Chapter 61 - I'm worried,Where are you?

17 2 0
                                    

04/30/16

--------

Wala sina Danica sa Cafeteria kaya minadali ko silang hinanap.Unang kong pinuntahan yong puwesto ng booth nila pero wala siya doon.Binalewala ko yong tingin at sinasabi ng ibang tao sa akin.

Ang gusto ko lang ngayon ay mahanap ko si Danica.Wala akong pakialam kong anong sabihin ng ibang taong,gusto ko lang magpaliwanag kay Danica at ipaalam na kasinungalingan lang ang kumakalat na tsismis.

Lakad takbo ang ginawa ko upang mabilis na marating ang Music Room.Hiningal ako nong makarating ako doon.

"Asan si Danica?"Tanong ko kay CM na mag-isang nakaupo doon.

"Bumalik na sila sa booth nila"

"Wag mo akong lokohin CM,alam kong alam mo kung nasaan si Danica"

Nagiwas siya ng tingin sa akin.

"Hinahanap ko si Lei,nakita ka ba niya?"Hindi ko siya sinagot at tinanong ko uli siya pero hindi din niya ako sinagot.

"Kung ayaw mong sabihin akong maghahanap sa kanya" Tinalikuran ko siya at naglakad palabas.

"Sandali Krystel.Wag kang umalis.A-ano kasi,nag-away si Danica at Zowin"Napanghilamos ko nalang yong kamay ko sa mukha ko.

"Saan siya pumunta?Mas makabubuti siguro kong wag mo muna siyang hanapin"

"CM magpapaliwanag pa ako sa kanya"

Bumukas ang pinto at pumasok si Danica.Nagkatitigan kami saglit at agad din niyang binawi ang titig niya.

"Danica"

"Wag ka munang bumalik sa kagroupmates mo.Dito ka muna"

"About doon sa picture"

"Alam ko,hindi naman yon totoo.Besides I trust you."

"Hindi ka galit sa akin?"

"Bakit naman ako magagalit?"

"Eh baka kasi isipin mong linalandi ko si Zowin" Hinampas niya ako sa ulo.

"Baliw,bakit ko naman iisipin yon eh alam ko naman na si Lei lang ang linalaman ng puso mo"Napaiwas ako ng tingin dahil napangiti ako sa sinabi niya.

"Tingnan mo ngumingiti ka na ngayon"

"Hindi ah!Eh bakit kayo nagaway ni Zowin?"

"Palagi naman ah.Nakakainis lang kasi ayaw niya akong isama"

"Saan sila pumunta?"nagkatininan sila ni Cm

"Ah Eh--nagpraktis sila sa ibang School?" CM

"Ah oo sa ibang School sila nagpraktis hehe.Andoon kasi si Crush kaya ayaw akong isama."

Kahit papaano,nasiyahan ako na hindi nagalit sa akin si Danica.She trust me at masaya na ako doon.

Ngayon ang problema nalang ay ang tsismis tungkol sa amin ni Lei na nakatira sa iisang bahay.Hindi ko sila masisisi kung ano ang iisipin nila tungkol doon.Kahit siguro ayaw nila kamibg pagtsismisan,pero hi di maiaalis sa isipan nila na isang dalaga at binata ang nakatira sa iisang bubong.Idagdag mo pa yong wala kaming ibang kasama o mas nakatatanda man lang na nagbabantay sa amin.

Sa ganoong sitwasyon,hindi talaga mapipigilan ang masabihan o maisipan ng masama.

Sa kabilang banda,minabuti ng dalawa na huwag akong lumabas ng music Room.Wala na din naman akong balak na bumalik sa mga kagroupmates ko kaya nagstay nalang ako dito sa music Room.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon