Undesired - Chapter One

894 15 1
                                    


"Maine, let me find my true happiness. Mahal kita, pero pagod na din akong masaktan."

--Jake to Maine

-----------------------------------------1 year ago-------------------------------------------------

"Okay so, alam mo na siguro kung paano mag-upo ng mga guest pag nag-arrive sila sa restaurant right? Naturo ko na lahat sayo, Ms. Maine, is your name tama?"

"Yes, Sir Jake. Tama po parehas. Yung sa guest, at sa name ko."

"Okay good. We're cool."

Jake Castro
26 years old
Manager
Asian-Mexican Restaurant
NY

Maine Santos
27 years old
Hostess
Asian-Mexican Restaurant
NY

"Huy, Maine! 1 month ka na dito sa resto. Madami ka na bang natutunan?"

"Yes Sir Jake. Ang galing mo kaseng magturo."

"Hindi. Mabilis ka lang pumick-up."

"Hello Hon, naka-break na ko. Sabay na tayo? Nandito ako sa cafeteria. Hintayin kita. I love you."

"Oh? BF mo?"

"Yes Sir. Sa front office ang department nya."

"Ahh okay. Teka, wag mo na nga akong tawaging sir, medyo nakaka-ilang pls. Call me Jake."

"Ay sorry Sir Jake."

"Ay kakasabi ko lang, Maine. Akala ko ba mabilis kang pumick-up?"

"Sorry, Jake. Masaya ka na?"

"Much better."

"Oh hon! Halika. Kumuha ka na ng pagkain mo. By the way hon, si Jake nga pala. Supervisor ko. Sya yung kinukwento ko sayo. Ahh Jake, BF ko pala."

RJ Fuentes
28 years old
Front office agent
NY

"Ahh. Nice to meet you brad."

"Same here. Baka kung ano ano ang kinukwento ni Maine sayo. Hindi ako striktong bisor."

"Wala pa naman. Balitaan kita pag meron. Haha."

"Oh sya. Alis na muna ako. Need to finish some paper works. Enjoy your dinner."

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Jake matanong ko lang, ever since na naging part ako ng resto na to, hindi pa kita nakikitang lumabas o ng may ka-date man lang. Tanong ko lang, may GF ka ba? Pwedeng hindi sagutin."

"Alam mo Maine, ikaw na ata ang pang 15 na taong nagtanong sa akin nyan. Wala akong GF. Kung magkakaroon man ako, gusto ko yung worth it."

"May itsura ka naman. Bat hindi mo i-try maghanap."

"Hindi hinahanap yan. Kusang darating yan. At alam mo bang mas naniniwala pa din ako sa quote na, "The best feeling is finding yourself falling in love with someone you thought you would never fall for." Mas sweet yan for me."

"Ang sweet mo naman Jake. Ang swerte siguro ng magiging GF mo. Yung BF ko, walang ka-sweet sweet sa katawan. Wala man lang flowers o chocolates pag monthsary namin. Minsan nakakalimutan nya na monthsary namin. Kundi ko pa ipapaalala."

"Naku! Hindi pwede sa akin yan. Ma-surprise kase akong tao. Ako pa talaga ang magwa-wrap ng gift ko para sayo. Yung ganon na ganap. Tapos flowers and chocolates. "

"Ang sweet mo pls. BF material. Kung wala lang akong BF..."

"Ano? Gagi! Wag ka ngang ganyan! Respeto kay RJ uy."

"Biro lang."

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

"So ano Maine?! Pag aawayan na naman ba natin ito?! Di ba okay na nga ang plano natin? You will go back to Philippines after your contract here in this company, magpapakasal tayo tapos ako na lang ang magta-trabaho?! Very simple! Bakit ba kase hindi ko kayang intindihin?!"

"Alam mo RJ yan ang hirap sayo eh! You're too selfish! Gusto ko din namang mag-trabaho at ayaw kong maging taong bahay na lang! Nagtapos ako para makakuha ng magandang trabaho hindi para maging taga-pag linis lang ng bahay pag uwi mo ng bahay, tagapag-luto mo, tagapagalaga ng magiging anak natin?!"

"No! I'm not selfish Maine! Hindi mo lang talaga maintindihan ang point ko! I'm not doing this for me, i'm doing this for us!"

"Okay?! So ako pa pala ang hindi makaintindi! Fuck this relationship, RJ! Kung lagi na lang tayong ganito, better to cut the rope between us! Sawang sawa na ko sa away at issue na to!"

"Bahala ka na, Maine! Pagod na kong mag-explain!"

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Shit! Sorry Maine, medyo na-late ako. May mga tinapos pa kase akong reports eh. at thank you pala for inviting me. Antagal ko ng hindi umiinom. And for the record, i like the ambience of this bar."

"Okay lang Jake."

"Oh? Umiiyak ka ba? May nasabi ba kong mali? Is there something wrong?"

"Wala. I'm okay."

"Wag ka ngang ganyan! Kilala kita Maine, halos magka-dugtong na ang bituka natin. I can feel if you have something."

"Ba..bakit siya ganon, Jake. Bakit, hindi nya maintindihan ang side ko? Bakit lagi kaming nag-aaway? Bakit kailangang mag end up sa ganito? Na nandito ka? Na nandito ako? Na sinasabi ko sayo tong problema ko? Bakit Jake?"

"So it's between you and RJ right? Well, you can always talk to me if you have something. Makikinig naman ako. Para namang hindi mo ako kilala. Kahit sa work pinakikinggan kita."

"We have plans. Wedding, family, stable work, in short.. May plano na kami to settle down."

"Uh huh? Tapos?"

"Pero bakit habang tumatagal, lalong nagiging komplikado ang mga plano namin. We've been together for almost 3 years. Pero bakit hindi nya pa din maintindihan na hindi ako taong-bahay lang, na gusto ko ding mag-trabaho kahit kasal o may anak na kami?!"

"Maybe because he is RJ. And RJ will do everything for Maine. Na kahit mahirapan sya, okay lang. Ganyan ka nya kamahal Maine. RJ will always be RJ."

"Mahal ko din si RJ, Jake, pero.."

"Sshhh.. Pag mahal mo, walang pero. You should be thankful kase may RJ na nagmamahal sayo. Ang swerte mo nga eh."

"Oo. Ang swerte ko sa kanya no? Ni hindi nga nya naaalala ang mga monthsaries namin."

"Ano ka ba. Hindi naman ibig sabihin nun, hindi ka na nya mahal, Maine. Kung nakakalimutan man nya ung mga naging monthsaries or anniversaries nyo, baka bumabawi sya sa ibang bagay. Diba?"

"Sabagay, tama ka. Ang galing mong magpayo no? Pero ikaw tong walang lovelife. Too ironic right?"

"Oo na Maine! Ako na ang walang lovelife! Tara na nga. Lasing ka na. Hatid na kita sa bahay."

"Mamaya naaa.. Wala naman sa bahay si RJ. Night shift syaaaa.."

"Kahit na Maine, tara na. May duty pa tayo bukas."

"Kfine. You need to carry me. Hindi yata ako makakalakad ng maayos, Jake."

"Magaan ka naman diba? Halika na nga. Buhatin na kita. Umuwi na tayo, Maine."

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

UndesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon