"Brion, ipinapatawag ka ni Sir sa opisina niya." Butch
Ibinaba ko ang magazine na aking binabasa at tumingin sa nagsalita. Si Butch pala.
"Sige, salamat!" Turan ko sabay kindat.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumungo sa opisina ng aming director. Panibagong assignment siguro, pero sana naman ay hindi. Kailangan ko ng bakasyon.
Kumatok muna ako ng tatlong beses at narinig ko ang pagsabi ni Sir na pumasok na raw ako. At ganoon nga ang aking ginawa.
"Good morning Sir. Ano pong atin?" Bati ko sa kanya sabay tanong na rin.
"Good morning din Nads. Maupo ka muna."-Sir
At sumunod naman ako.
"Mayroon kang banda diba? Ipagpaumanhin mo kung hindi ko muna maiaaprubahan ang iyong hiking na bakasyon, ngunit wala naman nang higit na maganda at magaling tayong agent kesa sayo."-Sir
" Nasan ang ring sir? I shoot nyo na po ang bola. Bola pa eh. Haha! Pero opo sir, may banda po ako. Anong kinalaman noon sa usapan natin?" Tanong ko sa kanya.
"May isang talent agency na kumukuha ng mga banda na may babaeng vocalista at ipinapadala ito sa Japan. Ayon sa mga impormasyong nakalap nina Butch, nakakauwi naman ng bansa ang mga myembro ng mga nakukuha nilang banda."-Sir
"oh, nakakauwi naman po pala eh. Anong kinalaman ko dun."
"Yung mga babaeng vocalista, ay hindi na."
BINABASA MO ANG
Strings & Bullets
AdventureLife is too short to be wasted in sulking. That's what Nadine believed as she enjoys herself in the rhythm of her music. A highly respected NBI agent by day, and a badass musician by night. Nadine Brion finds no conflict between these two love of he...