One Shot

161 3 0
                                    


                                      

May boyfriend ako ngayon, 4 years na kami, graduate na ko at nagtratrabaho. I'm 25 years old, apat kaming magkakapatid at ako ang bunso at nag-iisang babae at sasabihin ko sa inyo kung paano sya nanligaw sa akin. So, ganito yun..

Schoolmate kami noon, di kami same Ng course. Ang course nya kasi ay HRM at sa akin naman ay Engineering so pareho kaming busy sa school.

NBSB ako pero siya, grabe! Mahihiya talaga si James Reid sa kanyang pagkababaero, ang feeling gwapo nya Kase. Pero kahit ganun sya, pinagbubutihan pa rin naman nya ang pag-aaral pero Party Goer talaga sya.

Pero useful naman yung pagiging ganun Dahil dun kami nagkakilala. Actually, kilala ko na sya Dahil palagi naman syang tsini-tsismis sa school about sa kanyang pagiging pagkababaero, hahaha pero hindi pa nya ako kilala noon.


That day, dinala lang ako, Ewan ko ba kung ano nakain ko kung bakit pumayag akong sumama sa kanila kahit marami pa akong gagawin.


Panget talaga yung una naming pagkikita dahil bobo  yung itsura nya, nainis naman ako.. Nandun lang ako sa table umiinom Ng juice , kasi yung mga kasama ko nandun na sa gitna at nagsisisayaw. Biglang may lumapit sakin at siya yon.



S: Hi

A: (Nagulat ako Dahil sa kadami-daming tao, ako yung nilapitan niya) Hello

S: Sayaw Tayo

A: No thanks, Hindi ako pumunta dito para magparty, nandito lang ako para uminom Ng juice. (Sinabi ko nalang para  malaman niyang di ako interesado)

S:Kung pumunta kA lang naman dito para uminom Ng juice, EDI sana bumili kA nalang Ng Tang at ininum mo sa inyo. Club kasi ito "Party Place". You know naman .

A: (Naiinis na ako kasi ang tono Ng pananalita nya ay parang nang-iinsulto. Syempre di ako papatalo, tinaas ko aking kilay) Are you nuts? Or just plain stupid? Obviously, I don't want to be with you! I'm here to drink. So you don't care if I'm here just to buy a juice. Who are you by the way? Close ba tayo? So please, I don't want to be one of your toys so go! Chupi! Get a life and LEAVE ME ALONE!!! Bwisit! (Bahala na kung mapagkamalan akong assuming pero naiinis talaga ako sakanya noon)

Pero nagulat ako sa kanyang respond. Nagsmile sya as in sincere at sinabing..

S: OK. Nice meeting you MS. FUTURE ENGINEER.

Naschock talaga ako, akala ko aawayin nya pa ako or what, assuming talaga ako hahaha! Pero napag-isip-isipan ko na baka nag smile sya Dahil narealize niya na Hindi lang ako basta-bastang babae. After nun ay umuwi na kami. Ako lang ang Hindi nakainum, ang mga kasama ko wala nang sapatos hahaha! So day after that, nagkita kami school at nanotice nya ako...

S: Hi, kumusta yung nainom mong juice? Nalasing kA ba?  Hahahahahah

A: (Syempre nahihiya ako, Ewan ko basta nahihiya ako) Ha? Eh sorry tungkol dun ha. Basta sorry. Hehehehe

ManliligawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon