Naging

17 4 3
                                    

Another sabaw na one shot! <3

—x

Pasukan noon, nung una kitang makita. Napakaingay mo kasama mo kasi mga kaibigan mo. Samantalang ako tahimik kasi hindi naman ganyan ka dami ang mga kaibigan ko.

Hindi ko alam kung bakit tayo pilit ipinagtatagpo ni tadhana... magkaklase pala tayo and worst magkatabi pa.

Lagi mo akong kinukulit kung may assignment ba ako. Mahilig ka kasing maglaro sa computer shop ayan tuloy napapabayaan mo pag-aaral mo.

Ako palagi ang binubwisit mo paano ba namam kasi hiwalay kayo ng section ng tropa mo. At araw-araw masama ang tingin ng mga kaklase nating babae sa akin kasi nga ang ganda mong lalaki.

Lagi mo akong sinasama sa mga lakad mo hanggang sa naging mag kaibigan tayo.

Ganito pala pag kaibigan noh? Maraming opportunities. Naikwento mo na saken ang ex mo na maganda pero manloloko, ang mga magulang mo na divorced, at dun kayo nakatirang magkapatid sa lola nyo.

Nagtataka ako dahil sa kabila ng lahat lagi ka pa ding nakangiti.

Tinanong mo ako kung bakit ang tahimik ko, ang sabi ko naman "Ano ba ang dapat kong ikwento?" Hindi ko alam kung anong meron sa'yo at napakwento nga ako tungkol sa buhay at mga problema ko. Naging madaldal ako for you.

Hanggang sa umamin ka. Sabi mo matagal mo na akong gusto. Simula nung pasukan pa pala, ang galing mo mag tago. Sa tingin ko ay namumula ang aking pisngi. Napatingin ako sa'yo at nakangiti ka pero hindi nakatakas sa aking mga mata iyang pamumula ng ilong mo.

Sabi mo sana walang mag bago sa pagkakaibigan natin. Tumawa lamang ako sa sinabi mo at napasabi ng, "Ano ka ba gusto din naman kita." Hindi ko talaga ninanais iyong sabihin, nadulas ako at napaamin na din.

Nanlaki ang mga mata mo na para bang gulat na gulat ka sa sa pag-amin ko, at mas lalong pumula ang ilong mo.

Niyugyog mo ako sa tuwa. Naninigurado ka pa nga kung totoo ba ang sinabi ko o biro lang. Tumawa  ako, ang cute mo kasi.

Lumalim pa ang damdamin ko para sa'yo at ganun ka din sa akin. Hanggang sa niligawan mo ako... sabi ko naman sayo eh, bata pa tayo.

Ilang buwan ka nanligaw. Tinanong kita kung sawa ka na ba? Dahil alam mo naman ang sagot diba? Pero hindi ka tumigil kahit paulit-ulit kitang tinanggihan. Ang pagiging pursigido mo siguro ang nakapa-oo saken.

Naging tayo.

Natatawa nga ako sa sarili ko kasi tinanggihan na kita ngunit nag-iba ang bugso ng aking damdamin at napasagot mo ako ng oo.

Lagi mo akong hatid sundo, lagi tayong sabay tuwing lunch, lagi tayong sabay gumawa ng assignment at mag-aral para sa test.

Natapos ang school year at bakasyon na ngunit hindi pa din tayo mapaghiwalay. Pumupunta tayo sa mall at manunuod ng sine. Araw-araw yata tayong nagdedate.

Dumating ang araw ng pasukan, sabay tayong pumasok at nalaman na hindi na pala tayo magkaklase. Kaklase mo na ulit ang tropa mo samantalang ako maiiwan na mag-isa. Tinanong mo ako kung okay lang ako, kahit hindi ako okay sinabi ko nalang na oo.

Pinilit mo pa ding sumabay saken tuwing lunch, sabi mo yun nalang pambawi mo sa akin. Napangiti ako sa sinabi mo. A for effort pa din yun kahit ang ating mga schedule ay hindi mag-tugma.

Hanggang sa unti unti kang nagbago. Minsan ka nalang sumabay saken tuwing lunch. Lagi nalang kita nakikita sa computer shop napapabayaan mo na naman ang pag-aaral mo. Simula noon, lagi na tayong nagtatalo.

Nagkita tayo sa mall. Kasama mo ang barkada mo at mukhang nagulat ka yata nang makita mo ako. Umiwas ka ng tingin at nag panggap na hindi mo ako nakita. Kumirot ng bahagya ang aking puso at napatanong sa sarili kung ano bang nangyayari? Bakit nagbago ka?

Dumating ang araw na hindi ko inaasahan. Alam kong maari itong mangyari pero hindi ikaw yan eh, hindi ikaw yung tipong susuko nalang agad pero sabi ko nga nagbago ka. Nakipaghiwalay ka sa akin. Wala ng tayo, ikaw at ako nalang. Tinanong kita kung bakit gusto mo itong mangyari... sinabi mo, "Mahal ko pa din pala sya. Pasensya na sa abala." Tinalikuran mo ako at unti unti kang naglaho sa paningin ko. Sa mga sinabi mo hindi ko alam kung alin dun ang totoo. Ginamit mo siguro ako para makapag move on sa kanya pero... wala eh. Bumagsak ka pa din sa kanya.

Ang sakit.

Naging strangers with memories nalang tayo. Tutal dun din naman talaga papunta yun hindi ba? Sabi nga sa Lion King, "It's a circle of life, and it moves us all." Masakit man pero tatanggapin ko ang sakit. Maraming salamat sa lahat, sa mga masasaya at masakit na alaala.

Salamat sa oras at atensyon na iyong inilaan para sa akin. Sana ikaw ay magsilbing leksyon.

NagingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon