PROLOGUE

27 7 0
                                    

Her P.O.V

Bata pa Lang ako ng iwan ako ng mga magulang ko sa isang bahay ampunan.
Lumaki ako kasama ng mga bata at madre na tinuring ko nang isang pamilya.
Kahit hindi ako nabigyan ng pagkakataong makilala at maramdaman ang pagmamahal ng aking mga magulang,
Masaya pa rin ako dahil pinapadama ito ng mga taong nakapalibot saakin,

Pero nagbago ang takbo ng buhay ko ng makilala ko siya,ang taong nagparamdam saakin ng tunay na pagmamahal na higit pa sa pagmamahal ng isang magulang.

Ang taong nagturo saakin kung pano magmahal

At ang taong handang isakripisyo ang sarili niyang buhay para taong kanyang minamahal..

His P.O.V

Lumaki akong sagana sa lahat ng bagay,nakukuha ko lahat ng gusto ko,pakiramdam ko ako na ang pinaka masayang tao sa mundo.

Pero gumuho lahat ng masasayang pangyayari sa buhay ko ng pinaghiwalay nila kami sa isa't isa..

Naiinis ako sa kanila,sa lahat ng tao sa mundo,
Nagrebelde ako sa mga panahong iyon, napabayaan ko na ang sarili ko,pinilit ko siyang kalimutan pero hindi ko kaya

Hanggang sa dumating siya sa buhay ko,ang babaeng nagsabi na lahat ng problema ay may katapat na solusyun,kailangan mo lang magpakatatag,all you need is to move forward and forget the past.

Dahil sa kanya nagawa kong magbago,natutunan kong magmahal muli,at natutunan kong mahalin lahat ng taong nakapalibot sa akin..
~~~~~~

VOTE

COMMENT

Park_Chantz_27

Must Meet The Orphanage Girl[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon