~Clyde's POV~
Kanina, hindi ko sigurado kung masaya ba talaga si Candy or pinipilit niya lang maging masaya. Hindi ko rin masasabing masaya ako dahil hindi ko naman dapat ikasaya ang katotohanang sinagot lang niya ako dahil may girlfriend na ang taong mahal niya. Buong oras na magkasama kami ay sinubukan kong tanggalin ang katotohanang ito sa isip ko at inisip na mas maganda na lamang na ganito kaysa sa hindi niya ako sagutin.
Nang makuha namin si Ung, ang laruang unggoy kanina sa arcade, ay nakita kong ang saya niya. Marahil totoo ang mga ngiti niya ng mga sandaling makuha namin si Ung, ngunit ng magsimula na uli kaming bumyahe ay napansin kong lumungkot siya ulit. Tinitigan niya lang si Ung at napapabuntong hininga na lamang ako sa tuwing nasusulyapan ko ang malungkot niyang mukha.
Pagdating namin sa bahay nila ay nakatitig parin siya kay Ung at mukhang walang balak bumaba. "Tracy baba na, nandito na tayo." Sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang seat belt ko.
"Ayaw ko." mahina niyang sabi ng hindi inaalis ang tingin niya mula kay Ung.
"Huh? Bakit? May problema ba?" Nag-alala naman ako kaagad dahil bigla nanaman siyang naging malungkot. Ganito ba talaga niya kamahal si Christian?
"Kanina habang nasa arcade tayo, nakita kong nagtetext ka. Sinubukan kong tignan pero agad mong tinago. Sino 'yung katext mo?" malungkot niyang tanong ng hindi tumitingin sa akin.
Hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa dahil sa tanong niya. "Grabe Tracy, selosa ka pala. Si tito 'yung katext ko kanina at si daddy, ok? 'Wag ka na magselos." pang-aasar ko sa kanya para mabawasan ang lungkot niya.
Kahit iyon ang itinanong niya sa akin, malakas ang pakiramdam kong hindi naman talaga iyon ang rason kung bakit siya malungkot. Malamang ay naiisip niya nanaman si Christian. Kahit ilang beses niya naman iyon ikaila ay alam kong iyon at iyon parin ang rason ng kalungkutan niya. Pero kahit ano man ang rason, susubukan ko na lang siyang pasayahin para kahit papaano ay mabawasan ko ang lungkot na dinadala niya, kahit pa alam kong tanging ang taong ikinalulungkot niya ang tangi ring magpapasaya sa kanya.
"Ano naman pinag-usapan niyo ni daddy?" tanong niyang halatang hindi parin naniniwala na sila ang katext ko.
"Grabe, hindi ako nagsisinungaling ok? Basta, malalaman mo rin mamaya. Halika na, baba na tayo." Pagkasabi ko ng mga katagang ito ay hinawakan ko ang kamay niya.
Agad naman niyang hinampas ang kamay ko kaya bumitaw ako agad at sinipa ako sa mukha gamit ang mga paa ni Ung at nauna na siyang bumaba. Bumaba din naman ako agad at hinabol siya at inakbayan siya. Medyo namimihasa na ako, pero ayos lang 'yan. Ngayon lang naman, para kahit papaano ay maramdaman niya namang hindi siya nag-iisa, na nandito lang ako para protektahan siya, ano man ang mangyari.
Pagkapasok ng bahay nila ay nanduon na ang parents ko at ang parents niya, katulad ng pinlano ko kanina habang nasa arcade palang kami. Ito ang rason kaya ako nagtetext kanina na hindi ko namalayang pinagselosan pala niya. Marahil ay hindi selos 'yun. Siguro ayaw niya lang talaga ng may kahati sa atensyon kaya naging ganuon ang reaksyon niya. Bakit ba naman siya magseselos kung sakali mang mayroon akong ibang babae? Alam ko namang si Christian ang talagang mahal niya.
"Oh, andito na pala ang newest couples ng G family." bati nila tita sa aming dalawa.
Agad ko namang tinanggal ang kamay ko sa pagkakaakbay sa kanya at nagmano na kami sa mga parents namin.
BINABASA MO ANG
The Ugly Duckling
JugendliteraturChristian Troy Guevara, one of the most popular guy is school. He has a childhood best friend and her name is Candice Tracy Guillermo. She's gorgeous, the most gorgeous girl in school. He saw her last when they were still on second year high scho...