SELFIE :) One Shot <3

105 4 0
                                    

"Selfie"

"Hoy! Mag-aral ka nga puro ka selfie. Tss! Tapos bawat picture mo pa, sasabihin mo 'selfie'. Sa totoo lang, buang ka?!" -Pia.

Tss. Bano talaga to! Pati pag-selfie ko, pinapakilaman >3< 

"Che! Tapos na akong mag-aral no?! Tsaka alam mo namang hobby ko ito. Mind your own business nga. Hmmp!"

"Tadyakan kita diyan Yeri! Pasalamat ka matalino ka."-Pia.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at tumingin ulit sa iPhone ko.

"Sel--" Napatigil ako sa pagpicture dahil nakita ko siya nakatingin sakin.

Haaay, bigla siyang tumalikod at lumakad paalis kasama ang nagtatawan niyang tropa :'(

"Oh natameme ka dyan?" Bumalik ako sa katinuan ng marinig ko ang boses ni Pia.

"A-ah w-wala. HAHA!" Pinilit kong tumawa para hindi niya mapansin ang pagiging matamlay ko.

"Wag mo akong lokohin. Hulaan ko,nakita mo na naman si Dilan? Humanap ka na kasi ng iba diyan. Wala kang pag-asa dun, kita mo namang marami kang kaagaw doon. Di ka niya mapapansin te."-Pia.

"WOOOOOW! Hoooo! Grabe ang suporta mo sakin ha. I Love You talaga. Pinalakas mo ang loob ko. Baka gusto mo din ng malakas na SAPAK?!"-inis kong sabi sakanya. Nakakairita talaga tong bespren ko.

"HAHA! Loka ka talaga. Tara na sa klase, baka kasi masapak mo pa ako."

Pumasok na nga kami sa klase at habang nagle-lesson ay nahagip siya ng mata ko. 

Niloloko ata siya ng tropa niya dun. Binabatukan niya naman ang mga ito. Pero palihim lang kasi mahuhuli  sila ng adviser namin.

OO!, Magkaklase kami pero kahit kailan hindi ko siya nakausap o di manlang nag-cross ang landas namin.

*Uwian*

Umuwi akong sawi na naman. Nasa kwarto na ako ng may nakita akong maganda sa paningin.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ang Self picture o ang SELFIE niya.

Nag-pi-picture kasi ako noon ng bigla ako tinawag ni Pia. Napindot ko tuloy yung capture button. Nung buburahin ko na sana yun, nakita ko na nasa nandoon siya. Mag-isa tapos nakangiti habang naglalakad papunta sana sa tropa niya.

Isa yung stolen selfie pero sa ngiti niyang yun, doon tumigil ang mundo ko. 

Doon nag-simula ang lahat at kahit kailan ata ay hindi na magsisimula ang para sa aming dalawa.

Hinawakan ko ang frame ng picture niya (oo, pinaframe ko pa.) hanggang sa nakatulog ako.

SELFIE :) One Shot &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon