"Babe bilhan mo ako niyan ohh" sabi ng babae sa kanyang boyfriend, tinuturo niya ang heart shape na ballon.
"Hon ice cream ohh" sabi ng lalaki sa girlfriend niya "oh! Para mawala yang init ng ulo mo sakin" dugtong niya abot langit naman ang ngiti ng babae habang tinatanggap niya ito.
"Nico ano ba hahaha wag nga nakikiliti ako" sabi ng babae habang kinikiliti siya ng boyfriend niya
Yan ang mga nakikita ko habang naglalakad ako dito sa park. Iba't ibang couple na PDA.
"Oh! Miss boyfriend diba boyfriend mo yun?" Tanong ko dito sa babaeng nakaupo sa bleacher at nagcecelphone tinuro ko ang lalaki na di masyadong malayo saamin at may kasama itong babae. Siguro di niua ito napansin dahil busy siya sa kakapindot sa phone niya. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ng babae at parang iiyak na ito, tumingin ito sa akin "paano mo nalaman na boy..."
"Ops! Wag mo nang alamin. Puntahan mo sila" sabi ko sa kanya
"Nagsinungaling siya" sabi nitong babaeng kasama ko at tuluyan na nga tumulo ang luha niya sa left eye niya. "Sabi niya pupunta daw sila ng pamilya niya sa Davao kaya mawawala daw muna siya ng Tatlong araw" dugtong niya.
"Oh! Wag muna magduda tawagan mo muna. Malay mo may supresa lang siya sayo kaya may kasama siyang babae sayo" sabi ko sa kanya. Kinuha niya ang phone at tyaka ko naman binulong ang mga salitang "I'll bet you makikipaghiwalay yan sayo ngayon" timingin siya akin at tumungo lang ako di ko sure kung narinig niya ang mga sinabi ko.
She started dialing the phone but it keeps on ringing sa unang tawag niya di ito sinagot pero sa pangalang tawag nito ay sinagot na ng lalaki
"Hello" halata ang pangingig ng boses ng babae.
"Where are you?" She asked niloudspeaker niya ang phone niya para siguro marinig ko ang sasabihin ng lalaki.
"Hello Kyle?" so Kyle pala pangalan nitong babae *Babe sino ba yan?* rinig na rinig ang boses ng babaeng kasama ng boyfriend niya. "Diba I told you na pupunta kami ng Davao" sabi ng lalaki
"Sino yun?" Di niya pinansin ang sagot ng boyfriend niya
"Huh ano?" Tanong ng lalaki "Wag mo akong gawing tanga Mark" matigas na sabi ni Kyle "Alam mo Kyle kung wala ka namang tiwala sa akin, mas mabuti pang maghiw....." di na natapos ang sasabihin ng lalaki dahil pinatay niya ang cellphone niya.
"Bat mo pinatay ang tawag?" Tanong ko sa kanya "Paano mo nalaman?" Tanong niya sa tanong ko sa kanya "Ang ano?" Tanong ko sa kanya. "Na makikipaghiwalay siya sa akin" so narinig niya pala nginitian ko lang siya.
"Alam mo wag kang mag pakatanga sa kanya. Di niya deserve ang pagmamahal mo para sa kanya." Sagot ko sa kanya at tumayo na ako. "Ohh take this" at binigay ko sa kanya ang panyo ko at umalis na ako.
I am Daniel Bullet Ford Prior and I am a furtune teller and I don't why I was'nt able to predict na she was going to break up with me.