Kiss (One Shot)

42 1 0
                                    

Kiss by harukahoshi

Oy Ken. Sabay na tayong pumasok!”

Ayoko nga. Kaw na lang mag-isa Jamie.”

Loko talaga tong lalakeng to! sasabay lang naman ako sa kanya pumasok ayaw pa ako pagbigyan! Anung klaseng besfriend siya? Tss… >.<

Ako nga pala si Jamie. Isang normal senior highschool student. At siya naman ang abnormal kong bestfriend at classmate. Si Ken. Hindi siya normal dahil siya ay ang pinakasikat na lalaki sa school at tinaguriang CRUSH NG BAYAN. Hindi lang kasi siya pogi. Mabait din siya at matalino. Kaya maraming nahuhulog diyan eh. Kasama na ako.

yieeee!! SECRET LANG ‘YUN AH! XD

Pumunta na kami ng school ng sabay . Wala na akong pakealam kahit itaboy niya ako noh. behele sya. :P

Pumasok na kami ng room at siempre pinagtinginan kaming dalawa. Tiningnan ako ng masama ng grupo nila Sabrina. Palibhasa kakabasted lang ni Ken dyan eh. Huehuehue…

Hay naku! Kaya naman pala nareject ka sabrina eh, nilalandi ng isa dyan ang Ken mo!” sabi ni kaibigan ni Sabrina. Letche!! Dapat sinabi na lang niya ang pangalan ko ‘di ba. Hmmp! Upo na nga lang ako!

Kaso hindi pa rin ako tinigilan ng mga demonyang ‘yun.

Hoy ikaw. Huwag ka ngang lumalapit kay Ken? Hindi porket bestfriend ka niya hindi ka na namin papatulan.” Ayun pinalibutan na ako ng mga kasama niya. Tapos nagbubulungan na ‘yung ibang kaklase namin.

Hoy sabrina, manahimik ka dyan pwede?” bigla namang sabi ni Faye. ‘yung katabi ko. Tumingin ako sa kanya at nginitian niya ako. Nga pala.. siya ang pinakacute na girl dito sa campus. Siya rin ang nalilink kay Ken dahil parehas sila ng mga katangian.

Hoy ikaw Faye. ‘wag kang makikialam!” nagtaas na siya ng boses. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Sasagot na sana ako kaya lang umepal na si Ken.

Sabrina.. tama na please.” Seryosong sabi ni Ken kay Sabrina.

Woah.. pero Ken?”

Sabrina.. Tama na.”

Bakit mo siya pinagtatanggol?! Sinesave lang naman kita sa babaeng malandi na to. wait… is she the one you like?”

Napatingin ako kay Ken at seryoso ang tingin niya kay Sabrina.

Kaya kita nireject dahil may gusto nga akong iba. But no, She is not the one I like.” Derederetso niyang sinabi ‘yon kay sabrina tapos parang sumulyap siya sa gawi ko at tiningnan ulit si Sabrina.

Parang biglang nawasak ang puso ko sa sinabi niya. Napayuko na lang ako at nagpatay malisya pero sa kaloob looban ko parang sinasaksak ang puso ko ng paulit-ulit.

Natahimik na sila sa sinabi niya at bumalik na sa kanilang mga upuan. At simula non, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ka raw niya gusto. Hindi ikaw Jaimie.

Natapos na ang school hours at uwian na. Nagpunta muna ako ng library para makapagpalipas ng oras at magbasa ng libro dahil iyon ang ginagawa ko kapag may problema ako. After ko magbasa ay nagdecide na akong umuwi. Pumunta muna ako sa locker ko para ilagay ang mga gamit ko.

Nang palabas na ako ay nakita ko si Faye sa may stairs. Ah, gusto kong magpasalamat sa kanya sa pagtulogn niya sa akin kanina. Nang papalapit na ako sa kanya ay nakita ko si Ken. Teka, nag-uusap sila? Pero bakit? Naalala ko kanina nung sinabi ni Ken na hindi niya ako gusto ay sumulyap siya sa gawi namin... ‘di kaya ang taong gusto niya ay si…

Kiss (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon