Sawing Pag-ibig
(Assignment namin sa filipino: Gumawa ng isang maikling kwento tungkol sa iyong sawing pag-ibig. Haha!! Ang epic talaga ng teacher namin!! :D)
♠A\N: Npagtripan ko lang na ipost ang gawa ko dito. Hehe!! Pa-VOTE if ever na magustuhan niyo ang gawa ko. Haha!! Sana nga makakuha ako ng mataas na grades dito eh!! Yieeeh!! <3 Enjoy reading!! :D
At dito na NAGSIMULA...
Nagsimula akong magka-crush noong first year palang ako. Nang mga panahong yan ay nene pa ang kaalaman ko sa pag-ibig. Nagsisimula pa lamang na tubuan ng mga tagyawat at bago pa lamang sa higher school level. Pero noong makilala ko siya, doon na nagsimula ang pagiging great pretender ko.
Unang araw pa lamang ng pasukan nang makita ko siya at makatabi sa pila. Nagkabanggaan pa nga kami nun pero hindi ko lang pinansin. Hindi ko naman inaasahan na ang simpleng hindi pagpansin ko lang noon ay magdudulot ng pagkagusto ko sa kanya ng mahigit dalawang taon. Sa unang taon sa hayskul ay naging matalik kaming magkaibigan. Kasama pa ang iba naming mga kaibigan ay nakagawa kaming lahat ng masasayang bonding moments. At sa hindi malamang dahilan ay unti-unti ay nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib na hindi ko kailanman naranasan. Siguro natural lang ang crush dahil malapit siya sa lahat at madami na talagang nagkakagusto sa kanya kaya pinagsawalang bahala ko na lamang. Nagtuloy-tuloy ang pagkakaibigan at ang mga bonding moments namin kasabay din nito ang paglakas ng tibok ng puso ko para sa kanya. Pero ang masakit lang para sakin ay ang magkwento siya sakin tungkol sa gusto niya. Masakit lalo na't hindi ako ang babaeng tinutukoy niya. Pero kahit ganun, hindi pa din nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Martyr nga ang matatawag ko sa sarili kasi kahit nasasaktan ako sa mga kwento niya pinipilit ko pa ring ngumiti at sabihian siyang "Umamin ka na kasi sa kanya! Malay mo gusto ka din niya?Diba DIba?". Hanggang sa dumating na nga ang araw na nagtapat siya sa babaeng gusto niya na matalik ko ding kaibigan. Masakit? Oo. Pero wala akong magagawa dahil hindi naman ako ang gusto niya at hindi ko matuturuan ang puso niyang gustuhin ako. Wala na akong ibang nagawa kundi ang itago ang nararamdaman ko kasi sa paraang yun alam kong hindi mawawala ang pinagsamahan namin.
Lumipas na ang mga buwan at mas lalo pa akong naging emosyonal sa bawat araw na nakikita ko sila ng kaibigan ko na magkasama kaya naman nung kinagabihan, habang sabay-sabay kaming naglalakad, nagtatawanan, nagkukulitan, nagkukwentuhan, bigla na lamang bumuhos ang mga luhang matagal ko ng dapat nilabas. Nagulat silang lahat sa kinikilos ko pero pinanatili kong magsikreto pwera lang sa isa ko pang malapit na kaibigan. Pero hindi sinasadya ay nadulas siyang sabihin iyon sa taong gusto ko at ang nagyari?? Ayun, nagalit siya sakin. Hindi ko alam kung anong dapat niyang ikagalit. Kung dahil ba sa kaibigan ko siya at gusto ko siya? O dahil sa kaibigan ko siya at hindi ko man lang nasabi sa kanya ang nararamdaman ko? Pero kahit na sabihin ko din naman sa kanya ay alam kong magagalit pa din siya sakin. Naging malamig ang pakikitungo niya sakin. Sinabihan niya pa nga akong “mean” noon sa isangtext message dahil hindi daw ako nag-iisip muna ng sasabihin ko kaya nakakasakit ako agad. Nagalit ko ba siya dahil baka nasaktan ko yung taong gusto niya? Bakit? Hindi ba’t mas nasasaktan ako? Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero di ko na nagawa. Iniyakan ko yun ng ilang araw at lagi ay lutang ako dahil alam kong galit sakin ang taong Mahal ko. Hindi kami nag-uusap at nagpapansinan na umabot pa ng isang taon.
(To Be Continued....)