Chapter 1 : Bruken ??
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
Ghara's POV
"Huhuhu Prenship di ko na keri . Ilang beses ko na syang pinagbigyan pero paulit ulit nya kong sinasaktan T.T kotang kota na ko sa panloloko nya hinayupak sya huhuhu T.T prenship ano nang gagawin ko (╥_╥)" sabi nang bestfriend ko habang ngumangawa sa tabi ko .
Inakbayan ko sya at tinapik tapik pa ang balikat nya "Alam mo kase prenship . Tatanga tanga ka lang kase talaga " tinignan nya ko nang masama "totoo naman kase . Dalawang beses ka nang niloko abe pinangatluhan mo pa ! Oh diba tanga-tangahan lang ang peg naten" dire diretso kong sabi sa kanya
Pinunasan nya ang luha pati uhog nyang humalo na sa luha nya . Yayks ! Ang kadiri naman nitong bestfriend ko
"Bwisit ka talaga . Bestfriend ba talaga kita ?? Imbis na pagaanin mo loob ko , pinasasama mo pa . Bruken ako prenship , Bruken . Kailangan ko ng dadamay saken . Hindi manenermon" inis na sabi nya . Sige lang , emphasize the word Bruken -_- . If I know nasapul ko lang sya .
"Unang una , Oo bestfriend mo ko . Pangalawa , Prenship naman , Broken un hindi Bruken , B-R-O-K-E-N Broken . intiendes ?? And last but not the least . Hindi kita sinesermunan prenship . Gusto lang kitang gisingin jan sa katangahan 101 mo . Alam mo prenship , hindi na pagmamahal yang nararamdaman mo eh ! Nasanay ka lang na nilalandi landi ka nya at nag eeport eport kuno sya , eh ikaw naman na isa ring malandi prenship" napatingin ako sa kanya . Ang loka , ang sama naman tumingin nito . Tusukin ko mata nya eh >__< "Just telling the truth prenship . Eto na nga , dahil nga sa isa karing malandi , bumigay ka naman at nadala sa mga pangako chenes ng haliparot na lalaki na yan . Kaya ayan hinanap hanap mo na . Ayan ang ending , tulo uhog ka ngayon" mahabang paliwanag ko sa kanya . Kahit naman ganyan yang babaeng yan mahal ko yan at ayaw kong nagmumukhang tanga yan .
"Ang sakit mo naman magsalita prenship (p′︵‵。) *sniff* Alam ko naman na medyo may pagkamaharot lang talaga ko eh--"
"Malandi ka talaga prenship" putol ko sa kanya na tatango tango pa
"Letche oo na . Pero prenship minahal ko naman talaga siya eh . Kaya lang mas malandi pa sa ata linta yung lalaking yun at hindi pa nakontento sa dyosang katulad ko at pumatol sa oranggutan (╥_╥)" nanggagalaiting sabi niya ng hindi parin tumitigil sa pag iyak . Hay kawawa naman ang bestfriend ko .
Niyakap ko sya at sinabing "Tahan na prenship . Everythings gonna be alright" wag ka . Pakanta pa yan :)
"Hindi prenship eh . Ang sakit sakit lang kase . Sa sobrang sakit naninikip na ang dibdib ko huhuhu" iyak sya ng iyak tas may pahawak hawak at pahampas hampas pa sa dibdib nyang flat tops .
"Prenship . Pano naman sisikip yan eh wala ka namang dibdib . Pwede ba wag ako , iba nalang " seryoso kong sabi sa kanya .
"Ouchie ah . Pasambunot nga ng isa" aakma na sana sya na sasambunutan ako
"Subukan mo lang prenship . Hindi na uhog ang tutulo jan sa ilong mo , dugo na . Try me" nakangisi kong sabi sa kanya
"Eto naman di mabiro . Pwede magjoke prenship *singhot* Tara na nga . Nilalamok na ko dito sa park " aya nya saken
"Buti naman at naisip mo yan .. kotang kota na yung hita ko sa mga lamok na nainlab na ata sa makinis kong balat" sabi ko at umarteng kamot ng kamot sa hita ko . Actually hindi pala ko umaarte , totoong makati sya huhuhu my smooth skin rough na (ಥ_ಥ)
"Pero salamat prenship ah . Kahit sobra ka manlait at wala kang sinasanto anjan ka parin para makinig sa mga kadramahan ko sa buhay" nakangiting sabi nya sabay kapit sa braso ko . Naglalakad na kame pauwi . Pero 'bat ang lagkit ata nang kamay nya ?? Shems O.O
"Yayks ka naman prenship . May sipon pa ata yang kamay , tas ikinapit mo na saken . Kadiri naman oh" nandidiri kong tinanggal ang pagkakapit nya sa braso ko
"Letche ka ! Hindi sipon yun . Lotion yun . Naglagkit lang kase namasa ako" paliwanag nya sabay kapit ulit sa braso ko . Hindi ko na tinanggal . Huhugasan ko nalang mamaya
"Ah K."
"Pero seryoso na . Salamat talaga ah . Kahit na ganyan ka tas ganito ko , maganda . Hindi mo ko iniiwan . I love you na talaga prenship" ngiting ngiting sabi nya sabay kiss pa sa pisngi ko
"Unang sa lahat prenship , walang anuman ha . Pangalawa san ang ganda mo ?? Pakihanap Labyu at pangatlo letche yung uhog mo nadikit na sa pisngi ko . Kadiri ka talaga" bigla kong pinunusan yung Pisngi ko . Mamasa masa pa talaga
"Ang hard mo talaga saken prenship *pout* if I know pinapasaya mo lang ako kaya ganyan ka" -Sya
"Lubayan mo ko sa kakapout mo na yan prenship . Di bagay . Nagmumukha kang susong palipit jan . Pero seryoso na , wala yun prenship . Tayo tayo na nga lang ang magaganda dito , mag iiwanan pa ba tayo ?? sabi nga nila 'tell me who your friends are and I tell you who you are' eh pag nalaman nilang tanga sa pag ibig yung kaibigan ko . Ade Ganun na din ako . No way noh kaya nga ginigising na kita" medyo mataray kong sabi sa kanya . Medyo lang naman . Judgemental naman neto -_-
"Hahaha baliw ka talaga . Tenkyu talaga prenship :))" masayang sabi nya . Buti naman at nakakatawa na sya .
"Isa pang tenkyu prenship , may bayad na" sabi ko sabay irap sa kanya
"Grabe to . Sige na prenship babay na . Labyu mwah" paalam nya sabay kiss sa pisngi at yakap ng mahigpit saken . Adito na pala kame -_- . Pero Napaka clingy talaga nang lukaret na 'to >__<
"Oo na . Goodnight . Ingat ka baka malusot ka pa sa kanal .. tatanga tanga ka pa naman" nakangising Sabi ko sa kanya
"Letche ka ! Goodnight ! Bangungutin ka sana" sya sabay takbo "a-aray" sya yan
"Oh sabi ko ingat eh . Pinairal nanaman ang katangahan 101 . Gamitin ang mata prenship paminsan minsan ha ! Nashoot ka tuloy sa kanal . Ambaho prenship , uwi kana Shoo ! Babay " sabi ko pagkatapos ko syang tulungan eh sumibat na ko
Dumiretso na ko sa bahay namen . Naghilamos , naghugas nang anes ko , nagtoothbrush , hinilod yung braso kong may sipon nya , nagpalit at humiga na sa higaan ko .. teka nga may nakalimutan ba ko ??
Isip …
Isip …
Isip …
Oh ow . Hindi pa pala ko nakakapagpakilala senyo. *hikab* Bukas nalang . Antok na ko eh . Night --_____--Zzzzz
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
Oh kamusta ?? Sorry short update ah . Next time hahabaan ko na . Dadagdagan ko nang mga 50 words . Hahaha Charot lang :))
Ganda ko talaga ^____^v
-Ghara