Sana Mapansin Mo Naman Ako Part 1

188 5 1
                                    

Lahat tayo ay may kanya-kanyang buhay. At mayroon din tayong kanya-kanyang crush. Hihihi. Tama ba ako? Lalo na sa pagdating ng panahon. Magkakaroon ka nun.

Napag-isip-isipan ko na ito ang gawin kong title sa story ko kasama ang kaibigan ko na si Mary Grace Morales, "Sana mapansin mo naman ako". Ako nga pala si Ashley, Ashley Tisdale, dejoke. Full name ko Ashley Navarro.

Nakilala ko si Mary Grace sa school namin. Naging matalik ko siyang kaibigan sa maikling panahon at para na kaming magkapatid ang turingan. Maraming section yung school namin kaya magkahiwalay kami ng section. Nagkakasama lang kami tuwing recess time, lunchbreak, at dismissal time.

Isang araw,may napansin siyang isang cute na guy na bago lang pumasok sa klase. Tapos na ang first quarter at bagong classmate ko.

"Oy, bago lang ba siya dito? Ngayon ko lang siya napansin at ang late niya naman pumasok sa klase, tapos na ang first quarter." sabi ni Mary sa akin.

"Oo, bago lang siya dito at classmate ko siya." sabi ko naman.

I smelled something fishy sa Mary Grace na ito. Nabobored na ako sa kanya dahil palagi lang niyang pinag-uusapan yung bagong classmate ko. Isang araw, itanong ko siya.

"MG, (yun ang tawag ko sa kanyang paminsan-minsan) may crush kaba sa Patrick (pangalang ng lalaki) na iyon?"

Di ko kasi mapigilan ka ginawa ko na para masaya!

Mapatulala siya ng ilang minuto.

"Hoy! Nice talking mo naman. Sagutin mo yung tanong ko!" sabi ko sa kanya.

.

"Ahm.." sabi niya.

10 years later, sa wakas, sumagot din siya.

"Oo, pero huwag mo sabihin sa kahit sino. Please lang."

"(tumatawa) Oo naman basta ikaw! (nagwink)" sagot ko.

"Sigurado ka ha?" sabi niya.

"Oo naman, sigurado ako." sagot ko.

"Tara na nga uwi na tayo, ito talaga si Patrick!" sabi ko kay Mary.

Sabay na kaming umuwi. Palagi naman kami sabay umuwi eh. Hihihi. habang nasa kama ako, nakahiga. Mapaisip ako sa inamin ni MG sa akin. Teka lang, anong paki ko sa sinabi niya. I smelled something fishy sa sarili ko. Ano ka ba Ashley!!! Palagi ko talaga siyang iniisip. Sigurado ako iniisip din siya ni MG. Simula noon, napag-isipan ko nang bumili ng isang diary para doon ko ma-express ang feelings ko kaysa ibang tao na mukhang pang hindi mapakakatiwalaan. Ano bang nangyayari sa akin!?

Pasukan na naman. Hatest ko talaga sa school days ang paggising sa umaga na napaka-aga. Rhyming ah. Share lang po.

Lumapit si Mary sa akin at nagreet sa akin ng good morning. Nagreet din ako sa kanya. Sa tuwing nakikita ko si Mary, naguiguilty ako. Sa recess time, of course, topic na naman namin si Patrick. Pinapansin na daw ni Patrick si Grace. Wow, jelly ko naman.

Di nagtagal, napapansin ko na sina Mary at Patrick na close na close sila sa isa't isa, palagi silang nagpapansinan at nagsasama. Wow, jelly ko naman.

Of course, di nakakalimutang sulatan yung diary ko. Gumagaan yung loob ko sa tuwing ini-express ko ang mabibigat na feelings ko. Lalo na tungkol kay MG at Patrick. Wow, jelly ko naman.

Kinabukasan, sa paaralan, tinanong ko si Mary nung napansin ko sa kanila ni Patrick. Sabi niya, friends lang daw sila, best friends. Ngunit hindi ako naniniwala sa kanya dahil parang hindi siya seryoso sa sinasabi niya sa akin.

Di ko napigilan ang sarili ko, naiinis na kasi ako sa kanya. sinigawan ko siya na parang siya ay isang aso na pinapagalitan. Sorry.

"Naiinis na talaga ako sayo! Parang wala ka nang pakialam sa akin! Palagi ka nang sumasama sa Patrick na iyon! Iniiwan mo nalang ako na parang isang manika na walang silbi dito sa mundo! Buti pa, iwan mo nalang ako! hindi na tayo magkaibigan simula ngayon! Wala na akong pakialam sayo at wala ka na ring pakialam sa akn!" pagalit na sinabi ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana Mapansin Mo Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon