What Heaven Is (one shot)

16 3 1
                                    

"Baby, alam mo kung ano ang heaven?" He whispered in my ear habang nakatakip ang kanyang dalawang kamay sa aking dalawang mata. Nandito kami ngayon sa isang restaurant para icelebrate ang 4th year anniversary ng kasal namin. I smiled kasi hindi ko akalaing tatagal kami ng ganito.


I chuckled, turned to him, and said, "Ano nanamang trip mo at hume-heaven ka jan? Happy 4th anniversary baby!"

"Wala lang, iniimagine ko lang kung ano ang itsura ng langit haha, pero bakit ko pa iisipin ang itsura ng langit kung meron na akong kaharap na anghel? Happy 4th year anniversary! I love you baby." he said and then kissed me on the cheek. I still feel this weird butterflies in my stomach sa tuwing kinikiss, hinahug, or binabanatan nya ako ng pick up lines. And that's because i love him.

"Sira ka talaga! Ang dami mong alam." "..i love you too."

--

"Pssst psssssst!!! Huuuy! Gising! Antukin ka talagaaaa! Tapusin mo na yung painting dali dali!" Nagising ako sa pagyugyog saakin ng lalakeng pinakamamahal ko, ngayon. Hayy, napaniginipan ko nanaman.

Bumangon ako, inayos ang aking mga kakailanganing gamit para sa pagpipinta, at tinitigan sya. Magkamukhang magkamukha talaga sila. Unti unti nanamang bumabalik sa ala ala ko ang mga pangyayari bago mawala ang lalakeng mahal ko noon. Apat na taon na kami noon, at di ko akalaing mawawala sya mismo nung araw ng anniversary namin. Isa akong photographer at hilig ko talagang kuhaan sya ng mga stolen pictures. Gustong gusto ko talaga ang mukha nya. Natutuwa ako sa twing sumasakto ang mga kuha ko sakanya. Kaya hanggang ngayon, memorisado ko pa din ang bawat parte ng kanyang mukha.

Agad kong pinunasan ang luhang pumatak galing sa aking kaliwang mata atsaka umiling. Hindi, hindi ko na dapat pa binabalikan yung mga ala alang yon, dapat na akong magfocus sa kung sino ang mahal ko ngayon.

"Naalala mo nanaman sya no? Mas love mo pa din sya kaysa sakin?" Sumimangot ang kaharap ko ngayon pagkatapos nya sabihin iyon.

Lumapit ako sakanya at sainabing, "Hindi baby, ikaw lang ang love ko. Sige na ngumiti ka na jan at baka di ko maipinta ng maayos yang labi mo." Hinalikan ko sya sa pisngi atsaka bumalik sa pwesto ko. Sinimulan ko na ulit syang ipinta. Mula sa kanyang itim na itim na buhok, mapupungay na mga mata, matangos na ilong, at bibig na walang kasing pula, kamukhang kamukha talaga nya sya.

Tinapos ko na ang aking ipinipinta at ipinakita sakanya. Ang kanyang ngiti, ay napalitan ng nakasimangot na labi.

"Hindi naman ako yan eh. Kamukha ko, pero hindi ako. Sya ba yung palagi mong kinukwento sakin? Sya ba yung sinasabi mong sobrang kamukha ko? Sya ba yung nauna mong minahal, bago ako? Sya yun diba, mommy? Mommy, kamukha ko ba talaga si daddy?"

**flashback 6 years ago**

"Baby, alam mo kung ano ang heaven?" He whispered in my ear habang nakatakip ang kanyang dalawang kamay sa aking dalawang mata. Nandito kami ngayon sa isang restaurant para icelebrate ang 4th year anniversary namin. I smiled kasi hindi ko akalaing tatagal kami ng ganito.

I chuckled, turned to him, and said, "Ano nanamang trip mo at hume-heaven ka jan? Happy 4th anniversary baby!"

"Wala lang, iniimagine ko lang kung ano ang itsura ng langit haha, pero bakit ko pa iisipin ang itsura ng langit kung meron na akong kaharap na anghel? Happy 4th year anniversary! I love you baby." he said and then kissed me on the cheek. I still feel this weird butterflies in my stomach sa tuwing kinikiss, hinahug, or binabanatan nya ako ng pick up lines. And that's because i love him.

"Sira ka talaga! Ang dami mong alam." "..i love you too." sabi ko.

"Ganun talaga! Pogi eh." sabi nya sakin atsaka kumindat.

I laughed and said, "Wow! Taas ng self confidence ah? San mo hinuhugot yan? Hahaha."

"Dit--" Naputol yung sinasabi nya dahil sa tunog ng kanyang phone dahil sa tawag.

"Wait lang baby ha?" he said, and i nodded, and then he went outside this restaurant para mas malakas ang masagap nyang signal.

Im so excited for him to come back here to say the good news. I am 2 weeks pregnant. I consulted the doctor yesterday dahil sa 2 weeks nakong di dinadalawan ng menstruation. And then the doctor said that i am pregnant. I was so happy. And excited. Sa 4 years naming pagsasama, ngayon pa lang kami nakabuo. Hindi kasi kami nagmamadali kasi gusto namin paghandaan ng sobra ang future ng magiging anak namin.

Bumalik sya sa table namin ng nakasimangot, "Hey what's wrong?" I asked.

"Pinapapunta ako sa office, nagkaproblema daw eh. Sorry baby. I'll try my best to come home early today." He said while pouting. He's so cute.

"Its okay po. Its for our future naman. Sige na ako nang bahala dito baby." I stood up and kissed him sa lips atsaka ko sya hinug ng mahigpit. Lagi ko syang niyayakap, pero ngayon, tinagalan ko. Wala lang, di ko din alam.

He left after he bid goodbye.

**end of flashback**

--

I did not thought that it will be our last date, last kiss, last hug, last conversation. After he left sa resto, i waited for him sa bahay namin. Inabot na ng gabi na wala pa sya. Ang plano ko sana eh sabihin sakanya ang good news paguwi nya. Pero huli na pala. Nainip ako nung gabing yon, magaalas onse na kasi. Bukod din sa antagal nyang dumating, hindi pa sya nagrereply. Tinadtad ko sya ng calls, tsaka texts, pero wala pa rin. Hanggang sa sobrang inis ko, pinatay ko na ang cellphone ko. Ang tanga tanga ko. Sana pala hindi ko pinairal ang inis ko. Sana naghintay na lang ako. Natulog ako at nagising ako ng alas tres ng madaling araw. Hindi ko alam kung bakit. Pero may tumutulak saaking tignan ang pictures naming dalawa. Napangiti ako nung nareceive ko ang mga texts nya.

"Papunta nako baby. May sorpresa ako sayo :*"

"Baby sorry ngayon lang ako nakareply, may mga inayos pa kasi ako. Pauwi nako hintayin mo ako ha? Wag kang aalis ng bahay."

"Tulog ka na ba? Bakit tinatawagan kita pero di kita macontact? Lowbatt lang siguro? Sorry po talaga kasi ngayon lang ako naka reply. Nagkaproblema lang. Excited nakong makita ka iloveyou."

"Baby wait lang ah? Nawawala na kasi ang signal dito sa lugar na to. Iloveyou baby!"

Ngunit napalitan ito ng iyak nung may tumawag gamit ang cellphone number nya.

"Maam? Ikaw po ang nakalagay na asawa nya dito sa contacts nya, nasa hospital ho ang mister nyo. Kritikal."

Napatakip na lang ako ng bibig at nanginig. Hindi nako nagayos, dumiretso nako sa hospital gamit ang kotseng hindi ginamit ng asawa ko. Motor ang ginamit nya dahil mas nabibilisan sya dito.

Pero huli na, huli na nung pagpunta ko sa hospital. Wala na sya. Wala na ang asawa ko. Wala na ang magiging ama sana ng anako ko. Wala na ang kaisa isang lalaking minahal ko higit pa sa sarili ko.

Nagsisi ako nung gabing iyon. Hindi ko akalain na sa mismong araw pa ng anniversary namin sya kukunin sa akin.

Sana pala, sinabi ko na sakanya. Sana hindi ko na pinatagal pa. Dahil kung nalaman nyang magiging tatay na sya, siguradong matutuwa yun. Siguradong sigurado ako. Kaso wala eh. Hindi ko sinabi, at hindi ko na masasabi pa. Nung gabing yon, isa lang ang tanong na nasa isip ko..

GAANO BA KATANGKAD ANG PAGSISISI AT LAGI NA LANG ITONG NASA HULI?

--

Hinalikan ko ang noo ng anak ko at sinabing, "Oo baby, kamukhang kamukha mo ang daddy mo."

Tinanong nya noon kung ano ang langit, ngayon siguro, nasagot na yung tanong nya na yun. Pero para sakin, ang langit ay isang lugar na punong puno ng kasiyahan. Kung san ka masaya, ay maitatawag mo na langit. Ang langit ko ngayon ay sa piling ng anak ko, pero mas sasaya sana ako kung kasama namin ang asawa ko. Ngunit kuntento nako sa kung ano ang mayroon ako ngayon, dahil naniniwala akong, may tamang panahon para sa tamang bagay.

END

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What Heaven Is (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon