LET'S THE SEARCH BEGIN
Alas-diyes ang usapan ni Attorney Samaniego at ni Berna na magkikita sila sa restaurant. Pero ten-thirty na wala pa din ang lalaki. Ang ayaw pa naman niya sa lahat ay ang naghihintay siya.
Tagal niya huh. Bulong niya sa sarili. Maaga siyang pumunta sa napag-usapan nilang café kung saan sila magkikita. She's being professional pero wala yata nito ang kausap niya. Napapasimangot na lang siya.
Pagtingin niya sa may pintuan, may nakita siyang lalaki na pumasok. It must be him. There's this guy walking towards her directions. He's just wearing a casual look. A white button down shirt paired with black slim fit jeans and a pair of boots.
Sa wakas dumating din ito. Akala niya ay wala na itong balak sumipot.
"Good morning, Miss Alcantara. Pasensiya na kung late ako. Masyado lang traffic" Hinging paumanhin nito sa kanya.
Morning pa ba? Gusto niyang isigaw sa harap nito. Tanghali na. Halos tubuan na ako ng ugat dito sa kinauupuan ko. Dagdag pa ng maldita niyang utak. At ano? Traffic ang mag-a-adjust sa'yo. Her inner mind added.
"It's okay. I know how busy you are to come in time." sarkastiko niyang sabi dito.
Okay! Berna, be proffesional. Pangungumbinsi niya sa sarili and gave the guy a smile.
"Well! Hindi na ako magtatagal. Nakipagkita lang ako sa'yo to give this envelope. Isa ito sa mga iniwan ng Papa mo sa Daddy ko. Ako na ang pinagbibigay niya sa'yo." sabi nito at inabot sa kanya ang isang red envelop.
Ano kaya ang laman ng envelope na ito?"Bakit hindi pa isinabay na ibinigay ito noong binasa ni Tito iyong last will ni Papa?"
"May dahilan ang Papa mo kung bakit. Nakasaad iyon diyan sa sulat. Basahin mo na lang." Parang tinatamad nitong sagot. Umikot na lang ang mga mata niya sa naging ugali nito. Siguro ng nagpaulan ng professionalism, tulug na tulog ito.
Pagkasabi nun ay bigla na lang itong tumayo para umalis.
Ang bastos niya,huh. Nagpupuyos na sa galit ang dibdib niya sa inasal nito. Ito na nga ang late, may gana pa itong iwan siya.
Kesa naman lalo pang mag-init ang ulo niya, tumayo na din lang siya at lumabas ng café na iyon. Nakuha naman na niya ang pakay niya dito. Pero hindi pa rin maalis sa isip na ang ginawa nung lalaking iyon sa kanya sa café. How dare him left her in that café? Bigla na lang itong umalis without saying goodbye.
Dumiretso agad siya sa library pagkarating niya ng bahay nila. Ang malaking bahay kung saan tatlo sila ng mama at papa niya na naninirahan with their housemaids. Pero sa ngayon, siya na lang ang nakatira dito kasama ang mga naiwang katulong. Magdadalawang buwan na rin ng pumanaw ang Papa niya. Hirap pa rin siyang tanggapin ang pagkawala ng mga magulang. Wala na rin ang Mama niya. Namatay ito nang ipinanganak siya.
Pumwesto na siya sa table na kung saan dating inuukupa ng ama niya kapag nasa bahay lang ito.
Naalala niya ang mga panahong buhay pa ang daddy niya. Parang kahapon lang ang lahat ng nangyari.
They were just happy talking about life and in a blink of an eye, nagising na lang siya na wala na ang ama niya.
Tipid lang siyang ngumiti and started reading the letter that her father left.
Mahal kong Berna,
Alam kong hanggang ngayon ay nagluluksa ka pa rin sa aking pagkawala. Huwag kang mag-alala,magkikita na kami ng Mama mo at dalawa na kaming susubaybay sa'yo.
BINABASA MO ANG
KAKABOO-KABOG (ONHOLD)
Mystery / ThrillerA group of kids with special ability. Iba't - ibang abilidad. Iba't-ibang katangian, iba't ibang pinagmulan. Pagsasamahin ng iisang misyon. Paano sila magkakasundo? Magamit kaya nila sa tama ang kakayahan na meron sila? Pagkakaibigang mabubuo sa is...