Fiesta dito sa amin ngayon at kasalukuyang may nagaganap na sayawan.. Aaminin ko sa tingin ko naman ay masaya ang napapanood ko ngayon..
Ngunit hindi naman kasi ako mahilig makipagsocialized e. mas naeenjoy ko ang manood na lang kesa sa makipagsayawan sa iba.
At sa tingin ko rin e against sina mama at papa na makipagsayaw ako sa ibang mga tao o lalaki..
Maya maya pa ay naging slow ang tugtugan kaya maraming umalis sa gitna at marami din ang nagsitayuan na couples at sumayaw sa gitna..
Pinanood ko lang sila dito.. Katabi ko si Mama at nakaupo kami sa isang sulok na masayang pinagmamasdan ang mga tao..
Ng biglang nagbago na ang tugtog at naplitan ito ng panibagong love song..
Napansin ko ring ang daming nagsitayuan sa harap na lamesa namin at nagsitungo sa harapan ko.
Nagulat ako dahil nga kakasabi ko lang na hindi ko sigurado kung papayagan ako ng mga magulang ko.
Mejo matagal na rin silang nakatayo sa harapan ko at naghihintay na nakalahad ang mga kamay..
May mga iba na nainip na at umalis na.. Hanggang sa isa na lang ang natira.. Hindi ko alam ang gagawin ko..
Lahat na yata ng tao ay nakatitig samin. At ang lalaking nasa harapan ko naman ay masinop na naghihintay sa akin.
Marami din ang nag chee cheer na tanggapin ko na daw.
Kaya tumingin ako kay mama kung ano ang reaksyon nya..
Nakatingin lang ako sakanya at siya din.
Nakita kong tumango sya ng dahan dahan.. Sa totoo lang ay hindi ko type ang lalaking ito. Ayoko din sana syang makasayaw.. Kaya lamang ay halos lahat na ng tao ay pinagtitinginan kami at nakakahiya naman kung isnobin ko pa ang lalaking ito
Eh naghintay sya ng napakatagal..
Inabot ko na ang kamay ko sa mga palad nya at inalalayan naman nya akong tumayo..
Bago pa kami makalayo ay nilingon ko si Mama..

BINABASA MO ANG
Gayuma [One Shot]
Teen FictionOneShot#3 Gayuma... Ito yung bagay na pwedeng makakatulong sa isang relasyon.. Ngunit, ito rin ang maaaring mag udlot at makakasira sa isang relasyon :/ Oo, Hindi..?