Just A Friend? ✔

130 5 2
                                    

Micaella’s POV

Im Micaella Jane M. Lopez. 17 years old na ako. May family problem ako, nambabae ang Papa ko. Kaya kailangan naming umalis at lumipat ng bahay kasama ang Mama at Kuya ko. Ang pangatlo at bunso naman naming kapatid ay nasa Papa ko. Sobrang gulo ng buhay namen that time, pati kami nadadamay sa problema ni Mama at ni Papa.

Nung nakalipat na kami ng bahay sa bandang Mandaluyong lang naman, malayo sa dating tinitirahan sa may Alabang.Sa bago naming bahay, syempre may bagong buhay. Dun narin ako nag-aral ng college. Ganun din si Kuya na nasa 4th year college na sa course na Civil Engineer. Buti nalang ga-graduate na si Kuya at ako nalang ang mag aaral. Education ang kinuha kong course. Gusto ko kasing maging teacher sa subject na English. Natuwa nga ang Papa ko nang nalaman nyang nag college na ako, pero dineadma ko lang sya, pano ba naman? Ipinagpalit nya si Mama sa kumara nito. Kaya ganun nalang ako nagalit sa kanya. Saklap ba? </3

Sa bago naming tinitirahan syempre, bagong kaibigan at bagong kapitbahay. Nung una pa nga naiilang akong lumabas ng bahay, tinitignan kasi ako ng mga tao sa labas. But after 6 months nasanay nadin ako at hindi na nahihiyang lumabas ng bahay. Sa bago naming bahy doon ko nakilala si Johnny. 1st year college din sya at nakikitira lang sya sa bahay ng tita nya, kasi pinag aaral sya nito. Sinubukan kong makipag kaibigan kay Johnny, kaso ang hirap nyang kausapin. Nahihiya kasi ako sa kanya.

But one day kinausap nya ako at sinigaw ang pangalan ko. “Ella!” Sabi ko naman sa kanya, “Ano yun?” Simula noon, nagging magkaibigan na kami ni Johnny. Nagkakatext din kami kung minsan. Tanungan ng mga assignments. Simula nun, naging close na kame ni Johnny. Lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. May isang kabarkada naming ang nag debut. Kapitbahay lang din naman syempre at invited kame. May konting inuman at sayawan . For the first time nun, uminom ako. Naasarapan ako at napasobra ata ang inom ko at nalasing ako. Nung napansin ni Johnny na lasing na ako, niyaya nya akong umuwi, pero dahil sa kalasingan ko nasabi k okay Johnny ang nararamdaman ko, na MAHAL ko sya. Nahalikan ko pa ang mga labi nya dala ng sobrang kalasingan at dahil na din sa emosyon ko.

***Kinabukasan

Ughh! Ang sakit ng ulo ko! Sobrang sakit, yung tipong binibiyak na parang buko. Nagalit din si Mama sa ginawa ko kaya pinainum nya ako ng kape. Wala akong maalala sa nangyari kagabi. Agad-agad akong lumabas ng bahay namen at pinuntahan ang bahay nila Johnny, pero parang ang sama ng mga tingin nya sakin kaya hindi ko na napigilang tanungin kung bakit.

“Bakit ka ganyan kung makatingin? May dumi ba ako sa mukha ha?”

Ang lamig ng mga mata nya kung titignan mo. Lalong lumaming nung binitiwan nya ang mga salitang ito. Na syang nagpawasak ng PUSO ko.

“Wala, wala kang dumi sa mukha. Pwede ba Ella? Tigilan mo na yang kahibangan mo! Kasi hanggang magkaibigan lang tayo! Hanggang dun lang! Wala nang iba pa! Kaya kung sa tingin mo may mga malisya ang kasweetan kong ipinapakita ko sayo. Pwes, para sabihin ko sayo. WALA! Alam mo yun? WALA. As in WALA! Naiintindihan mo na? Kaya kung pwede ba? Wag ka nang magpakita sakin. Ituring mo akong hindi tayo magkakilala. Hindi mo na ako kaibigan. Wala ka ng kaibigan.”

Sakit no? Ayun, nagsimulang tumulo ang luha ko sa sinabi nyang yan. Naguluhan ako sa sinabi nya. Umuwi na ako sa bahay. Pero bago ako tuluyan na umalis. Bumulong sya. Pero sapat na para marinig ko.

May mahal na akong iba. At hindi ikaw yon”

Iyak lang ako ng iyak sa kwarto at pinilit na alalahanin yung nangyari kagabi. Nung naala ko na, AKO mismo. Nahihiya sa kanya at sa sarili ko. Im so stupid. Simula noon, iniwasan nya ako, iniwasan ko din sya. Nalungkot kasi ako ng sobra sa mga binitawan nyang salita at lalo na hanggang magkaibigan lang kami.

But after 1 year, umalis sya sa tinitirahan nya. Sumama sya sa Ate nya, kasi Ate na daw nya ang mag papa-aral sa kanya. After that wala na akong balita pa kay Johnny. Ni hindi ko nga alam kung nasaan na sya ngayon eh. 20 years old ako ng naka graduate sa college bilang Cumlaude. Proud sina Mama’t Kuya sakin. At the age of 25 years old maganda na ang buhay ko. Nagkaroon na kami ng sariling bahay at nagtuturo na ako ngayon sa subject na English sa isang public high school.

Pero sa hinding inaasahan na araw. May naghahanap sakin. Nandito ako ngayon sa tapat ng gate naming habang kausap yung guy. Hinahanap nya si Ella. Tinanong ko kung Micaella ba. At sabi nya “Oo, Micaella nga” Nung sinabi kong ako yun. Bigla nya akong niyakap. At sinabing sya si Johnny. Nasa state of shock padin ako nun, nung malaman na sya si Johnny. At ang pinaka matindi pa is yung sinabihan nya ako ng “Ella, run away with me. Handa kitang pakasalan.” Natameme parin talaga ako. Yayakapin nya ulit sana ako kaso biglang may nag salita. At ang sabi nya ay “Mama?” bakas sa mukha ni Johnny na gulat na gulat sya. Sinabi ko nalang sa kanya na “Johnny bakit ngayon pa? Hinintay kita kahit alam kong Malabo. Johnny sorry pero may anak na ako. Si Merrielle 3 years old na sya, at may asawa na ako. Si Luis 3 years na kaming kasal. Im really sorry Johnny.” Ngumiti lang sya sakin. Pero bakas sa mata nya na nasasaktan sya ng sobra. “LET’S JUST BE FRIENDS.” Sabi nya sa akin. Kahit papaano. Gumaan yung pakiramdam ko. :)

Just A Friend? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon