Chapter 27
"Does that mean you are choosing him over me?"
Humugot ako ng isang malalim na hangin at binuga iyon para maiwasan ang di inaasahang pagluha ng mata ko.
Naalala ko na naman kasi ang itsura kanina ni Michael bago ko sya iwan sa school at sumama kay Dark pauwi. Puno ng sakit iyon at tila di makapaniwalang nagawa ko syang suntukin.
Gusto ko mang sagutin ang tanong nya at sabihin 'oo', ngunit nag-aalangan ako kung iyon nga ba ang lalabas sa bibig ko. Baka hindi na lang kasi katawan ko ang tumraydor sa akin. Baka pati na rin ang puso ko.
Sa tingin ko kasi, ang pagmamahal ko sa kanya ay nababalutan lang ng takot at galit dahil sa mga nangyari. Pakiramdam ko ano mang oras mawawala ang nakabalot na iyon at mapapatawad ko na syang muli tulad ng parating nangyayari.
At bago pa mangyari 'yon, gagamit ko ang takot at galit sa puso ko para sa wakas ay makalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya. At sana sa oras na mangyari iyon, maaari na akong maging masaya.
Mariing kinagat ko ang labi ko at pumikit para alisin sa isipan ko si Michael. Sa bawat oras na iniisip ko kasi sya, hinihila lang ng mga alaala at pinagsamahan namin dalawa pabalik sa sistema ko ang lahat ng emosyon na meron ako para sa kanya noong normal pa ang lahat sa aming dalawa. At hindi maganda iyon."Carlo, ayos ka na?" Biglang tanong sa akin ni Dark na kasalukuyang minamaneho ang kotse nya para ihatid ako sa amin.
Ngumiti ako ng konti sa kanya, "Yea." Tipid na sagot ko naman.
Napatingin ako sa mukha nya at nakita ang munting sugat sa labi nya na natamo nya yata kanina nang suntukin sya ni Michael.
Bigla nya akong tinapunan ng tingin dahilan para makita nya ang matiim na pagtitig ko.
"That guy, he punch pretty hard, you know? I was almost knocked out." Natatawang sabi nya.
Di ko naman magawang tumawa pabalik sa biro nya. Masyado kasi akong nahihiya sa ginawa ni Michael sa kanya. Napakadami na nya akong beses na tinulungan tapos nadamay pa sya ngayon sa gulo namin ni Michael.
"I'm sorry." Mahinang sabi ko naman sa kanya.
"For what?" Tanong nya.
Tinapunan pa nya ulit ako ng tingin dahilan para makita ko naman ang pasa sa kabilang pisngi nya. Mula rin ata iyon sa pagkakasuntok ni Michael. Lalo tuloy nadagdagan ang dalahin kong konsensya.
"Sorry kasi nadamay ka pa sa mga problema ko." Umpisa ko at bumuntong-hininga. "At dahil na rin sa ginawa ni Michael sa'yo." Dagdag ko pa.
Saglit na natahimik si Dark.
Kinabahan ako ng sumeryoso ang mukha nya at nagdilim ang aurang nakapaligid sa kanya.
"Ayos lang sa akin kung madamay ako sa problema mo, wala ring kaso sa akin kung bugbugin pa man ako ng kaibigan mo. Ang hindi ko lang matanggap ay ang mga bagay na ginawa nya sa'yo." Seryosong sabi nya.
Napakagat naman ako sa labi ko at di na nakasagot. Di ko inaasahan na doon pala mapupunta ang usapan namin. Tungkol na naman sa nangyari sa pagitan namin ni Michael. Tsk.
Napansin nya atang wala akong balak magsalita kaya naisipan nyang basagin ulit ang katahimikan sa pagitan namin dalawa.
"Since nakarating na naman tayo sa puntong ito, may aaminin akong sikreto sa'yo na tanging pamilya ko lang ang nakakaalam." Biglang sabi nya dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Naaalala mo ba noong sinabi ko sa'yo dating mahirap harapin ang problema ng mag-isa? At alam ko iyon dahil base on my own experience 'yon?" Tanong nya.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)
RomanceWe're bestfriend and I'm his possession...