Chapter 4 - Lusot Gusot

2K 96 60
                                    

Chapter 4 – Lusot Gusot

Julia’s POV

Hindi ko alam kung saan ako pupunta at ano ang mangyayari sa akin. Magulong magulo ang isip ko at sa sobrang dami ng mga tanong at paglilinawan na gusto kong malaman, hindi ko na makuhang magsalita pa. Nakikinig na lang ako sa kung anong sasabihin  sa amin ng mga taong nagsasabing tutulungan daw kami.

Hindi ko din alam kung bakit nasangkot ako sa gulong ito. Basta ang alam ko, gagawin ko ito para sa Germany… para sa parents ko… para ikabubuti ng mga taong napamahal sakin. Nararamdaman ko na parehas kami ng sitwasyon ni DJ ngayon. Tahimik lang din siya at nasisiguro kong marami din siyang gusto pang itanong pero di na lang kumikibo. Kahit na siya ang nakikipag-usap sa mga taong tumutulong samin, kitang kita pa din sa kanya ang pagkalito. Seryosong seryoso siya parang magsasalubong ang kilay.

“Bakit kasi kailangan nating umalis dito? Bakit hindi si Prince Dan ang itakas nila?” Di ko na matiis na itanong pagdating namin sa baggage check-in counter ng Airport.

Simpleng t-shirt at jeans lang ang damit namin at kailangan naming sumakay sa isang public airtransport sa halip na private jet para daw hindi mahalata na VIP kami. Binigay samin lahat ng kakailanganin daw naming documents at hawak ito ni DJ.

“Itatakas din nila yung prinsipe. Lahat ng mga malalapit sa royal family aalis ng Germany para safe. Isa pa, sumunod ka na lang Julia.. Para din ‘to sa ikakabuti mo. Pag nalaman nila na buhay ka, at anak ka ng dalawa sa pinakamatalik na kaibigan ng reyna at hari, siguradong hahanapin ka din nila. Kung nasa Pilipinas ka di ka nila basta-basta mahahabol dahil iba ang batas don.” Paliwanag ni DJ habang inilalagay ang bag namin sa counter.

“Wag kang mag-alala okay? Kaya nga kasama mo ko, sagot kita. Akong bahala sayo.” Dagdag ni DJ nang hindi ako kumibo. Ewan ko ba pero parang hindi naman siya makatingin ng diretso sakin habang sinasabi nyun.

Natapos kami sa baggage check-in at ngayon naman ay nasa passport control na kami. Halatang kinakabahan si DJ. Siguro first time nya din lalabas ng bansa kaya ganito.

Pagkaabot ng passports naming dalawa, ngumiti lang ang attendant at pinatuloy na kami sa gate kung saan ang eroplanong sasakyan namin. Parehas kaming walang kibo habang naghihintay na makasakay sa eroplano. Nag-usap na lang kmi ulit nang makaupo na kami.

“Kundi dahil sa prinsipe, hindi naman tayo masasangkot dito. Hindi natin kailangan umalis ng Germany…hindi sana namatay ang mga magulang ko sa pagliligtas sa kanila…” Hindi ko din inaasahan na masasabi ko yun. Bigla ko nalang kasi naramdaman ang magkakahalong emosyon habang papalipad na ang eroplano.

Nakatingin ako sa bintana habang papaliit ng papaliit ang lupain ng Germany. Di ko mapigilang umiyak dahil dito ako lumaki at di ko inaasahang sapilitan pala ang pagpunta ko sa Pilipinas. Be careful what you wish for talaga…

“Bakit mo naman isisisi sa prinsipe yung nangayari?” Tanong ni DJ na sinisilip din ang bintana.

“Ewan ko… kundi dahil sa promise ng parents ko sa royal family, edi sana di tayo nadamay dito…kahit ikaw, edi sana di kailangang iwan pamilya mo dito.” Sagot ko sa kanya. Nag-alis naman ng tingin sakin si DJ.

“Okay lang naman sa parents ko, nakahanda sila dito…diba nga kaibigan ko ang prinsipe. Importante na makaligtas siya dahil di makatarungan yung nangyari ngayon at balang araw, siya lang din makakapagbigay ng justice sa Germany ngayon. Di ka ba naaawa sa kanya? Namatay din parents niya… at ngayon nanganganib din buhay niya. Ang laking responsibility yung nakapasan sa kanya at ang bata pa niya…di man lang nya maeenjoy buhay nya.”  Pagtatanggol pa ni DJ. Sabagay kaibigan naman talaga nya…at may point naman siya pero naiinis ako sa nangyari…parang hindi ko pa nga maabsorb na ulila na ko!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pasaway Pa Rin - Royal Trouble (Pasaway Ka! Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon