'I'll marry you no matter what happens to you in real world, I'll marry you. No matter what kind of sickness you have. Even if you can't walk or stand, or even if you can't have kids. I'll still marry you. I'll always stay by your side.'
Sana ganun nga kadali.
Sana humaba pa yung panahon.
Hindi siya magsasawa..
Sana hanggang sa huli.. hindi niya bibitawan ang mga salitang iyan
Sayang. Nakakahinayang..
Di ko pala alam tumutulo na pala yung luha ko..
Nakakaiyak kase. Oo aaminin ko ang dali lang patuluin nitong mga luha ko
Para akong tanga kakaiyak hanggang sa kahuli-hulian ng episode 10 ng angel beats. Hindi ko alam nakakarelate lang siguro.
Sa kakaiyak ko at sa kaingayan ko. hinampas ako ng unan nitong kakambal ko
Shemay naka 10 points.. Direct hit! sa pagmumukha ko.
Yan tuloy Lalo lang akong napaiyak.
'Alam mo nhie ang OA mo. grabe ka.'
'Mas grabe ka mhie. Akala mo di ako nasaktan dun? Ang sakit kaya!' sabay pout . Syempre para mas lalong makatotohanan na nasaktan ako dun.
'Alam mo Nhie hindi ka lang OA, pabebe ka pa!'
'Oo na sige na! Pero totoo mhie hindi ka naiyak?! Kanina pa tayo nanonood dito. Ang dami nang storyang pinakita, pero hanggang ngayon di ka pa rin talaga napaiyak?!
'Hindi'
' Hindi ka tao mhie! Anong klaseng damdamin yan? Ang manhid mo Mhie!'
Ot. Oo nga pala di pa pala ako nagpapakilala. Ako si Tanya. Chos de jk lang.
Ako si Alexandra Zsenjo De los Santos. Ang haba noh? Nireklamo ko nga yan sa mama ko kasi tuwing magtetest ako pinagkakasya ko pa yan sa line na ginawa ng teacher namin. Gusto kasi ni Sir na dapat ilagay ng maayos yung pangalan namin mismo sa ibabaw ng linya. Mahirap daw kasi ilagay yun o baka naman sadyang big deal lang sa kaniya yun kase pinaghirapan niya.
Dumirestso naman tayo sa kakambal ko, ang mataba kong kakambal. Si Amber Zion De los Santos, babae yan na may pagka boyish na may pagka abnormal. Pero mahal ko yan, tulad ng napapanood niyo man sa tv, o nababasa sa mga libro kamukha ko man yan, hindi ko yan pareho ng ugali. Let's say na mas matapang siya, mas mature, mas may malawak na imagination, mas matalino ofcourse! Nagpapakahumble na ko para sa kaniya!
Mhie at Nhie? San namin nakuha? edi sa Mhie Nhie Mhie Nhie Mhie Nhie Mo! haha. Meron pa nga kaming gestures signs para sa mga yan. Clap 2x, Padyak 2x! ikot 2x! Then kung sinong makatagal na matiis- tiis o kaya naman di nakayang makipageye to eye dun namin malalaman kung sino sa amin ang hindi nagsasabi ng totoo o may problema okaya naman may sikreto.
Agad naming naaamoy ang bawat isa pag hindi naliligo o kaya naman pag hindi nagtotoothbrush at nagdedeodorant Lalo na tong kakambal kong di makapagbawas ng pounds! di makapagdiet kaya agad hinihingal!
Nasa kwarto kami
Room 107
Yup! nasa hospital kami
Hinihintay namin si mama para sunduin kami. Dinalaw kasi namin si Ma~Mang, our grandmother.
These past few days kasi nahihirapan huminga si Ma~mang kaya agad siyang dinala nina Tito Vince sa hospital.
As usual..
Okay lang siya! Malakas ata dugo ng mga Sanchez, oo nga pala middle name ko yun.
Kaya alam ko na kung saan nagmana sina mama, nhie at kuya Calvin!
Haays eto nanaman, apat kaming magkakapatid sin Kuya Calvin~ ang panganay na.. na.. ewan ko kung may something sa utak pero kase nakakabwisit siya kapag kinakausap mo.
You know parang special? or let's just say na a nerd one, akala mo matino but you know I can smell something fishy about him, nakakacurious lang.
mahirap kasi kausapin.
Nakakatakot
Well laging seryoso but I can easily get his attention.
Lalo na kapag umeepal kabobohan ko sa math,
katangahan ko sa pageenglish,
Pagputok ng ugat ko sa science.
Lagi siyang tumitingin ng masama sa akin
At ang laging dialogue niya na halos mamemorize ko na " bat di ka ginising ni Lord nang nagbigay siya ng katalinuhan? yan tuloy walang laman yung utak mo kundi libag''
Meron namang laman yung utak ko ahh.
May brain cells
May nerve cells
May dugo
With oxygen
Di lang talaga ako pinagpala
Pagdating sa Kalusugan
Ayy hindi pala
sa buhok
Haha. oo. Yes!
Wala akong buhok
As in wala.
Kalbo ako..
Pati kakambal ko
Ugh. We never let each one of us to suffer.
Nang magisa
Wala kaming Leukamia
Meron kasi kaming sakit.
Ano kasing pangalan nun?
Makakalimutin talaga ako
BINABASA MO ANG
It Doesn't Matter
RomanceCan I enjoy my last day? How about my last moment? Can I still experience the most exciting part of living? To love and to be love back? I wish I hope There is someone ' It doesnt matter' ' I dont care' 'I will' 'Until the end'