My TAX love <3

144 0 0
                                    

Kassie, nagreview ka ba sa tax?

Oh, oo naman! Ang hirap kaya nun. Bakit? Hindi ka nagreview justin?

Aba! Nagreview ata to! Kahit tanungin mo pa ko e. yabang na sagot nito.

Yabang ahh! Haha. Osige. What is progressive tax? Tanong ni Kass ng nkangiti. May gusto kasi ang dalaga sa kausap nito. Nitong taxation subject lang sila naging magkaklase pero nagustuhan na kagad nito ang binata. Love at first sight ika nga.

Madali lang yan! Sagot nito, nakangisi pa. Habang tumataas ang kita ng isang tao, tumataas din ang tax rate na kelangan niyang bayaran. Parang Feelings ko sayo, Habang tumatagal ang pagkakakilala ko sayo, lalong tumataas ang rate mo sa puso ko..

Ahh! Haha. Ang ang galing mo nga! .. Nagulat ang dalaga sa sinabi nito dahil ang alam ng dalaga ay kaibigan ang tingin sa kanya ng binatang ito.

Ako naman Kassie may tanong sayo.. Seryoso ang mukha ng binata. Ano naman ang ibig sabihin ng regressive tax?

Eh, wala naman yan sa pilipinas e.. Pero osige, ito yung sa kung saan habang lumalaki ang kinikita ng isang tao ay bumababa naman ang tax rate na kanyang babayaran! Oh diba?! He-he. Kabadong kabado ang dalaga sa pagtitig sa kanya ng binata. Napatawa nalang siya sa dulo.

Hmm. Alam mo Kass, parang feelings ko lang din yan sa iyo e, habang lumalaki ang pagkakaunawaan nating dalawa, bumababa naman ang oxygen intake ko sa katawan kasi hindi ako nakakahinga pag kausap kita. Ganun ka din ba sa akin?.. Seryoso ang mukha ng binata. Ngayon lang niya nasabi ang mga narardaman niya sa dalaga dahil nga ay mahirap siyang umamin dito, natotorpe kasi. At buti na lamang may TAX silang subject na pwedeng pagkuhanan ng lakas ng loob.

Ahh, o-oo justin.. Parang ikaw nga ang taxation e, ikaw ang aking life blood doctrine.

Nagka ngitian ang dalawa, at..

"Okay class! Here's your taxation mid term exam, Good luck!"

The end.. ;)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My TAX love &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon