Nandito ako ngayon sa starbucks malapit lang sa subdivision ni kuya. Di ko pa naman kasi kabisado ang Manila kaya nang tumawag si Jessy kanina at tinanong kung saan kami magkikita, sinabi ko agad yung address ng subdivision at sinabing di ko kabisado ang lugar kaya mahihirapan akong puntahan siya. Buti nalang alam niya ang lugar na 'to kaya sabi niya sa pinakamalapit na starbucks ng subdivision nalang daw kami magkikita. Iinumin ko na sana ang hot choco na in-order ko kanina nang biglang nag-ring ang phone ko. Wala naman akong choice kaya sinagot ko na kahit natatakam na ako sa hot choco ko.
"Yeah?" Medyo bored kong tanong tapos tinuloy ko nang inumin ang hot choco. Akala mo mapipigilan mo ako dahil sa pagtawag mo ah. HAHAHA. Di joke lang. So ayun nga, umiinom ako habang nagsasalita si Jessy.
"Hindi ba pwedeng 'hello' ang isagot?" Medyo natatawa pa siya. Nga pala, si Jessy ang kaisa-isa kong best friend. Mula pa nung elementary kami ay magkaibigan na kami. Magkapit-bahay lang kasi kami sa Laguna tapos parehas pa kami ng school na pinasukan mula elementary hanggang college pero magkaiba kami ng course dahil fashion designer siya samantalang architect naman ako. Mayaman ang pamilya nina Jessy at dalawa lang din silang anak ng kuya niya. Oh diba? Pati family tree magkapareha kami kaya naman magkasundong-magkasundo kami ni bespren.
"Sorry naman. Saan ka na ba, Jess?" Sabi ko tapos lumagok ulit ng hot choco. Hindi naman na mainit kaya hindi na ako nahihrapang uminom.
"Kaya nga ako tumawag to inform you na ma--", di ko na pinatapos magsalita si Jessy dahil bigla ko siyang pinutol.
"WHAT?! Don't tell me, di ka dadating dahil may pupuntahan kang mas importante? Hoy Jessica Hernandez kanina pa ako naghihintay dito kaya huwag mo akong gagag--", bigla akong napatigil magsalita nang mapagtanto kong madaming mata ang nakatingin sa'kin. Shemayyy! Did I just embarrassed myself? Sumisigaw na pala ako tapos nakatayo pa. Oh please barilin nyo na ako. Nakakahiya! Ramdam kong nag-init na ang mukha ko dahil sa kahihiyan pero di ako nagpahalata. Umayos ako ng tayo while my phone is still in my right ear held by my right hand. Yung left hand ko naman pinampagpag ko kunyari sa suot kong coat.
'Sige lang Cassandra. Huwag mong ipakita na napahiya ka.' Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Inayos ko muna kunyari ang coat ko tapos nginitian ang mga chismosa at chismosong nakatingin sa'kin.
"Hey! Easy! Are you okay?" Narinig kong nagsasalita si Jessy sa kabilang linya. Umirap lang ako as if nakikita niya ako.
"Absolutely not! Hurry if you still want to see me alive", sabi ko sa mahinang boses tapos pinatay ko na ang phone ko. Ngumiti ako ulit dun sa mga chismosa't chismoso pero kahit hindi ko nakikita ang sarili ko ay alam kong halatang-halata na pilit lang ang ngiting yun. Uupo na sana ako nang biglang may bumulong sa likod ko.
"Making a scene huh!" Boses palang kilala ko na kung sino.Hindi ko siya nakikita kasi nga nasa likod ko siya pero alam kong naka-smirk ang antipatikong ito. Kung kanina gusto kong mamatay, ngayon naman gusto kong pumatay. Lumingon ako sakanya at tiningnan siya na matalim.
"Death glare? Ooppss! I don't wanna die yet. Hahaha", mahina ang pang-aasar niyang yan pero alam kong may mga nakatingin pa rin saamin kaya pilit akong ngumiti kahit malapit nang mapunit ang bunganga ko because of the forced smile.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Eternity [COMPLETED]
RomanceThe most precious thing a person could offer to someone is love. No amount of money can afford someone's heart. But how do we know when love is real? I guess, it is true love when you let yourself ache and break for a person yet you still choose to...