The Little Brother

46 0 0
                                    

Ako si Claire Dela Cruz. Your pretty and smart girl and sass extraordinaire. 

Siya naman si Gray Santos. Your pretty ugly, I mean, charming boy who is frustratingly good in Math and in most things I suck at. 

At ako ngayon ay nagtatakip ng namumula kong mukha at hindi ko alam ay kung dahil ba to sa kahihiyan o dahil sa you know, iba pang bagay. Paano nga ba kami napunta dito sa harap ng school at ngayon ay pinagtitinginan ng mga tao?

Let me tell you the story of dumb and dumber, okay?

Brithday ngayon ni Sir Santos, yung teacher namin sa Math. Ugh, aamin ako, I hate Math. Hirap na hirap ako kasi feeling ko palaging sasabog ang utak ko dun. Pero cool syang teacher, medyo nadalian kaming lahat sa math dahil sa kanya.

Tapos na ang lahat ng subjects namin at uwian na. Tamang tama, dadaan ako sa advisory class ni ser para batiin. Siguro cinelebrate din nila yun, you know with cakes and balloons and stuff. Ganon talaga kami sa mga teachers, appreciation ikanga. Pagkadating ko dun unti na lang yung mga studyante nya dun na nakapalibot. 

"Huy Claire, tingnan mo yun oh." Kinalabit ako ni Ann, yung kaibigan ko. Grabe naman to makatitig dun sa lalaki, medyo kahawig ni ser at gwapo din. May lumabas na evil smile sa mukha ko. Muahahaha. Mukhang may bagong crush si Ann.

Napansin din naman ni Rachel yung napansin ko. "Ann, punta ka na dun oh, kanina ka pa naglalaway dyan eh."

"Ehhh!" Namula sya ng unti. Ang kyot lang. Dapat manlibre to sa gwapo ba naman ng lalaking ipapakilala namin sa kanya. "Nahihiya ako eh. Samahan mo akoo!"

I rolled my eyes at her at hinila siya papunta kay na sir. I snickered. Nagmumukha na siyang kamatis. Ang pula nya eh.

"Hello ser!" bati ko. "Tumanda ka na ah!"

"Oi! bata na to! Matanda agad!" Tumawa siya at ngumiti. "Aba aba, iyon ba ang birthday greeting mo?"

"Happy Birthday ser!" bati naming tatlo. "Pwede na yun ah!"

"Uy! Regalo ko!"

Nag-usap muna sina sir at Rachel. Napansin ko naman si Ann na nakatingin dun sa isang lalaking nagtetext. Napasmirk naman ako. Ang tagal niyang mag move on sa dati niyang crush, si Gerald. Yun pa rin ang palagin bukang bibig kahit na manhid talaga yung isa sa kanya.

Bumalik ako dun sa isang lalaki. Nabangit na ni sir minsan na may mas nakakabata siyang kapatid. Hindi ko nga lang alam ang hitsura nya pero siguro ito na iyon. Hmm, gwapo naman siya, cute din. Mukhang magugustuhan to ni Ann.

"Ah, oo nga pala, Claire, Ann, Rachel, ito nga pala ang kapatid ko, si Gray." Hinila ni sir Santos yung lalaki papunta sa amin. "Gray, mga estudyante ko."

"Alam ko po kuya, kanina mo pa kaya ako pinapakilala sa kanila." sabi ni Gray at bumalik sa pagtetext, medyo padabog.

Malapit ng maglaway itong si Ann, aalis na kami bago pa to gumawa ng kung anong kabaliwan. "Ser, alis na kami ah. May gagawin pa ako kasi eh."

"O sige, sige. Bye!"

"Bye ser!" Bati namin at umalis na kami. Hanngang pagbaba ng hagdan at papunta ng CR, inaasar pa rin namin si Ann. Well, hindi mo naman palaging maaasar ang madalas na nambwibwisit sa grupo niyo. Enjoy it while it lasts ika nga.

"SAUCE! Aminin mo Ann, crush mo yung lalaki! " Medyo pasigaw na sabi ni Rachel.

Ang lalakas ng boses ng mga ito, magkakaiba talaga kami. "Alam ko namang gwapo siya at cute kaya wala kang kailangang ipagpalala, approve kami--"

The Little BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon