Cupid Turned Lover ➳ (KathNiel OneShot)

1.9K 55 24
                                    

Cupid Turned Lover ➳ (KathNiel OneShot)

Ang kupido, di pwedeng ma-inlove. Malaking M-A-L-I pala yan. Akala ko ang kupido, nagtatakda at pumapana ng mga taong tamang-tama pa sa isa't-isa. Yung destiny, soulmate, dream girl or boy, wife or husband, and your one and only. Pero paano kung ang kupido, tinamaan na din? 

-

"Paris, tulungan mo na ako." sabi mo. Shete, napakakulit mo kaya! 

"Bigyan mo ko ng sampung rason kung bakit kita tutulungan." sabi ko sayo.

"Una gwapo ako. 

Pangalawa, mabait ako.

Pangatlo, malinis naman ako.

Pangapat, matangkad ako.

Panglima, marunong ako mag-gitara.

Panganim, marunong ako mag-basketball.

Pangpito, marunong ako sumayaw.

Pangwalo, marunong ako maluto. Sunog nga lang.

Pangsiyam, mas gwapo ako.

Pangsampu, pinakagwapo ako." sabi mo.

Napahinto tuloy ako sa paglalakad at napatingin sayo ng naniningkit ang mga mata. 

"Wow naman France, hindi porket magkalapit ang bansa este ang mga pangalan natin, mauuto mo na ako. AT! Nagbuhat daw ba ng sariling bangko? HAHAHAHA." pinagpatuloy ko na ang paglalakad palayo sayo.

(A/N: Parang idiom po yung 'nagbuhat ng sariling bangko' sa mga di po nakakaalam, pinuri po ang sarili. :))

Nagpapatulong ka kasi sa panlilgaw sa pinsan ko na tiga ibang section, at ako bilang kaklase mo, ako ang gusto mo gawing tulay para sa pagiibigan niyo. EW! Pwe. 

Papasakay na sana ako ng jeep ng marinig ko ang boses mo.

"Gagawin ko lahat ng gusto mo kapalit lang ng pagtulong mo saakin." seryosong sabi mo. 

Tinalikudan ko ang jeep at umandar na ito. Napangiti ako, killer smile. 

"Ano ulit yun?" tanong ko kahit klarong-klaro naman ang sinabi mo. 

Huminga ka ng malalim. "Sabi ko, gagawin ko lahat ng gusto mo kapalit lang ng pagtulong mo saakin sa panliligaw sa pinsan mo." sabi mo. 

"Deal." 

Kinabukasan nasa bahay ka namin, buti na lang wala pa dito ang pinsan ko. Magaala-teacher at cupid at the same time na lang naman ako. 

"France, makinig ka. 5 Ways To Get A Girl." 

1. BE HER FRIEND. 

Inexcuse ko si Andrea, ang pinsan ko, sa klase niya. Tutal vaccant natin, sinama mo siya sa roofdeck ng school. Marami ditong iba't-ibang uri ng halaman at mas malaki pa ito sa TriNoma. Jk, hindi naman, basta malaki to'. Ayaw akong paalisin ni Andrea kaya naman sumama ako. Pero mga isang metro ang layo ko sa inyong dalawa. 

"So friends?" sabi mo ng patapos na ang usapan niyo.

"Sure! Bakit hindi?" sabi ni Andrea sayo. Buti na lang naririnig ko, baka pumalpak ka e.

"Diba pag friends, laging magkasama?" Banat mo. Nagpipigil lang talaga ako ng tawa sa kacornyhan mo e. 

"Sorry France, I'm always busy e, and besides di ako masyadong close sa boys. Sorry, next time na lang ha. Thank you, bye." sabi ni Andrea sayo at umalis na sa roofdeck. 

Cupid Turned Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon