehyung?" Nagising na lang ako sa ulirat ko ng tawagin niya ang pangalan ko. Napapikit na lamang ako ng makaramdam ako ng pagkahilo. Nabigla ako ng idampi niya ang palad sa noo't leeg ko.
"May lagnat ka Taehyung, halika sa clinic." Halos nag aalalang sambit niya, hindi na niya ako hinintay pang sumagot dali dali niyang hinawakan ang braso ko at hinila papunta sa clinic.
Pagkadating namin doon, naabutan namin na may inaayos na mga gamit si tita Arian. Nagulat pa siya ng makita kaming dalawa.
"Ma may lagnat si Taehyung ang init niya." Sabi ka agad ni Aren kay Tita. Bumaling naman ang tingin sa akin ni Aren. "Maupo ka muna d'yan sa kama. Kukuha lang ako ng tubig at gamot mo." Sabi niya, lumapit naman si Aren sa mama niya. Nakita kong may inabot sa kanya si Tita na gamot tsaka siya kumuha ng tubig.
Lumapit naman sa akin si tita Arian. Katulad ng ginawa ni Aren sa akin ay idinampi niya rin ang palad sa noo at leeg ko. "Mainit ka nga." Sabi niya, "Pwede ka munang mahiga d'yan, para makapagpahinga ka." Saad niya pero umiling lang ako.
Maya-maya pa ay dumating na din si Aren. Inabot niya sa akin 'yung tubig at gamot. Ininom ko na tsaka ko binalik sa kanya.
Nilapag muna ni Aren ang baso sa pinakamalapit na lamesa tsaka siya lumapit sa kama na inuupuan ko. Inayos niya 'yung unan tsaka niya ako tiningnan.
"Humiga ka muna." Aniya. "Ayos lang ako." Sabi ko pero umiling siya.
"Sige na, para makapagpahinga ka." Aangal na sana ako pero pati si tita Arian ay pinilit na rin ako.Wala na akong nagawa kung hindi ang humiga. "Ayos lang ba sa'yo kung tatanggalin ko 'yung sapatos mo?" Tanong niya. Umiling ako, pati ba naman 'yon Aren gagawin mo?
"Hindi na, ako na lang." Sabi ko pero makulit talaga siya at siya na ang nagpilit na tanggalin ang sapatos ko. Napabuntong hininga na naman ako ng maalala ko 'yung dati na inalagaan niya ako ng may sakit ako.
"Andito lang ako ha? Tawagin mo lang kami ni mama 'pag may kailangan ka." Sabi niya tsaka niya nilagay ang kurtina na tatakip sa akin.
Nasapo ko na lamang ang dibdib ko. Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko.
--September 4, 2016 || 8:40 AM--
A/n: hello guysue! How are you? Shacks MBC kahapon, anong ginawa niyo? Haha joke.
Nag team bahay na naman tayo, paano ba 'yan?So yes, another update sana magustuhan niyo itong chapter na 'to. :)
YOU ARE READING
★ Finding The Value Of Ex || Taehyung [Bts]
Fanfic✔ C O M P L E T E D ✔ " Bakit ka ba nakikialam? Ex lang naman kita. " ⇨[Kim Taehyung ×× Park Jiyeon] ⇨Written in Filipino ⇨Highest rank: #126 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: July 9, 2016 ⇨Date Finished: December 17, 2016