Heto na naman ako
Iniisip kung paano ko
Ipagtatapat sayo
Itong damdamin ko.Nagdadalawang isip kung akin bang sasabihin
Ang aking tunay na damdamin
Gayong alam ko naman
Na kaibigan lang turing mo sa akinNatatakot ako na baka hindi mo maintindihan.
Baka hindi mo tanggapin at ako'y iyong layuan.
Kaya aking pinag iisipan
Kung sasabihin ko ba ang aking nararamdaman.Siguro'y mas nakakabuti nga kung itatago na lamang 'to.
Ngunit kahit anong pilit,Binubuko ako ng mga kilos ko.
Lalo na tuwing nagku kwento ka sakin tungkol sa mahal mo.
Sobrang sakit, di ko na kaya ito.Sana nga'y maipahayag ko ang aking damdamin.
Hindi ko hinahangad na humigit pa sa pagkakaibigan ang ang turingan natin.
Dahil ang tunay na hangarin ko
Ay ang malaman mong di ka nag iisa, may nagmamahal sayo.Alam 'kong maguguluhan ka pag nalaman mo 'to.
Kasi lagi kitang inaaway, ikaw ang buntungan ng galit ko.Masisisi mo ba ko? Eh maski ako
Hindi makapaniwala na ikaw ang pinili ng puso ko.Hindi ko matanggap kung bakit ikaw pa.
Andyan naman si Warren, si Kenji, si Bea.
Mahuhulog na lang din ako't magpapakatanga
Bakit sayo pa? Nakapagtataka di ba?Alam 'kong magugulat ang lahat kapag inamin ko
Ang damdaming tinago ko ng sobrang tagal dito sa puso ko.
Damdaming kahit gaano na katagal ay hindi pa rin nagbabago.
Damdaming iaalay ko lamang sayo.Masyado na 'kong nagiging corny at dahil to sayo.
Hindi ko alam kung kapag nalaman mo to
Baka layuan mo ko
O kaya nama'y asarin mo pa ko.Di ko naman hinihiling na saluhin mo ko
Pano mo ko masasalo?
Eh nahulog ka na sa babaeng hindi ka naman gusto.Sabi mo nga lahat ng minamahal mo ayaw sayo.
Bakit di mo ko mahalin?
Mamahalin kita higit pa sa pagmamahal mo.Lagi ka na lang nagda drama,
lagi ka na lang nasasaktan.
Bakit kasi hindi ako na lang?
Edi sana hindi ka na luhaan.Hindi ko alam kung iyo bang napapansin,
Na kapag magkakatinginan tayo ay iiwas ako ng tingin.
Kinikilig kasi ako, corny mang pakinggan.
Nakakainis ka kasi eh bakit ka ba ganyan?Tuwing sinasabi mong pupunta ka dito sa bahay.
Bigla akong mag aayos kahit hindi naman ako nagsusuklay.
Matataranta kung ano bang magandang ayos ng buhok ko.
Gusto ko kasi magmukhang maganda sa paningin mo.Alam mo ba mahal na mahal kita peks man
Mag away man si Superman at Carrotman.
Naalala mo ba nung sinabi kong ikaw ang Joker ng boolayf ko?
Totoo yon kasi ikaw lang ang nagpapasaya sa buhay ko.Binibigyan mo ko ng pag asang mabuhay kahit sa totoo lang ay ayoko na
Nabubuhay ako para sayo, gusto pa kitang makita.
Sa bawat gagawin ko ikaw ang iniisip ko.
Hindi ko kasi alam yung salitang "pagod" kapag naiisip ko na para sayo to.Ikaw din ang inspirasyon ko sa pag aaral ko.
Naalala mo yung pangako natin na babawi tayo?
Yun ang naging dahilan para magsipag ako.
Kahit hindi umabot ay okay lang Parehas naman tayong hindi nakatupad (hahahaha)Gusto kong magpasalamat sayo.
Ilang beses mo na kong pinatawad kahit ang laki ng kasalanan ko.
Pasensya ka na kung bigla kong ginawa yon.Naisip ko kasi na mas mabuti pang lumayo na lang ako sayo.
Pero hindi ko pala kaya.
Hindi ko kaya na kahit isang araw lang ay hindi makausap ka.
Kahit anong gawin kong higa at gulong sa kama.
Ganon pa rin, namimiss pa rin kita.Alam mo ba ang swerte ko sayo.
Ang bait bait mo sakin kahit ang sama ko sayo.
Pero alam mo bang mas masama ka sa ating dalawa?
Kasi pinapahalata ko na sayo na mahal kita pero lagi mo lang dinededma.Ako na lang kasi mahalin mo.
Sakin mo na lang ialay yang pagmamahal mo.
Pinapangako ko sayo.
Susuklian kita ng higit pa sa binayad mo.