Hating gabi na iyon at hindi pa rin makatulog si Shanelle sa kanyang silid dahil sa isang tanong na binitawan ng kanyang matalik na kaibigan na si Josefina. "Naniniwala ka ba sa tadhana?". Mga salitang madalas mamutawi sa labi ng kanyang matalik na kaibigan. Kadalasa'y ito rin ang nagiging dahilan ng kanyang pagkabagabag, napaisip siya. Meron nga ba? " Subalit wala naman akong makuhang sagot". Aniya sa kanyang sarili. Hindi niya alam ang sagot, ni hindi niya maintindihan kung ano ang bagay sa sinabi ni Josefina na 'tadhana'. Mga ilang minuto'y dumiretso na lang siya sa kanyang kama at nahiga. Tumingin sa kisame habang patuloy na pinagaaralan ang tanong na iyon. Di niya namalayang nakatulog na pala siya. Biglang nagising si Shanelle sa sinag ng araw na tumagos sa bintana. Inaantok pa ma'y bumangon na siya sa pagkakahiga at inayos ang pinaghigaan. Dumiretso siya sa kusina upang makapagluto. Katulad ng kanyang nakagawiang gawain sa umaga tulad ng pagluluto, pagaalmusal at paliligo, ay pumasok na siya sa paaralan na mag-isa. Mag-isa lamang siya sa tinutuluyang apartment dahil ang mga magulang niya ay nagtatrabaho sa Amerika upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Tiningnan ni Shanelle ang kanyang relos at nakita niya na alas-syete y medya na, alas-otso pa ang kanyang pasok. Patakbo siyang pumasok sa paaralan, kaya hingal na hingal siyang nakarating. Nang mapawi ang kanyang hingal ay tinahak niya ang daan patungo sa silid-aralan. Nasalubong niya ang
kanyang kaklase. " Magandang umaga, Shanelle". Bati sa kanya ni Linda na sinuklian niya lang ng pilit na ngiti. Biglang sumulpot sa tabi ni Shanelle si Armin, kaklase din niya." Bakit tila matamlay ka?" Tanong ni Armin sa kaniya." Madami lang akong iniisip". Sagot ni Shanelle sa binatang kaklase.Sa katunayan, nagsinungaling lang siya dahil isa lang naman ang kanyang iniisip, ang panaginip niya kanina." Bakit ganun ang panaginip ko". Tanong niya sa sarili.
Nakapasok na si Shanelle sa silid-aralan. Dire-diresto siyang tumungo sa kanyang upuan, sa dulo at malapit sa bintana. Tinanaw niya ang Track 'n Field na walang katao-tao nang mga oras na yun. Maya-maya pa ay nag-bell na, hudyat ng simula ng klase. " Magandang umaga 12- Gumamela". Bati ng isang ginang na pumasok sa silid nila at pumuwesto sa harapan. " Magandang umaga rin po Gng. Santos". Bati nila sa kanilang guro. " Pangunahan mo ang ating panalangin ngayong araw, Nathan". Wika ni Gng. Santos kay Nathan, kaya nagsitayo ang lahat para magdasal.
Matapos magdasal ay umupo na ang lahat. " Kayo ay may bagong kamag-aral". Panimula ni Gng. Santos sa kanila. Pinapasok na ng kanilang guro ang bagong lipat na mag-aaral. Nagulat si Shanelle nang makita ang pumasok. Pamilyar ang binatang kapapasok lang." Iho, magpakilala ka na sa mga kaklase mo". Wika ng guro na tila nakapagbalik ng ulirat sa binata na panandaliang napatitig kay Shanelle. "Ako nga pala si Ayron Reyes. Sana maging mag-kaibigan tayong lahat." Maikling pagpapakilala nito. Pinaupo si Ayron sa katabing upuan ni Shanelle dahil ito na lamang ang natatanging bakanteng upuan sa silid.
Habang nagtuturo ang guro ay tahimik lang ang buong klase. Pero si Shanelle ay napapaisip. " Ito ba yung sinasabi nilang tadhana?". Tanong niya sa sarili. Habang si Ayron naman ay di mapakali dahil hindi siya makapaniwala na nasa tabi niya ng personal ang dalagang napaniginipan niya.
Natapos ang tatlong sesyon ng magkakaibang asignatura, recess na. Inatasan ni Gng. Santos si Shanelle na ipasyal si Ayron sa buong kampus. Kasalukuyang naglalakad ang dalawa sa silid-aklatan. Napahinto sa paglalakad si Ayron, gayon na din si Shanelle." Teka hindi ko pa nalalaman ang pangalan mo. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?". Nakangiting nakatingin si Ayron sa dalaga at naghihintay ng sagot." Ako si Shanelle Unlaon. Pwede mo akong tawaging Shan kung gusto mo". Pagpapakilala ni Shanelle." Naglahad ng kanang kamay si Ayron at sinabing," Pwede ba tayong maging magkaibigan". Tanong ulit ni Ayron. Tumango si Shanelle at inabot niya ang kamay na nilahad ni Ayron sa kanya. Natapos ang araw na iyon ng kagalakan dahil sa naging magkaibigan na sila.
Mabilis ang pagdaan ng panahon. Naging masaya sina Shanelle at Ayron sa paglipas ng ilang linggo. Pero habang tumatagal ay nag-iiba ang kanilang nararamdaman para sa isa't isa.
Biyernes iyon nang mapagdesisyunan ng nilang dalawa na sumulat sa isang papel tungkol sa hindi nila makalimutan na panaginip, matapos iyon ay saka sila magpapalitan. Nang gabi ding iyon ay nagsimula nang magsulat si Shanelle tungkol sa kanilang napagkasunduan. Habang nagsusulat ay nangingiti siya bigla dahil naiisip niya kung ano kaya ang mangyayari kapagnabasa ni Ayron ang sulat na ginawa niya. Sa kabilang banda ay sinimulan na din ni Ayron ang sulat niya. Pursigido siya habang nagsusulat. " Sa lunes. Sa lunes ko na sasabihin ang nararamdaman ko para sa kanya kasabay ng pagkuha niya sa papel kong ito". Sabay nilang nasabi sa isip nila. "Sa oras na ito, alam ko na ang sagot kung naniniwala ba ako sa tadhana. Oo naniniwala na ako" Wika ni Shanelle sa isip niya at bumalik na sa kanyang ginagawa.
Lunes, pasukan na naman. Masayang pumasok si Shanelle sa paaralan. Sa katunayan, inagahan niyang pumasok. Pero habang papalapit ang oras ng pag-bell ay may iba syang naramdaman. "Parang may mali". Sabi niya sa sarili. Pero hindi siya natinag dahil doon. Nag-bell na pero wala pa ring Ayron na pumapasok sa silid. Pumasok si Gng. Santos at dumiretso sa harapan. Mukhang malungkot ito." Sana hindi ito tungkol kay Ayron". Ang padasal na hiling ng utak niya. " Mayroon akong masamang balita sa inyo. Si Ayron Reyes ay bumalik na sa Amerika." Wika ng kanilang guro. Muntikan nang maiyak si Shanelle ng may inabot na sulat ang kanyang guro mula kay Ayron. Mukhang naibigay pa nito sa guro bago umalis. Naging malungkot ng lubusan ang damdamin ni Shanelle.
Binasa niya ang liham na ibinigay sa kanya ni Ayron. Nakasaad doon ang tungkol sa panaginip na hindi nito makalimutan. Tama nga siya na parehas sila ng panaginip. At sa dulo ng liham ay doon na bumagsak ang kanyang luha dahil sa laman ng liham: "Mahal na kita Shanelle. Alam kong biglaan ang pag-alis ko dahil inatake sa puso ang aking ina sa Amerika at kailangan niya ako. Naniniwala ka ba sa tadhana? Kasi ako oo, naniniwala ako. Nakita kita sa panaginip ko at nakilala ka ng personal. Babalik ako sa Pilipinas pero sa tamang panahon. Pero sana kung makabalik man ako, sana may pag-asa pa ako sa'yo. Paalam Shanelle." Makalipas ang maraming taon ay nakapagtapos na sa pag-aaral si Shanelle. Siya ay naging isang kilalang doktor sa buong daigdig. Kasalukuyan siyang walang pasok at dadalo sa reunion ng buong 12-Gumamela.
Nang makapunta sa loob ng mamahaling restawran ay biglang nahagip ng kanyang mga mata ang isang pamilyar na mukha sa kanya. Sinundan niya ito patungo sa hardin ng nasabing lugar. Huminto ito sa tapat ng Sakura. At oo, alam niya na kung sino ang lalaking iyon. Ang lalaking hinintay niya. Ang lalaking iniwan siya. At ang lalakeng minahal niya hanggang ngayon. Nakatalikod pa rin ito sa kanya." Ayron!". Sigaw niya dito at tuluyan nang humarap sa kanya. Nung una, nagulat pa si Ayron dahil sa pagsigaw ni Shanelle pero bigla ring itong nawala. Tumakbo papunta sa kanya si Shanelle at niyakap siya ng napakahigpit." Bakit ngayon ka lang nagpakita? Bakit di mo sa akin sinabi na aalis ka pala nang araw na iyon?". Naiiyak na tanong habang yakap pa rin ni Shanelle si Ayron. Kumawala na sa pagkakayakap si Shanelle kay Ayron pero hindi pa rin ito makatingin ng diretso. Kaya naman hinawakan ni Ayron ang magkabilang pisngi ng Shanelle at tinitigan niya ito sa mata. Kaya ganoon na lamang din ang ginawa ni Shanelle ang titigan ang minamahal sa ta. "Pasensya noong iniwan kita pero simula ngayon,hindi na kita iiwan pa". Sabi ni Ayron sa kanya habang pinupunasan ang mga luha nito sa pisngi." Mahal kita, Ayron" Sambit ni Shanelle kay Ayron."Mahal na Mahal kita dati, ngayon, bukas at magpakailanman, Shanelle". Wika ni Ayron. Pareho silang masayang bumalik sa pagtitipon na nagaganap sa loob ng mamahaling restawran upang makisaya sa iba.
"Nang umalis ka sa buhay ko ay hindi na ako naniwala sa tadhana pero nang dahil sa hinintay kita at nagkita ulit tayo, masasabi ko talagang totoo at naniniwala ako sa tadhana". Sabay na sambit nina Shanelle at Ayron sa isip nila.
........wakas.......
BINABASA MO ANG
Tadhana
Teen FictionTadhana o destiny sa english? Most of the people believe that destiny is real. Maybe 98% ng tao ang naniniwala sa tadhana pero may hindi katulad ni Shanelle na hindi naniniwala sa tadhana. Kasama sya sa 2%. Pwede pa bang magbago ang kanyang paniniwa...