Chapter 2 - We Can't Stop

33 1 0
                                    

Magdadalawang oras na din kaming naglalakad at nagtatago sa takot na makaencounter kami ng katulad ng batang babae. May mga mangilan-ngilang tao kaming nakikita ngunit hindi kami lumalapit o nakikipag-usap.

Sa malayo ay nakarinig kami ng sigaw ng babae. Agad naman kaming nagtago at sinubukang tignan kung ano ang nangyayari sa babae.

Tumindig ang mga balahibo ko nang makita ko ang nangyayari sa babae. May dalawang lalaking nakapatong dito at kinakain ang laman nito. Patuloy ang pagsigaw ng babae samantalang patuloy naman ang pagkagat ng dalawang lalaki sa katawan nito. Kahit sa malayo ay nakikita ko ang pagtalsik ng dugo ng babae.

Muling kumagat ang lalaki sa tiyan ng babae and this time the screaming stopped. Bumagsak ang mga kamay niya sa kalsada na kanina'y gumagalaw pa sa pagsubok na itulak papalayo ang mga lalaking kumakagat sa kaniya.

Tumayo ang dalawang lalaki at naglakad na para bang walang nangyari. Mula sa mga bibig nito ay tumutulo ang sariwang dugo habang nginunguya ang laman ng babae.

Napaupo si Laurel sa likod ng halamang pinagtataguan namin. "What the hell?"

"Where are the police? Wala ba silang ginagawa? And what are those?" sunod sunod na tanong ni Horus na nanatiling hawak hawak ang mga baseball batt.

"Ma-maybe they are just sick or something." Hindi naman mapakali si Laurel. "We're not really safe anywhere."

Tumingin ulit ako sa babae. Laking gulat ko ng makita kong wala na ito sa kung nasaan siya kanina. Tumayo ako at lumabas sa mga halamang aming pinagtataguan.

Narinig ko ang mahinang boses ni Laurel "Frey, what are you doing? Come back here."

Hindi ko pinansin si Laurel at patuloy akong naglakad papunta sa gitna ng kalsada kung saan ko nakita ang babae. Nang makalapit ako ay nakumpirma kong wala na ang babae. Tanging dugo ang naiwang bakas na makapagsasabing may nangyari dito.

"Impossible" nasabi ko sa sarili ko.

Lumapit na din sila Laurel at Horus at hinarap ako ni Laurel. "Are you crazy?!"

Itinuro ko ang kalsadang may dugo. Lumingon si Laurel at napa-atras siya. "Where did she go?"

Lumapit si Horus sa amin. "The . . there's a dead body there, right?"

Patay na siya. Hindi na siya gumagalaw. Saan siya pumunta? Saan siya napunta?

Tumindig ang mga balahibo ko ng makarinig kami ng isang napakalakas na ungol. Hindi pangkaraniwang ungol na aakalain mong magmumula sa aso o sa kung anumang hayop.

"Ang ungol. . " nanginginig na nagsalita ni Horus. "ka . . katulad ng sa ba-batang babae."

Bumalik sa isipan ko ang mukha ng batang babae. Ang mga mata nito. Ang mga kilos at ungol nito habang nagpupumiglas sa hawak ko.

Nakarinig ulit kami ng isa pang ungol. Mas malapit at mas malakas. Wala nang nagsalita sa amin at sabay sabay kaming tumakbo.

We heard again another growl. But this time it's coming from more than one. Papasok sana kami sa isang bahay upang magtago pero napahinto kami. Tumambad sa amin ang babaeng sumisigaw kanina. Ang babaeng kinain ang laman ng hindi ko alam kung anong klaseng nilalang. Warak ang tiyan nito at katulad sa bata, wala na ang itim sa dalawa nitong mata.

Gulat na gulat si Laurel nang makita niya ang babae. "Pa-patay na siya diba?"

Tumulo ang dugo sa puting pantalon na suot ng babae. She growled at us like she's going to attack anytime. I tried to talk to her.

Dahan dahan akong nagsalita. "Mam, please stay calm. We're not going to harm you. You are bleeding, you need help."

Umungol lang ulit ito sa amin. Walang epekto ang pakikipag-usap ko. Nagsimulang itong maglakad papunta sa amin. Nakabukas ang bibig na parang gustong gusto kaming kainin.

Undead PlagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon