t w e n t y t h r e e

23 2 4
                                    

Brieanne's POV


"Shems! Ang gwapo talaga ni Mark!" napa-irap nalang ako sa sinasabi ng katabi ko. Ilang beses na ba nya nasabi yun?

"Brie! Tignan mo! Omayghad! Ang galing talaga nya! Shemay! Please be mine!!!" tili nya't buti nalang hindi sya pinapansin ng mga students dito dahil kanya-kanya din sila ng cheer sa mga lalaking naglalaro sa court.

"Yes! 3 point shot! Omayghad! I love you na!" napa-iling nalang ako sa inaasta ni Jia. Lakas nya talaga maka-fangirl. Kaurat.

"Nakakahiya ka." sabi ko sa kanya pero bumelat lang sya.

"Try mo kayang pag-cheer si Chann o kaya si Harvey o kaya si Jacque, no?" suggestion nya pero umiling ako.

"No, thanks. Madami ng nagchi-cheer para sa tatlong ugok na yun. Ayoko din mawalan ng boses." mataray na sagot ko't parang hindi nya ako narinig dahil tutok na tutok talaga sya sa panonood ng try-outs para sa basketball.


Halata namang makukuha na yung tatlong ugok e. Isama mo pa si Mark, MVP e. Tsk. Tsaka automatic naman na makakasama kapag sumasali ka tulad ni Jacque, except pala kina Chann at Harvey. Pero, I'll admit, they're brilliant. Ang galing nila. Kaya nga puro tili ang naririnig ko't kilig na kilig ang mga babae dito sa loob ng gym. Ayoko talaga manood dahil maingay pero dahil hinatak na ako ni Rae at Jia, wala na akong magagawa. Buti pa si Rae tahimik lang, etong isa lakas maka-fangirl. Hay nako.


"San ka pupunta, Rae?" tanong ko dahil bigla syang tumayo sa kinauupuan nya.

"Sa soccer field. Ang ingay dito." reklamo nya't napangiti ako.

"Sama ako." sabi ko't ngumiti sya at tumango. Iniwan ko na si Jia dun dahil halata namang enjoy na enjoy sya sa kakatingin sa crush nya. Simula kasi nung hinatid nya si Jia, puro nalang Mark Tuan ang narinig namin mula sa kanya. Eto namang si manhid walang pake't wala atang alam na nasasaktan na si negro. Tsk. Bahala sila.


--


"Goal!" Buti pa talaga dito di maingay. Ang refreshing pa ng hangin at hindi ganun karami ang tao.


"OMG! ANG GWAPO NI SHAUGHN!" napatingin kaming dalawa ni Rae dun sa mga grade 10 (?) students na tumili. Napa-iling nalang si Rae.

"Kailangan bang isigaw yun? Kapag nyan nalaman nila na wala talagang epekto kay Shaughn yung ganyan, hay ewan ko nalang. Isang babae lang naman yung napapansin nya. Hay! Buhay!" reklamo nya pero di ko masyadong narinig yung ibang part. Wala e, Raelynne yan. Nothing new.


Nakaupo lang kami sa damuhan habang pinapanood maglaro ang mga nagta-try out sa Soccer. Halata namang makukuha si Jay since sya yung captain since... nevermind. Basta sya yung captain noon.


"Kyaaaaah!" bigla nalang sumugod yung mga students na babae kanina dun sa pwesto nina Jay at pinalibutan sya. What the heck?!

"Bakit kaya nila tinatapon ang sarili nila kay Shaughn?" rinig kong reklamo ni Rae pero di ko sya pinansin. Mula dito sa pwesto namin ay makikita mo si Jay na walang imik at nakatingin lang sa mga babaeng kinikilig sa kanya. 


Nagulat ako nung biglang magtama ang mga mata namin ni Jay at bigla syang tumayo sa kinauupuan nya't tumakbo papunta dito sa kinaroroonan namin. Fudge.  

The Derp and I (Chanyeol FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon