Dedicated to: RandomanticWriters
Agad akong bumangon sa aking kama at dali-daling pumasok sa C.R para maligo.
Ito kasi ang araw na pinakahihintay ko.
Hindi naman halatang excited ako noh? Psh. Pero yung totoo ay excited talaga ako dahil makikita ko ulit siya. Kahit parang kahapon lang ay nasa tabi niya ako.
Binilisan ko agad ang paliligo.
Sabon. Shampoo. Banlaw. Bihis.
Wala akong sinayang na oras kahit isang segundo. Kung may contest lang ng pabilisan eh parang ako na yung mananalo.
Tumingin muna ako sa salamin at tinitigan ko ang aking sarili.
Ang gwapo ko talaga.
Pagkatapos ay bumaba na agad ako sa kwarto ko at pumunta na sa garahe para kunin ang aking kotse. Ni hindi na nga ako nagpaalam sa Mama ko na aalis ako ng ganito kaaga.
5:37 a.m
Oras na tumambad sa akin pagbukas ko palang sa cellphone ko. May dalawampu't tatlong minuto pa ako para bumyahe papunta sa kanya.
Pinaandar ko kaagad ang sasakyan ko na para bang may humahabol sa akin na sampung kabayo.
Sobrang tulin.
Binuksan ko muna ang radyo ng aking sasakyan para hindi ako mainip sa pagmamaneho.
Pagbukas ko palang ng radyo ay saktong ang theme song namin ang pinapatugtog. Tadhana nga naman oh.
"I won't give up on us. Even if the skies get rough. I'm giving you all my love. I'm still looking up. Still Looking up.."
Sinabayan ko ang kanta ni Jason Mraz na "I won't give up." Nakakamiss ring kantahin ang kantang ito. Halos nga isang taon ko na rin kasing pinipigilan ang sarili kong huwag kantahin ito pero hindi ko na yata kayang mapigilan ngayon dahil miss na miss ko na rin ang tugtog na'to.
"I'm still looking up.. Still looking up."
Halos dalawampung minuto ang lumipas at nakarating na rin ako kung saan siya naroroon. Dali - dali akong pumasok at hinanap ko kaagad siya. Hindi rin naman nagtagal at nakita ko na ang kanyang kinaroroonan. Sa totoo lang ay halos ma-memorize ko na kung nasaan siya dahil sa araw-araw ba naman akong nandito.
"Kia." Sambit ko sa kanyang pangalan. Isang taon na ang lumipas pero hindi parin ako nagsasawang banggitin ang pangalan niya.
Kia Marie..
Isang napakagandang pangalan, hindi ba?
Umupo agad ako sa damuhan at inilabas ko ang isang special paper na maayos na nakatiklop sa bulsa ko. Kulay brown ito at may nakaguhit na rosas sa gilid. Hayy.. ang paborito niyang bulaklak..
Rosas.
Kinuha ko na rin ang pink na ballpen sa bulsa ng likurang parte ng aking pantalon. Halos isang taon ko na rin itong itinatago, alam niyo ba iyon? Nagtataka nga ako eh, hindi nawawalan ng tinta ang ballpen na ito.
Isa kasi yung ballpen na polkadots at may larawan ni Minnie Mouse sa tuktok nito.
Haay..Minnie Mouse.
Ang paborito niyang cartoon character.
Huminga muna ako ng sobrang lalim at nagsimula na akong magsulat..
BINABASA MO ANG
Goodbye Kia
Short StoryEverything has a BEGINNING.. And Everything has an END. Let's join Xander, a man who really loved Kia Bautista, from saying GOODBYE. Is he'll going to let go his heart from the pain or is he'll going to gave his heart to Kia, FOREVER? |THIS ENTRY WO...