Anong nangyari sakin? Sinumpa ba ako? Nagmadali ba ang Diyos nung ginawa ako? O galit at stressed lang siya kaya ganyan ang kinalabasan ko?
Ang mga babae raw ay conscious sa kanilang itsura. Sinisigurado nila na maayos siya sa panlabas at pati na rin sa kanilang pagkilos. Sinisigurado nila na mabango, presentable at kagalang-galang silang tignan. Araw-araw ay ilang oras rin ang ginugugol nila sa pag-aayos at pagpapacute sa salamin. Ngunit sa likod ng mga ito, ay may kinalaman ang mga kalalakihan.
Abnormal lang ang taong walang crush o minamahal. Natutunan ko yan sa isang teacher ko noong elementarya. Kahit papaano pala’y nakikinig ako… kung ganyan ang pinag-uusapan.
“Kunin mo yung lunch box niya dali!’ bulong ng isang lalaki sa likuran ko. Wala akong kamalay-malay na yung lunch box ko pala yung tinutukoy niya. Nalaman ko na lang ito noong nakarating ito sa aming teacher pero bigla kamin sinigawan at pinalabas ng room. Galit nag alit ako that time na parang sasabog na bulkan. First time ko kayang mapagalitan at mapagalitan ng titser namin. Eto kasing baboy na ‘to.
“Ano bang problema mo? Inaano ba kita?” Nakakainis!
“Gusto lang kitang pagtrip’an. Bakit? May problema ba?” Aba! Ang yabang neto a! Pinagtatawanan pa ako! Ang sarap pektusan! Ugh. E kung gawin ko kaya? Hindi na. Baka ako pa ang dedots kay teacher dear pag ginawa ko.
“Maghanap ka ng ibang mapagtri-trip’an. Ikaw! Kung di lang tayo nasa school, tinadyakan na kita palabas.” Inis na inis talaga ako sa kanya nung araw na ‘yon. Pero sinong magaakala na ang lalaking iyon ang aking magiging Best Friend Forever.
Grade 3 ako noon nung nakilala ko si Tyler. Galing siya sa mayaman at kilalang pamilya sa aming probinsya. Inaamin ko, nahihiya ako sa kanya dahil magkaiba kami ng estado sa buhay. Mahirap ako kaya kailangan kong magdoble kayod para suportahan ang pag-aaral ko. Pero kahit na ganun, hindi pa rin yun naging hadlang sa aming pagkakaibigan. 4th year high school na kami ngayon pero ang pagkakaibigan namin ay hindi nagbago. Siguro na rin dahil sa magkaklase pa rin kami hanggang ngayon.
“Tyler! Halika na! Male-late na tayo!”
“Oo! Eto na nga diba? Atat lang?!” sa tinig niya, nahahalata ko na naiinis na siya pero wala e, makulit lang talaga ako pagdating sa kanya. Pinagmamasdan ko siya habang pababa siya. Ang gwapo niya. Bagay sa kanya ang mga malalaking salamin at magtucked in. Ang gara niyang tignan na magbitbit ng libro at mga mabibigat na bag. Kumikinang siya mala glitters sa home-made birthday card ng mga kindergartner. Grabe. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang laway ko na nakatulala sa kaniya. Biglang niya akong pinisil sa pisngi at pinagtawanan. Grabe, nakakahiya!
“Next time, pwede pakibilisan? Para kang babae kung kumilos!” pang-asar ko sa kanya nang narealize ko na nagmukha na pala akong engot sa harap niya.
“Oo na. Oo na. Ikaw naman parang lalaki kung umasta at sumigaw.”At patuloy pa niya akong pinagtawanan at inasar. Naiinis talaga ako sa lalaking’to. Kaya naman inupisahan ko na siyang pisilin sa pisngi at aba! Gumanti pa ang lolo mo. Nagpisilan na kami ng pisngi hanggang sa biglang pumasok ng bahay si Tita Veng, mommy ni Tyler. Pinalabas na kami ng bahay para papuntahin sa school.
Naku po! Late na naman kami. Si Tyler kasi ang bagal-bagal kumilos. Okay lang sana kung siya na mag-isa malate. Bakit kasi kailangan ko pa siyang sunduin sa bahay nila araw-araw para lang mapabilis ang kilos ng lalaking yun. Oo, hindi ako nakatira sa lugar nila. Medyo malayo-layo ang bahay ko sa kanila pero malapit lang ang bahay nila sa school namin kaya hindi ko maiwasang mapadaan sa bahay nila.
“Ay petrang nanay mo!” Biglang sigaw ko nung may lalaking pumisil sa pisngi ko.
“Oh ano? Anong nangyari sa’yo kanina? Inantok ka ata?” tanong sakin ni Tyler. “Wala. Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi.” Mahinhin ko siyang sinagot. “Halata nga. Tignan mo nga yang eyebags mo. Dumadami pa pimples mo. Kadiri!” tinatawanan lang niya ako magdamag dahil sa itsura ko. Eh parang wala namang nagbago? Maganda pa rin ako noh. Dahil yun ang sabi ng nanay ko.