TN 4 Bespren

32 0 0
                                    

TJ's POV

I miss her so much. Summer vacation pa ng huli kaming magkita. Hindi siya umuwi last weekend eh. Pero she promised that she'll come home this weekend.

We've been bestfriends since we were born. Hahaha. Magkasundo kami sa lahat ng bagay. We have each others back. Pag may problema ang isa, magkatulong kaming aayusin yun.

I need to surprise her when she comes home. I know she love surprises. Magpapatulong na lang ako kay Antonette. Younger sister nya. At kay Justine, pinsan ko. Magkaedad naman yung dalawa kaya sa tingin ko magkakasundo sila.

Naglalakad lakad ako sa mall ng napadaan ako sa isang pet shop.

Hmmm. Alam ko na.

Alliana's POV

"Inaantok na ako" pagmamaktol ni Sophie dito sa tabi ko. Ginamit nya kasi ang "so-called" charms nya para makipagpalitan ng upuan kay Paul. Yung dating katabi ko.

Kasalukuyang vacant na naman. Nag aasikaso kasi ang teachers. May dadating raw na bisita next week. Eh Friday pa naman ngayon.

"Gutom na ako" sabi ko at sumubsob sa upuan ko.

"Pwede naman yatang lumabas diba? Tara kain tayo" sabi ni Sophie at hinila na ako.

Sabagay, kalat na ang students sa campus dahil karamihan ay vacant din.

"Order na ako ha. Ano sayo?"-Sophie

"Hot Fudge Ice Cream at Large French Fries lang"-me

Sakto namang napadaan ang mga varsity ng school. Famous yang mga yan dahil magagaling nagbasketball.

Umalis na rin si Sophie at nag order. Umupo naman ako sa table namin. Nilabas ko ang libro ko. The Maze Runner. Natripan ko lang ulitin. Natapos ko na to eh.

Taimtim akong nagbabasa ng biglang may nagtext sakin.

FR: Bespren

Ally, anong oras ka uuwi bukas?

TO: Bespren

Mga 9am siguro. 8 ako aalis sa apartment ko eh. Alam mo namang isang oras ang layo nun sa bahay.

After a few minutes...

FR: Bespren

Okay. See you. Btw, takaw mo talaga. Hahaha. Hot Fudge Ice Cream at Large French Fries "lang" ? Naku. Kaya ka tumataba eh. Hahahaha

TO: Bespren

Ako pa. Hahaha. Di ka na nasanay.

FR: Bespren

Sanay na sanay na. Kulang pa nga ata yon eh. Wag kang mag alala. Treat kita bukas ;)

TO: Bespren

Promise yan ha ? Yes ! Bait mo talaga TJ. Labyu Bes :*

FR: Bespren

Bye na :( Bumalik na teacher namin. Balik na rin ako sa room. Labyutu Bes :* ♡

Di na ako nagreply. Tinago ko na rin phone ko sa bag. Sakto namang dumating si Sophie.

"Bat ngiting ngiti ka dyan?" Nagtatakang tanong nya. Ni hindi ko na rin napansin na nakangiti pala ako.

"Uhh. Ahmm. Ano. Ng. Ang ganda kasi nitong binabasa ko" pagpapalusot ko. Wala kasing nakakaalam na bestfriend ko si TJ. Magkakagulo lalo pag nalaman nilang close kami ng sikat na yun.

"Okay. Oh eto order mo" sabi niya. Tingin ko di siya naniniwala sa sinabi ko. Pero di ko na lang pinansin.

Kain lang kami ng kain. Ng biglang nag bell. Last period na. Tapos na rin ang meeting ng teachers. In short, magkaklase pa kami.

Nako naman. AP pa naman ang last period. Kahit na tinatamad, bumalik pa rin kami sa klase.

"Finally!" Sigaw ng isa kong kaklase ng matapos ang last period. Halos lahat yata tuwang tuwa. Palibhasa naman kasi, enjoy na ng lahat ang dahil sa sunod sunod na vacant tapos biglang maklase.

Hindi kami sabay umuwi ni Sophie ngayon. Kailangan kasi siya ni Mommy niya sa company nila. Mayaman kasi sila. Only daughter pa naman yun si Sophie kaya sa kanya ipapamana yun. Buti na nga lang matalino sya kaya hindi siya nahihirapan sa pagtulong sa paghandle ng company nila.

Nakauwi na rin ako. Tinatamad na akong magluto ng gabihan kaya bumili na lang ako ng ulam kina Aling Mina.

Pagdating na pagdating ko sa bahay, nagbihis kaagad ako. Kumain lang saglit at humilata na sa kwarto. Nakakapagod ngayong araw. Magpapahinga na ako at maaga pa akong uuwi bukas.

Bago man lang ako tuluyang makatulog, tumunog ang phone ko.

FR: Bespren

Goodnight Ally. See you tomorrow. I miss you xoxo

Nakangiting binasa ko ang text ni Bes. Hindi ko pa man lang siya narereplyan ay tinamaan na ako ng antok.

Im so excited to see them. That's the last thing I remembered before I fell asleep.

~~~~~~~~~~~~~

Sino si TJ? Bakit niya alam ang ginagawa ni Ally? Saan uuwi si Ally? Sino ang tinutukoy niyang "them" bago siya nakatulog?

Any guess?

Ako'y nananalangin na may nagbabasa ng story ko 😭
Kung meron man, vote, comment and share po 😘
Sana po maenjoy nyo 😄

-LonelyMissPiggy 🐷

The NerdWhere stories live. Discover now