Ilang araw na kaming nagpalakad-lakad sa kagubatan, minsan dumadaan kami sa deserto, minsan naman sa bundok na may snow. Hay, kaya ko naman eh. Adventure ‘to para sa akin.
“Palakang pangit, kelan pa tayo makakarating sa inyo?” hiyaw ko. Imagine, wala kaming dalang pagkain pero nabuhay kami. It’s a miracle. hehehe marami rin naman pagkain sa daan katulad ng mga prutas, gulay, damo. Huh? Nagiging hayop na ba ako?
“Malapit na mahal na prinsesa” saka patuyang ngumiti sa akin.
“Heh! prinsesa mong mukha mo!”.
Mag gagabi na kaya naghahanap na naman kami ng aming masisilungan. Buti pa ang Palakang ‘yan kahit sa ilalim ng dahon okay na sa kanya. Dadaan na naman kami sa isang sapa. Nakita kong kumuha ng malaking dahon si Palaka, malaki talaga o lumiit ako at naging higante ang mga dahon at mga puno?
“Tara na” nakita kong nakasakay na sa dahon si Palaka.
“Anoooooo? pasasakayin mo ako diyan? Paano kung mahulog ako. huhu” OA na kung OA basta ayoko.
“Nandito naman ako, hindi kita pababayan” bakit sa tuwing magsasalita si Palaka nagpapatianod na lang ako? O talagang may magic talaga na nagpapasunod sa akin sa kanya?
Tinaas niya ang kamay para tulungan akong makaakyat sa dahon.
“Ayyyyyy!” sigaw ko ng nasa dahon na kami at gumiwang-giwang ito. Naupo kami sa dahon pero niyakap ako ni Palaka. Natigilan ako, ang lapit-lapit kasi namin.
Oh, no! ‘wag sa palaka Victoria parang awa mo na! sigaw ng OA kong isip. As if naman papatulan ko ‘yan. Tiningnan ko ang itaas ng ulo ko baka kasi nababasa na naman ng palaka ang naiisip ko. Buti na lang walang nakasulat, huminga ako ng malalim.
“Alam mo, okay lang naman na magkagusto ka sa akin eh” napatingin ako bigla sa mukha ng Palaka. Mahangin ba? parang hindi naman. At anong pinagsasabi niyang ma-inlab?
“Whaaaaaaaaaaat?” sigaw ko. “Ako maiinlab sa’yo? Never!”
“Late reaction!” sabat niya.
Ang sarap itulak sa sapa kung hindi lang talaga malalim eh.
Speaking of malalim ay may nakita kaming isda. Masarap sanang ihawin, lagyan ng kalamansi at toyo, swakto! Naglalaway na naman ang author. Seriously, author bakit pag pagkain ang pinag-uusapan naglalaway ka? kaya ka mataba eh.
(Readers, gusto n’yong ilunod ko si Victoria sa sapa?).
Oh sige na magbebehave na ako. Saan na ba tayo? Ah, sa isda, sarap sanang hapunan kaya lang higanteng isda e. Hindi kaya pating ‘yan? Pero hindi eh ordinaryong isda lang (patawad walang alam ang Author ng pangalan ng isda.hehehe).
Papalapit na siya sa amin, napalunok ako. Kinalabit ko si Palaka. “Omg! it's a big fishhhhhhhh”. Tumingin ako sa kanya at nakita kong matiim lang itong nakatingin.
“Maupo ka lang diyan” sabi niya sa akin. Tumayo siya at kinuha ang tungkod sabay hugot at nakita ko ang isang espada. Cool! Sabi ko nga eh may espada ang mga prinsipe. Naku, papalapit na sa amin ang isda.
“Pals!” tawag ko. Pals pa talaga eh.haha eh sa trip ko ang tawag sa kanya na ‘yan eh. Saka kampi kami ng Author kahit anong gusto ko susundin niya. wahaha.
Naku, nakalimutan ko na palang may kaaway kaming isda. Ayun na nga papalapit na at pumikit na lang ako. Namulat ako ng maramdamang nakaupo na sa tabi ko si Palaka.
“Nasaan na ang palakang iyon?” galit kong sabi.
Sinapak ako nito.huhu walangya talagang Palaka na ‘yan. “Wala na, ayun na patay na siya”.
Bigla ang paglingon ko. Hindi kaya ako magka stiff-neck sa ginawa ko? hehe Nakita ko na lang ang nakalutang na isda habang hindi gumagalaw. Kawawa naman!
Mabuti nalang nasa kabilang pampang na kami. Hay, salamat.
Lakad na naman kami, madilim na ang paligid at malamig pa. Napayakap ako sa sarili ko.
“Gamitin mo muna ‘to” alok niya sa akin ng Sweater niya.
Tiningnan ko siya ng masama. “Noong isang araw na nagyeyelo sa North Pole hindi mo pinagamit sa akin ‘yan, so ngayon papagamit mo? Anong drama mo?” singhal ko sa kanya.
“Eh di kung ayaw….” hindi na nito natapos ang sasabihin, bigla ko nalang kasing hinablot iyon.
“Bwisit ka talagang palaka ka” sabi ko sa kanya at nauna na sa paglalakad. Nakarating kami sa medyo tagong lugar at nakakita ako ng kunting liwanag. At nung napagtanto kong isang bahay ay nabuhayan ako ng loob. Salamat po, makakatulog na ako nito ng mahimbing.
“Pals, look oh it’s a house!” pinangatawanan na talaga ang pagtawag ng Pals.
“Nakita ko, hindi naman ako bulag!” naku, pigilan n’yo ako baka masapak ko talaga ‘yang hayop na ‘yan. Pero walang pumigil sa akin, sasapakin ko ba talaga? Wag na, bukas na lang tinatamad ako e.
Nasa harapan na kami ng bahay. Ang creepy naman parang lumang-luma na ito. Si Palaka na ang pinagkatok ko.
Tok..
Tok..
Tok..
Walang may bumukas. Katok ulit.
Tok..Tok..
At biglang bumukas. Iniluwa niyon ang isang pagkaganda-gandang babae.
“Yes? what can I help you?”
Hinugot ko ang panyo sa bulsa ko at pinahiran ang dugo sa ilong ko. Yung totoo, englisero na ba ang mga character ng mga fantaserye? At hello, Victoria malay mo ang settings ay sa London, Scotland o England,o diba bonggacious.
Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Palaka “Pwede ba kaming magpahinga dito kahit isang gabi lang?” nakita ko ang pagpapacute ng Palaka sa babae. Yaks, kala naman niya cute siya.
“Sure” at para ring nagpapacute ang babae. Ewww! Walang kataste-taste.
“Thank you, excuse me” sabi ko at nauna nang pumasok sa loob ng bahay niya. Para kasi akong masusuka sa paglalandian ng dalawa. Gross!