Chapter J

18.3K 512 137
                                    

Chapter J

"A-ano Lee si Cara 'to" I tried to keep my voice firm. Naisipan kong tawagan nalang si Lee kaysa gising si Vini.

Nagpakilala na ako agad bago pa niya ako bulyawan sa pag aakalang ako ang kapatid niya.

"Cara? You're with him, of course. Bakit nga ba hindi ko iyon naisip" He sounded frustrated. I really felt sorry for him. Nabanggit niyang nagalit si Tito and that's not good. Vini may have dodged his Father's punishments over the years pero hindi ibig sabihin non ay hindi na siya takot dito. He learned not to care noon. Ngayon, hindi ko na alam. Mas nagiging obidient son naman siya, ako na rin naman mismo ang nakakita noon and it made Tita Liana happy. Sabi niya sa'kin he's doing it for Tita dahil noon puro sakit ng ulo nalang talaga ang binigay niya sa magulang niya.

"Nasa Tagaytay kami ngayon, hindi ba niya nasabi sa'yo?"

"Wala. Wala siyang binaggit. Ang sinabi niya lang doon siya sa HQ niyo buong araw. Nang pumunta ako doon wala namang tao. The fucker tricked me"

Medyo nagulantang pa ako sa paggamit niya ng bad word.

"Dad wants him home as soon as possible, Cara."

"Malakas ang ulan, hindi kami pwedeng bumyahe ngayon. Hindi ko rin alam kung titigil na ba 'to bukas"

It feels like I'm a lovestruck teenager again. I loved Lee because he was so mature and now I realized that Vini is turning more like him habang lumilipas ang panahon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako doon o hindi.

"Teka nga, asan ba siya?"

"He's asleep," nilingon ko si Vini na tulog parin kahit na salita na ako nang salita sa tabi niya.

"Tell him to call me when he wakes up," Lee said. "Dad won't let this slide, masyadong importante ang meeting na iyon at siya ang inaasahan doon ni Dad, back up lang dapat ako"

"How bad is it?"

Vini naman kasi. Bakit hindi mo sinabing may meeting pala kayo? Hindi naman ako haharang pa sa work related escapades mo dito sa Pinas.

Mixed emotions talaga ang nararamdaman ko ngayon. I don't know how and what I should feel na mas pinili niya ako, kami, kaysa sa meeting na iyon. Worried rin naman ako kasi he's going to face the wrath of his Dad when he gets home.

"To tell you the truth, Dad might send him straight to Paris when you guys get back here"

Napasapo ako sa noo. Talk about 360° change. Isang linggo pa dapat siya dito! Hindi pa siya pwedeng bumalik ng Paris!

"I'll tell him to call you, Lee. Sige na, bye" Hindi ko na hinintay ang pag sagot niya at pinatay na ang tawag.

I stared at Vini and dropped his phone on my lap. Napailing nalang ako at bumuntong hininga.

Minamasahe ko ang sentido ko habang pababa ng hagdan. Nagising ako sa kwartong tinulugan ko rin kagabi. Nilipat nalang siguro nila ako doon dahil nag dire-diretso na ang tulog ko kagabi after Lee's call. God, naalala ko na naman iyon! Hindi ko parin nakakausap si Vini about d'on. And by the looks of it, ma-ayos ayos na rin ang panahon. Kahit na medyo makulimlim pa pwede na kaming umuwi at uuwi kami ngayon. Di hamak naman na mas importanteng matter ang business meetings ng mga Delevinges kaysa sa getaway naming ito.

May ibang members na naka hilata parin sa sofa habang ang iba naman ay nasa kitchen na at nag be-breakfast. They were talking about some drag race na sasalihan nila later nang pumasok ako.

"Uuwi na tayo after lunch"

Lahat sila ay napatingin sa'kin. Walang umangal ni isa sa kanila.

"The others can stay," tinuro ko naman ang lima. "I only need the five of you"

The Gang's Prized PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon