Chapter 5: This moment that make you closer to me

15 5 0
                                    

Sophie's POV

Paglabas ko ng bola, pinasa ko agad kay Nico yung bola.

Napansin ko naman na parang di masyadong nagseseryoso yung panget na bumabantay sa akin.

Minamaliit mo ako ha. Tingnan nalang natin.

Pumwesto ako sa may 3 point lane sakto naman, ipinasa ni Nico yung bola sa akin.

Pagkahawak ko ng bola, nagdribble muna ako then step back...

"BANGGGGGG!!!!!"

"3 Points!! Wohhooo ang galing mo Sophie!!" Masayang sigaw ni Nico.

Kita ko naman si Ethan at JR na nakangiti rin

Yung mga panget parang nabigla.

Kala niyo ha.

Tapos yung Panget 2 naman ang naglabas nung bola. At ako yung nagbabantay sa kanya.

Pinasa niya yung bola kay Panget 1 at pinasa ni Panget 1 pabalik kay Panget 2 at shinoot ni panget 2 yung bola sa 3 points lane.

Pero di pumasok yung bola instead tumama lang sa ring at nirebound ni Ethan.

Tapos pinasa ni Ethan yung bola sa akin at tumakbo naman ako papunta sa ring at sakto walang nakaharang sa akin kaya nag lay up ako and BOOM !! PASOK!!

"7 points nalang. Kaya pa ba ??" Tanong ko sa kanila.

Tumango naman sila at yung si Panget 4 na ngayon nakaupo sa bench ay pinalitan si Panget 2.

"LAST 2 MINUTES AND FIFTY THREE SECONDS GUYS" sabi nung nag ooras sa amin.

Nagtinginan lang aming tatlo tapos tumango.

Sa kanila yung bola kaya dapat walang mintis ang pag shoot namin neto ngayon .

Nilabas naman nung Panget 1 yung bola at pinasa kay Panget 4 na ngayon ay binabantayan ko.

Dinidribble niya lang yung bola,
habang ako binabantayan ang mga kilos niya.

Sobrang tagal niyang ipasa yung bola kaya tinatry kung kunin yung bola sa kanya pero sobrang bilis niyang makaiwas.

Tinitigan ko lang yung bola, pinag aaralan kung saan niya sunod iba- bounce yung bola.

"Prrrrrrrrtttttt!!!! 24 seconds violation" sabi nung refferee.

"Yeeessss!!! " sigaw ko sa sobrang tuwa at nag apir naman kaming tatlo.

Wohhhoooa this is it. The chance..

Ngayon, si Ethan na naman yung naglabas ng bola, pinasa niya sa akin then pinasa ko ulit sa kanya then kay Nico na malapit sa Ring then Shoot.

"Good, 5 points to go " bulong ko.

Then bumalik na kami sa mga pwesto namin.

2 points sila

3 points kami

3points sila

3 points kami

3 points ulit kami

2 points kami.

3 points sila.

Last 24 points, saamin yung bola.

Kailangam naming mashoot to ngayon kundi PATAY.

Nasa akin yung bola, nilabas ko to 3 points.

Tsk, di ako makagalaw, sobrang higpit magbantay ni Panget 4.

Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon