Pagpasensyahan niyo na ako sa mabagal na update, busy-busyhan kasi ako kaya ayun pero ang totoo e tinatamad lang akong magtype. But to all na nakakabasa ng kaewanan ko, at kung may nakakakilala man sa akin (malamang ay wala dahil talagang hindi ako naglalagay ng clue kung saan ako nag-aaral hahaha) MARAMING SALAMAT, kahit napadaan lang kayo o aksidenteng napindot niyo lang ay ayos na sa akin.
Basta thank you! Shemay! Naka-1.1 K na ako at eto lang ang pinakamarami kong reads hahaha simula ng sumali ako sa waatpad. Lalo na sa mga nagcocomment sa bawat chapters.. Mamaya, iisahin ko kayo pero maraming salamat sa inyo. Napapangiti kasi ako kahit problemado pa ako :)
*****
So here's the thing, marami rami din naman akong sinabi na materials sa last update ko diba? Pero may mga kulang pa. Alam ko meron pero nakakalimutan ko yung iba so, pagpasensyahan niyo na kung minsan may naaaktawan ako. Comment nalang kayo kung may mga bagay kayo na hindi maintindihan o may bagay kayong alam pero hindi ko nalagay, after all, ito'y ayon sa pananaw ko lang at hindi ako magagalit kung ikokorek niyo ako :)
*****
Materials:
Triangular Scale = ito ang handy-dandy TOBLERONE. Take note: Kung puyat ka na at hindi na makapagisip, please lang, ilayo mo sa'yo ang pambura at itong triangular scale na ito kasi baka pagkamalan mong tunay na toblerone. Baka sa sobrang puyat e magdilim na ang iyong paningin at itong mga gamit ang gawin mong midnight snacks. Promise guys, hindi ako nagbibiro, nangyare na sa akin iyan at natuto na ako. :D
PS: Kung magwawatercolor kayo, make sure malayo din ang basong tubig na pinagdadawdawan mo ng brush, baka kasi mapagkamalan mong kape sa kalituhan.
PSS: Basta mukha itong toblerone na kulay puti na ruler, kaya nga triangular scale. Bawat sides nito e may mga kaukulang scale, may 1:25, may 1:50 o may 1:75 at 1:100.. marami iyan at hindi ko alam kung ilan pa ang scale na meron kasi iyang mga scale ang karaniwan kong ginagamit o requirements ng mga prof ko paggagawa kami ng scaled working drawings.
Meter Scale = May nabibili sa bookstore dati na maliit na scale, hanggang 3 meters ata haba nung laman pero kailangan niyo iyon. Para sa akin lang naman, kasi nagsisimula ka pa lang, hindi ka agad magiging expert na sa unang tingin mo ay alam mo na ang isang metro, na kapag tinignan mo ang isang furniture ay alam mo na agad ang mga sukat na iyon. Ako natuto ako magobserve, inobserbahan ko ang haba ng 1 in, ang centimetre at ang isang yarda at metro. Kasi minsan, sa sobrang kamamadali mo e naiwan mo pala ang lahat ng ruler mo sa bahay tapos may gagawin kayo sa school. Syempre pano kung wala kang mahiraman? Kailangan improvise, idaan sa charm para di mapuna ng prof na hindi kumpleto dala mo pero joke lang. Kailangan mo din maging madiskarte, at ang pagdadala ng Meter Scale ay makakatulong sa'yo. Isama mo na ang ordinaryong ruler, isa siyang life saver sa mga oras na mamalasin ka.
Kung nangyare nga ang mga sinabi ko sayo at wala ka talagang dalang t-square o triangle, dapat atleast may ordinary ruler ka o kung wala pa din punit ka isang papel at tiklopin mo hanggang maging ruler.
Isa ito sa mga ginawa ko noon kasi isa ako sa mga dakilang makakalimutin kaya talagang tinandaan ko kung gaano kahaba ang isang centimetre. Pati nga yung isang inches e, tapos approximately na kunwari e nakuha ko ang totoong sukat na iyon then tingin sa katabi kung kahit papano ay hindi nalalayo ang laki ng plano ko sa kaniya..
Sa Arki kasi kanya kanya, bahala ka sa buhay mong mamorblema kaya dapat alert ka sa lahat ng bagay. Be resourceful at TAKE NOTE: Wag maging makakalimutin para hindi ka mahirapan ng bongga!
Bukod sa triangular scale, may scale pa na katulad nito. Ganitong ganito pero imbis na mukhang toblerone ay para siyang ruler na pinagsama-sama. Itong mga scale kasi na ito ay may kaakibat na scale. May I:25, 1:50 hanggang 1:1000 ata.. Sila ang magsisilbing metro mo sa pagdedesign. Dahil hindi mo naman pwedeng ilagay sa papel ang tunay na sukat ng gagawin niyong plano sa isang 30x20 na tracing paper. Hindi kasya iyon, kaya sa kanila ka aasa ng scale. Let say 1:50 , dalawang 1 cm iyon sa ordinaryong ruler.
Liliit ang plano mo imbes na yung totoong sukat na ito. Pero depende din sa prof mo kung anong scale ang dapat gamitin.
Calculator = Alam ko sawang sawa na kayo sa math, pero sadly kailangan natin siyang suyuin para matutunan niya tayong mahalin! (Chos lang XD) Kailangan lagi kayong may ganito. Scientific man o ordinary basta calculator. Hindi lahat ng triangular scale ay nakalagay ang mga sukat na kailangan mo. Depende nalang kung bumili ka ng dalawang hindi magkaparehas edi solve problema mo o kaya yung flat scale na tinutukoy ko na nandun na lahat. Kung isa lang ang meron ka, simulan mo nang alamin kung paano magconvert ng scale. Tanong ka sa prof o kaya sa matatalino mong kaklase. Sabi ko nga diskarte, isa iyan sa dapat meron ka kung maga-Arki ka.
(Nakalimutan ko kasi kung paano pero kapag naalala ko ay ituturo ko sa inyo. Tagal ko na kasing hindi nagmamanual simula nang nauso sa sakin ang CADD)
Bond-Paper = Ihanda niyo na ang sangkatutak na papel, kung resourceful ka ay pwede na yung ginamit mo nung high school na wala namang sulat pa sa likod. Scratch lang ito, para hindi ka agad bira ng bira sa design mo. Oo nga at walang maling design sabi nila, lahat tayo ay may gustong ipakita sa bawat design natin pero take note doon sa sinabi ko. Hindi lahat nang design ay pwede iimplement depende nalang kung makapagimbento ka ng materials o building technologies na nararapat doon. Lahat kasi ng design mo dapat feasible, always remember that. pwede kang gumawa ng gintong palasyo pero isipin mo kung feasible ba iyon. Daan na iyon para maging ready ka din sa thesis mo.
(Dont worry first year, residential pa lang ang kayo...pero minsan nagpapagawa ang mga prof ng bongga sa inaasahan niyo kaya be ready na din)
Pero masaya din ang maglaro ng design, mas trip ko ang deconstructivism. Minsan lang ako magcontemporary o kaya minimalist.
Kaya hirap na hirap ako sa mga pinaggagawa ko, ayoko kasi ng simple, gusto ko abstract. (xD)
Mechanical Pencil = Kung tulad kitang tamad magtasa ng lapis araw araw at naiirita kapag hindi nanaman matulis ang point nito, bili ka na lang ng mech pen. Yung .05 o kaya .03 kung may mahagilap ka. Maganda din kasi yung manipis na sulat parang outline lang, madali pang burahin kasi manipis lang. Isa pa, hindi ka na magtatasa pa, palit nalang ng palit ng lead.
Drafting Table = asawa yan ni T-square. Hindi sila maghihiwalay kahit kailan. Dito ka magdadrawing, eto yung parang table na nakaslant. Kulay white yung akin na ganito tapos pinapataong ko lang sa dining table namin. May mga drafting table din naman sa school pero magandan iyong may sarili ka kasi mahirap magdrawing sa ordinaryong lamesa. Nakakakuba. So bili ka, eto na ang major investment mo.
Actually lahat ata ng gamit na kailangan mo ay major investment mo. Dahil wala kang magagawa kung wala sila, para silang oxygen na hindi ka mabubuhay kung kulang silang lahat. Oo, hindi ka mapera pero worth it naman silang bilhin lahat lalo na kung iingatan mo sila. Yung akin hanggang ngayon buo pa, kahit sa trabaho ko minsan nagagamit ko pa. (Hindi pa ako talaga tapos, di pa graduate pero saka ko na sasabihin kung bakit pwede ako magwork kahit di pa tapos)
Nasabi ko na ba si Scale at Canister? Hindi pa ata kaya sige sasabihin ko na.
Canister = Ito iyong kakambal ni T-square. Palagi rin silang magkasama. Hindi rin pwedeng maghiwalay. Ito yung tube na lalagyanan ng mga papel na ginagamit mo palagi. Tracing paper, watercolor paper, bond paper o cartolina. Pwede mo rin isulot ang triangular scale mo dito o ordinaryong ruler. Malaki pakinabang natin kay Canister, hindi lang siya pangArki, kahit saan pwede mo siya magamit.
May Staedler at Rotring, mamimili ka nalang ng kulay, may blue, red o black minsan nilalagyan pa namin ng disenyo o sticker para cool tignan.
Scale = furniture scale kung tawagin namin. Ito ang nagsisilbing guide mo para hindi ka na mahirapan sa kakadrawing ng mga upuan na maliit sa interior ng bahay na pinaplano mo. may iba't ibang scale ito, ito yung kulay orange at rectangular shape na ruler na kadalasan ay Rotring ang tatak.
May kulang pa ata ako ba't since nasa first year pa lang tayo.. eto yung mga bagay na magagamit niyo sa buong year niyo sa Architecture. Lahat iyan magagamit niyo. Kaya naghirap ang bulsa ko sa kakabili ng tracing paper, uni pin, art line. Pati mga triangle na lagi nalang nababali.
Pero sana makatulong sa inyo ang mga sinabi ko, lalo na sa mga freshmen this coming semester.
BINABASA MO ANG
ARKI-TORTURE
RandomSa buhay Arkitekto hindi basta marunong kang gumuhit, kailangan maganda ang kalusugan mo. Kailangan palagi kang may baong armas. Kailangan mabilis kang matuto. Kailangan hindi ka mareklamo sa puyatan. Kailangan hindi ka nawawalan ng diskarte sa baga...