Operator's Own Story
Written By jheunexx
~x~
Angelo's POV
I'm currently chatting Angelo's fan girl.
Isa ako'ng operator ng isang sikat na character at kilalang istorya sa wattpad.
At ano naman ang wattpad? Ang wattpad ay isang sikat na website kung saan pwede kang magbasa ng iba't ibang libro ng libre lang. Pwede ka 'din mag vote at mag comment.
Isa ako'ng Operator ng isang sikat na wattpad character na nag-ngangalang Angelo. Sikat ang isang Angelo Mendez sa mundo ng wattpad. Madaming mga kababaihan ang mga nai-inlove at nahuhumaling sa kanya kahit isa lamang siyang hamak na character ng isang storya.
Pero 'yan ang akala ng iba. Si Angelo Mendez at ako ay iisa lang.
Ang istoryang pinanggalingan ni Angelo Mendez ay ang sarili kong istorya. Ginamit ko ang totoo'ng pangalan ko at sariling buhay ko sa sarili ko'ng storya. Hindi alam ng mga readers ko na ang sumulat,si Angelo Mendez,at ang Operator nito sa facebook ay iisa lang.
Pinindot ko ang publish para i-publish ang isang chapter ng istorya'ng ginagawa ko. Ang istorya ni Angelo Mendez -- ang istorya ko.
Nagpunta muna ako sa facebook account kung saan nakabukas ang facebook ni Angelo kung saan inaakala nila na isang fictional character lang 'yon. Hindi nila alam na Non-fiction 'yon dahil totoong tao si Angelo,at ako 'yon.
Naka-receive ako ng friend request mula sa isang reader kaya agad ko'ng in-accept. Hindi naman nagtagal at nag-chat siya sakin.
Angel Perez : Hi Angelo :D Thank you for accept.
Nag-type agad ako para ma-replyan siya.
Angelo Mendez : Hi
Bigla na lang ako'ng napangiti ng mabasa ko ang pangalan niya. Angel. Pareha kami ng pangalan. Ako si Angelo at siya si Angel.
Naalala ko tuloy yung pangalan ng babae'ng bida sa istorya ko. Si Angela. Siya yung ex girlfriend ko at siya yung nanakit sa puso ni Angelo. Sa puso ko.
Matagal na simula nung maghiwalay kami pero hindi pa rin ako maka-move on. Mahal na mahal ko kasi siya,hindi ko agad siya mabura sa isip ko.
Tinignan ko muna ang wattpad ko dahil tunog ng tunog ang notification.
Puro votes at comments.
Nakakainis ka Angela! Bakit mo sinasaktan si Angelo!
Angelo akin ka na lang T_T
Minahal ka na nga tapos niloko mo pa si Angelo!
Author bitin! UD na po please.
UD na po!
Minsan na lang magmahal naloko pa. I feel you Angelo <|3
Angelo makakahanap ka 'din ng para sayo. Yung hindi ka sasaktan.
Napangiti ako ng mabasa ko yung mga comments ng readers ko. Sana nga makahanap ako ng babae'ng magmamahal talaga sakin.
Napangiti ko ng mapait ng maalala ko nung niloko ako ni Angela. Niloko niya ako pero bakit hanggang ngayon mahal na mahal ko pa 'din siya?
I really love Angela. Sana may dumating sa buhay ko na makakapagturo sa puso ko kung pano makalimutan si Angela.
Tumungo ulit ako sa facebook at nabasa ko ang chat ni Angel. Madaling araw na kaya wala na masyadong readers ang nagcha-chat sakin.
BINABASA MO ANG
Operator's Own Story [One-Shot]
Novela JuvenilPaano kung ang isang istoryang hinahangaan mo ay base pala sa totoong buhay? At ang character nito ay siya mismong taong sumulat nito? Operator's Own Story [One-Shot] Written by itsmezeeelle