Bullied. (OneShot)

4.2K 132 38
                                    

"Uy, uy, si Mayne." Bulung-bulungan ng mga lalaki pagkapasok na pagkapasok ko palang sa classroom. Napalunok ako. Eto nanaman. Wala bang araw na hindi ako maaasar, mababato at masasaktan?


Hindi ko na sila pinansin para hindi lumala. Dahil kapag lumaban ako at lumala, mas matindi ang mangyayari sa akin, alam ko 'yon dahil naranasan ko na.


Naranasan ko nang muntik na magka-amnesia. Dahil nahulog ako sa hagdan, nilagyan kasi nila ng oil yung stairs nang bumababa ako. Buti nalang at pilay at sugat lang ang natamo ko.


Muntik nang maging si Darna. Muntik na akong matulak sa terrace ng 6th floor ng school, dahil hindi ko kinaya ang mga ginagawa nila sa akin duon ako nag-drama at sumigaw, nag-eexpect na mababawasan ang bigat ng nararaamdaman ko, kaso hindi. Itinulak nila ako, buti nalang at nahigpitan ko ang hawak at may tumulong sa akin.


Muntik na 'kong maging Dyesebel na di marunong lumangoy, dahil di ako marunong lumangoy, Nakaupo ako sa side ng pool noong fieldtrip sa AMANA, At tanging paa lang yung naka lubog sa pool, nang may tumulak sa 'king hindi ko kilala. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit si Ryder pa  ang nagligtas sa akin nung araw na nalunod ako, nagising nalang ako ng nakahiga sa gilid ng pool, umuubo at siya ang kaharap ko. 


Bakit ang isang Ryder Navarro ang magliligtas sa akin e sakanya nagsimula ang paghihirap ko sa school na 'to? Pero unlike sa iba, siya yung bully na verbal lang hindi yung nanunulak at nananakit. Nang-uutos lang siya na para bang hari. Eh wala akong maagawa, sikat siya dito sa eskwelahang ito e, lahat pa nga ata ng babae dito may gusto sa kanya, ang mga lalaki naman ay iniidolo siya kaya mahirap kung siya ang papatulan ko. Mabait naman siya e, sa pangit man o sa hindi, kaso kapag sa akin talaga, never siya naging mabait. He's so bossy, and famous, and hot, and... I don't know but when he's ignoring me, I'm attracted to him. But when he's not, then I'm not attracted. Eto ba 'yong tinatawag na CRUSH? 


Pero hindi ba? Nagpapasalamat nalang ako sa Diyos dahil buhay ako.


Hindi ko alam kung bakit ako nabubully. Sabi naman ng kaibigan kong si Cess, maganda naman ako, mabait, matalino, talented, almost perfect na nga kung tatawagin, at wala namang dahilan para ma-bully ako. Hindi naman pwedeng, insecure lang sila, ano  'yon, pati lalaki maiinsecure? I sighed, sana matapos na ito at mag-mature na sila. Ang tatanda na ng mga 'to para maging kasiyahan pa nila ang pananakit ng iba.


Nag-lakad ako papasok ng maingay kong classroom, makikita mo ang kumpulan ng mga kaklase ko sa kani-kanilang grupo, may grupo ng mga nerds na nagrereview sa tabi, may mga malalanding babae na naghahagikgikan at kinikilig, may mga lalaking pa-cool at papogi kung san andu'n si Ryder, at iba pa.


Umupo ako sa upuan ko, malayo ito sa kung saan naroroon si Ryder, hindi ko alam kung napansin niya ako na pumasok o hindi o wala siyang paki kahit nagbubulungan 'tong iba na nandito na ako na laruan nila. 


Lumingon ako kung nasaan siya, kaso pagkalingon ko nakangisi siyang nakatingin sa akin. Nagmadali akong umiwas ng tingin. Ramdam ko ang bilis ng pagpintig ng puso ko. Hindi ko alam kung sa kaba ba ito o dahil sa kanyang ngiti at tingin kanina.


Shit, what's wrong with you, Mayne! Mamamatay ka na nga, kinikilig ka pa.


Bullied (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon