TN 3 Him

20 1 0
                                    

Alliana's POV

"Ally! Sabay na tayo pag uwi." sigaw ng babae sa loob ng sasakyan sa harap ko.

Tama ang hula nyo. Si Sophie nga. Naging close na rin kami dahil sa loob ng unang dalawang linggo ng klase ay kami ang laging magkasama. Mabait naman sya.

"Uhm sige" sabi ko at pumasok na sa kotse. Hapon ngayon at inannounce ng teachers na walang pasok. Faculty meeting raw. Mabuti na rin yun para makapahinga kami.

"San ba ang bahay mo? Ngayon ko lang narealize na hindi ko pa pala alam" natatawang sabi ni Sophie.

"Dun lang sa kabilang barangay. Iliko mo dun sa pangalawang kaliwa tas ung maliit na blue apartment, un ang tinitirhan ko." Paliwanag ko sa kanya.

Sinunod naman nya ang sinabi ko at nakarating na kami sa bahay.

" Gandang hapon Ally ! Napaaga ata ang uwi mo ngayon." Masiglang bati sa akin ni Mang Lito.

Siya at ang asawa nyang si Aling Mina ang may ari ng karinderya sa tabi ng apartment ko. May dalawa silang anak si Bobby na 8 years old at si Mark na 10 years old.

"Wala na po kasing pasok ngayong hapon" nakangiting tugon ko at nagmano.

"Mabuti yan. Namamalengke ang Aling Mina mo. Magluluto raw sya ng lugaw para mamayang hapunan. Dito ka na kumain."-Mang Lito

"Sige po. Salamat ho." Tugon ko at naglakad na papunta kay Sophie.

Naging close ko na rin kasi ang mga kapit bahay ko.

"Naku. Ang bait mo talaga." Sabi ni Sophie.

"Sus. Binobola mo na naman ako." Natatawang sagot ko at binuksan na ang gate.

May maliit na garden sa loob ng gate bago makarating sa pinto ng mismong tinitirhan ko. Mahilig rin kasi akong magtanim ng makukulay na bulaklak eh.

Pumasok na kami sa bahay. Pinaupo ko si Sophie sa sofa. At home na at home ang feeling nya. Hahaha. Nanuod na rin siya ng TV.

"Magbibihis muna ako ha. Hintayin mo na akong bumaba" sabi ko sa kanya at umakyat na.

Maliit lang ang tinitirhan ko. May second floor sya. Puro blue dito sa bahay. Favorite color ko eh.

Bawat sulok ng bahay ay may book shelf. Sala, mga kwarto, kusina, etc.
Mahilig kasi akong magbasa at mangolekta ng libro. Kaya ganyan.

Simple lang dito sa bahay. May konting furnitures rin at sandamakmak ang supplies.

Bumaba na ako matapos kong magpalit ng jeans at tshirt.

"Ang ganda naman ng bahay mo Ally. Simple lang" natutuwang sabi ni Sophie habang nagbubuklat ng mga libro na nasa sala.

"Pwedeng pahiram nito? Matagal ko ng gustong basahin to eh" sabi niya habang hawak ang first book ni Percy Jackson.

"Sure. Kumpleto ko na ng series nyan kaya pwede mong hiramim sakin isa isa." Tugon ko.

Dumiresto na ako sa kusina at nagluto meryenda. Spaghetti for two lang. Nagtimpla na rin ako ng juice.

"Sophie, meryenda na tayo!" Tawag ko sa kanya.

"Naks naman Ally ha. Ang sarap mo magluto" sabi nya habang kumakain.

"Hilig ko talagang magluto eh. Plano ko ngang mag culinary pag college." natutuwang sabi ko.

"Shopping tayo sa Saturday. May nakita akong bagong libro eh tsaka bibili na rin ako ng konting damit" sabi nya sakin.

"Uhm Sophie. May pupuntahan ako ngayong weekend eh. Kaya hindi pwede. Next time na lang" malungkot na sabi ko.

"Ah ganun ba. Sige. Marami pa namang next time. Sige mauna na rin ako. Nagtext si Mommy. Kailangan nya raw ako sa office nya eh." Sabi nya habang nililigpit ang gamit nya. Tapos na rin kaming kumain eh.

"Ganun ba. Sige. Mag ingat ka ha" sagot ko at hinatid na siya sa gate. Umalis na rin siya at kumaway ulit sakin bago sya tuluyang makalayo.

Pagpasok ko, nakita kong nagriring ang phone ko.

Bespren calling....

Hello Bes - masiglang sagot ko

Hello Ally! Uuwi ka ba this weekend? - Bes

Oo. Pupunta ka sa bahay? - ako

Oo naman. Minsan na nga lang tayo magkausap sa personal eh. Bakit ba kasi ayaw mong kausapin kita sa sch- - Bes

Magkakagulo lang lalo. Dont worry. Nagkikita naman tayo every weekend eh. - ako

Miss na kita eh. Excited na tuloy ako. Hahhaha. Makikisleep over na rin ako hanggang sunday ha. - Bes

Sure. As usual. Miss you too. Byee. - ako

Byee. Loveyou Ally - Bes

.......

Pinatay ko na ang phone.

Kiniki-

Haisst. Nevermind.

Im excited to see Bes sa weekend. I miss him so much.

~~~~~~~~

Sino si Bes? Saan uuwi sa Alliana? Bakit Ally ang tawag ng bestfriend ni Alliana sa kanya?

Abangan po sa next update ;)

Vote, comment, share and support if ever na may nagbabasa. 💋

-LonelyMissPiggy 🐷

The NerdWhere stories live. Discover now