Kislap

3 0 0
                                    

September 2014 nang ika'y masilayan
Ipinakilala ka ng aking kaibigan
Nararamdama'y parang isang bulalakaw
Sa isang iglap puso ko'y iyong ninakaw

Hindi nagtagal tayo'y nagkakilala
Nararamdama'y sobrang lumala
Naghahangad na sana'y iyong pansinin
Ang nararamdaman kong pagtingin

February 2015 nang ika'y mahawakan
Parang isang panaginip na ika'y makamtan
Tayo'y nag usap na parang nasa ulap
Nagkaisa na parang alapaap

Akala ko nararamdaman mo'y tunay
Ginamit mo lang pala na parang isang bagay
Tanga ba ako kung turingin?
Nagmahal lang naman ako ng isang bituin

Bituin na tila'y kumikislap sa akin
Bituin na tila'y hindi magiging akin
Siya'y nasa taas habang ako'y nasa lupa
Bakit siya pa?

Hindi ko kailanman pinagsisihan
Ang pagmamahal kong naturingan
Ika'y isang panaginip
Na hindi mawawala sa isang idlip

Hindi ko kalilimutan
Ang masasayang araw nung ika'y makamtan
Sa tula kong ito, ako'y magpapaalam
Paalam na, aking mahal.

AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon