08/30/13 8:34 PM Friday
Kuya
Noong nakaraang linggo, nasa Tokyo Medlink (Tama ba? Basta yung malapit sa ATC) ako with my mom and auntie. Monthly check ng mama ko.
Nung dumating yung doctor niya, edi pasok sila sa isang kwarto where the room is exclusive only for the doctors and their patient. Sumama din si tita sa kanila kasi hawak niya yung results nung test na ginawa kay mother an hour ago that very day.
Edi ayun, loner ang peg ko sa waiting area. Actually, yung kinauupuan ko nun eh sa gilid nung info desk na kaharap ng glass door. Tapos sa gilid naman nung mismong upuan ko eh hagdanan. Gets niyo? Basta yun.
Biglang may bumaba na isang maganda bata. I think she’s 3-4? Marunong na kasi magsalita at bumaba ng hagdan na wala masyadong alalay. Kasunod nun eh yung kuya niya na I think 5-6 years old. I know kasi parehas silang maputi at gwapo/maganda. Sa likod nung mga bata yung nanay nila na of course, maganda at maputi din, like them. After nung mother eh yung yaya ng mga bata.
Nung nandun na sila sa glass door, tinitignan ko yung mga bata. Ang kyot kyot kasi nila. Ahahahaha. Tapos nakita ko na may green na band aid yung kaliwang braso nung batang babae. Nakahara psi baby girl dun sa hagdan. Tapos sa likod niya yung kuya niya na nakahawak sa dalawang balikat ni baby girl. Ang kyot nilang tignan. I srsly didn’t notice na nakasmile na pala ako sa mga bata. Hinawakan pa nga nung kuya yung band aid ni baby girl kaya natawa ako ng mahina.
After nun, si kuya eh umakyat ng hagdan. Mga 5-7 steps lang naman yung taas. Kita ko pa naman siya nun. Tapos lumapit si baby girl dun sa hawakan ng hagdan na malapit saken. Tapos tumingin siya sa kuya niya habang nakataas yung kamay, yung tipong inaabot yung kamay niya.
“Kuyaaaaa… Kuyaaaaa… Kuyaaaaa….”
Sinabi yan ni baby girl kay kuya niya. Di ko alam kung baket pero napakurap nalang ako.
Gusto ko magkaroon ng lalaking mas nakakatanda saken tapos poprotektahan ako. Gusto ko ng lalaking best friend na pwede kong kasama sa bahay o kahit matulog. Gusto ko ng lalaking magtuturo saken sa mga lessons ko kapag hindi ko naiintindihan. Gusto ko ng lalaking papaiyak ako sa kakatawa. Gusto ko yung lalaking kahit inaasar ako, mahal parin niya ako. Gusto ko ng lalaking hindi ako pababayaan. Gusto ko ng kuya.
Only child ako. At gustong gusto ko magkaroon ng kuya.
Oo, alam ko. Late na masyado para magkaroon ng kuya. Pero kasi, I cannot stop wishing to have one. Kapag nagbabasa ako sa wattpad tapos may dialogue na kuya kuya, napapatitig ako sa salitang kuya. Literally. Ewan ko ba. Desperada na yata ako magkaroon ng kuya.
Sa kakawish ko, ayun, biglang natupad.
Nalaman ko na meron pala akong kuya. Half-brother to be exact sa father’s side. Hindi ko alam ang nanay, ang full name, kung ilang taon o saan nakatira. Basta alam ko lang, meron ako.
Instant diba?
Sabi ko nga sa sarili ko hahanapin ko siya. Alam ko naman kasi ang name niya, (Hindi ko na babanggitin) pero wala akong idea sa last name niya. So, in short, hindi ko alam kung saan sisimulan ang paghahanap.
Kung mahahanap ko pa.
Nakwento ko yan sa classmate kong guy. Niloloko nga niya ako kasi hindi niya alam na meron daw akong mala-telenobelang pinagdadaanan. Hahahaha. He acted pa nga na naiiyak at nasasaktan. Tapos tinapik niya balikat ko sabay sabing…
“Di bale, ako nalang kuya mo. Nandito ako para sayo.”
I don’t know, hindi ko siya masyadong close kasi ngayong year ko lang naman siya naging classmate (nung 1st-3rd year, kabilang section siya pero nag-uusap naman kami) pero really, idk I felt really happy. Kasi, akalain mo yun, hindi kami close pero naging kuya ko siya?
At simula nga nun, naging kuya ko na siya sa room. Kadalasan pag nag-uusap kami, kuya tawag ko dun. Tapos one time nung dumating ako sa room, nakita ko siya tapos nginitian ko. Sabi niya ang sakit daw na hinid mabati ng good morning ng sariling kapatid. Tawang-tawa ako nun kaya ayun, binati ko siya. Minsan naman pag nag-aaway kami ng pabiro, sasabihin niya ‘you’re not my sister anymore’ pero babawiin din niya afterwards sabay gulo ng buhok ko. Nung birthday ko naman binate niya akong “Happy birthday Sis!” kahit nagmuka siyang bakla. Idk pero I really feel na kuya ko siya kasi tinutulungan niya ako when I needed help and vice versa.
Isang beses nga sa chat, napag-usapan namin ang love life. Sabi niya saken bago daw ako magkaboyfriend dapat ipakilala ko daw sa kanya at ng makilatis niya. Kahit na daw college na kami I still have to show that guy to my kuya kasi nga sister niya daw ako. Magagalit daw siya saken pag hindi ko pinakilala. Sinabi ko pa nga what if busy siya tapos magpapakilala ako ng guy. Sabi niya edi pupunta daw siya saken para makilala yung guy. Hahaha.
Sabi ko sa sarili ko, kahit hindi ko makita yung kuya’t kalahati kong totoo, ayos lang. Kasi kahit papaano naman, nandiyan yung kuya-kuyahan ko. Tinutulungan niya ako kahit sa thesis namin na magkalayong-magkalayo ang topic.
Ayos lang kahit walang kuya na mag-aalaga, poprotekta at magmamahal saken. Kasi alam ko may mga ibang tao naman na handang alagaan ako, protektahan at mahalin.
Alam ko rin sa sarili ko na masaya ako. Kontento ako.
Pero kung makikita ko nga siya, lubos-lubos ang magiging pasalamat ko dahil matagal ko yun hiniling…
Ang magkaroon ng kuya.