The Pil-Am (pilingera na ambisyosa pa) Story

353 11 10
                                    

Oo na! Ako na! Ako na talaga
Kasalanan ko bang maging fellers? Libre lang naman mangarap ah!

Tsaka...2 YEARS ko na syang crush! (simula pa nung grade 8 )

Tapos last week nung nagkabunggo kami, dinampot  nya yung books ko na nalaglag.

Ano meaning nun?! Pwede naman nyang di pulutin diba? Pero hindi eh!

SHOCKS! tapos nginitian nya pa ko pagkaabot nya sakin nung libro.

Di ba ang ibig sabihin lang nun ay yiee! na...na type nya ko?! Baka nga na 'love at first sight'  sakin yun. Kasi after naming magkabangga, panay na ang tingin nya sakin.

Kaya heto ako, nag-aabang sa labas ng room nya para pag-usapan namin yung tungkol sa'ming dalawa. I mean andito ko para umamin sa kanya, baka kasi natotorpe lang sya kaya ako na ang unang aamin para rin di na sya mahirapan pang itago yung feelings nya. Pinapractice ko na nga yung sasabihin ko:

"Alam kong pareho lang tayo ng nararamdaman kaya naman, oo, sinasagot na kita."

HIHIHI! Na-iimagine ko na yung magiging reaksyon nya.

*riinngg!!* Uwian na nila!

Ang pangalan nga pala ng  love of my life ko ay si Cli--

"Clifford!" , oo yun nga yung name nya. Teka! sino yung tumawag sa kanya? Lumingon ako sa tumawag sa labs ko at nakita ko syang papalapit sa tumawag sa kanyang babae, BABAE?!

Nilapitan nya 'to tapos, tapos, nagkiss sila.

Muka namang napansin ako nug girl kaya pinalingon nya si Cliff, lumingon sya sa kin at binigyan ko sya ng How-Could-You-Do-This-To-Me-Look pero nginitian lang ako?! Inirapan ko sya sabay walk out.

Ngumawa ako ng ngumawa sa bahay ni bestfriend.

"Ikaw kasi. Masyado kang pilers" sabi nya. Ang bait nya no?

"THANK YOU HA?" sabi ko habang umiiyak.

"Anong gusto mong sabihin ko? na 'wag kang mag alala mag eexplain yun', ni hindi nga nya alam pangalan mo blah blah blah..."

Di nya na inintindi yung iba pa nitong sinabi, ang pumasok lang sa utak nya ay yung 'mag-eexplain sa kanya si my labs nya.'

Nakatunganga ako sa blackboard habang nagsusulat yung teacher ko ng kung ano.

Pinipigilan kong wag pumikit yung mata ko, puyat kasi ako dahil tinapos ko yung story ni jonaxx sa wattpad. Hay... three days na nakalipas pero di parin sya nag-eexplain, willing naman akong makinig! tsk! di ko na kaya! di na talaga kaya ng mata ko! ipipikit ko na sana kaso biglang-

"Cindy!" may tumawag sa kin? Napatingin kaming lahat sa pinto at nakita ko si Cliff, my labs.

"Mam may I excuse Cindy for a while?" tanong ni Cliff kay mam.

"Is it emergency?" tanong ni mam, tumango naman si my labs.

"Oh, okay!" sabi ni mam.

Lumabas na ko at dinala nya ako sa may likod ng stage.

"Cindy about dun sa nakita mo--"

"ANO KA BA! Okay lang yun, sus ikaw pa. Matagal na kaya kitang gusto--" Syete. Nadulas yung dila ko!

Nakita ko syang ngumiti, nag-iwas ako ng tingin. Ang tanga-tanga ko talaga.

At sa gulat ko bigla nyang hinawakan yung baba ko at hinarap nya yung mukha ko sa kanya. Ayan tuloy, eye to eye contact kami!  Enebe! KILIGMATS!

"Matagal na rin kitang gusto." ano raw? howmaygas! is that truth? Im not belief of this!

Pumikit sya tapos unti unti nyang nilapit yung mukha nya, napapikit na rin ako, tapos...

"Hahahahaha!" ba't ang daming tumatawa? Unti-unti kong dinilat yung mata ko.

Bakit nasa classroom ako? paanong?

PUTEK! NAKAKAHIYA!

*KRINNNGG!!!* phew! buti na lang bell na. Nakakahiya talaga!!

Paano ba naman, pagkadilat ko nakita ko silang nakatingin lahat sakin, pati si Mam.

"Miss Villaflor! Sa susunod pag matutulog ka siguraduhin mong di ka mag ii-sleeptalk para wala kaming clue sa napapanaginipan mo!"

"Opo mam", mahina kong sagot.

Buti na lang nag-bell. Thank you Lord! Paglabas ko ng pinto nakita ko na may nag-aabang sa gilid. Nakita ko si Clifford na papalapit sakin.

Totoo na ba to?

"Ahmm... ikaw yung nakabunggo ko, right?".

Tumango ako

"Sa iyo 'tong libro. Namali ako ng bitbit, di ko sya maisauli kasi tinatandaan ko kung ikaw ba talaga yung nabangga ko, sorry." Tumango ulit ako, teka, kaya ba sya tingin ng tingin sakin pag tapos nya kong mabangga?

Nakita ko syang papalapit sa isang girl, yung girl na kiniss nya. OUCH! NGAYON KO LANG NAREALIZE NA SOBRANG FEELERS KO NGA AT AMBITIOUS! 

"Hahaha! epic yung sleeptalk ni Cindy kanina 'no?", narinig kong sabi nung classmate ko, mas lalo akong nahiya sa sarili ko.

Tsk! Napayuko na lang ako habang naglalakad, ayoko na babawasan ko na ang pagiging pilingera at ambisyosa, promi--

*blAgg!* 

Aray? HALA! may nabangga pala ko, ang OA ko kasing yumuko eh!

Dinampot ni kuya yung mga libro ko at pagkatapos ay nakangiting inabot...... OH.MY.SHOCKS! Ang gwapo kahawig ni Kobe Paras!

"Ahh, Cindy yung books mo."

Paano nya nalaman name ko?! Tinignan ko yung I.D ko. Natural dun nya nakita, tsk! Inaatake na naman ako ng pagiging feelers.

Inabot ko yung libro tapos ngumiti.

"Thanks!" at pag katapos ay umalis na. Babawasan ko na talaga ang pagiging Pil-Am.

That Guy's POV

Grabe di man lang inalam yung pangalan ko, samantalang ako...alam na alam ko yung sa kanya, Cindy Villanueva.

Matagal na kong may gusto sa kanya eh. Kaya nga kunwari nabangga ko sya para magkakilala na kami pero, first move palang 'basted' na.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Ang babaeng Pil-Am(Pilingera na Ambisyosa pa) 🎉
Ang babaeng Pil-Am(Pilingera na Ambisyosa pa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon