"Daddy bakit ang tagal tagal nyo naiinip na nga po ako eh at saka ba't may pasa kayo sa gilid nang labi nyo?" Nagtatakang tanong ni Baby Percy sa akin.
Nang makasakay na ito nang kotse.
"Ah ito ba?" Natatawang turo ko sa pasa ko. "Sinuntok ako nang isang magandang pusa"
Kumunot ang noo nito at naningkit ang mga mata na tila di naniniwala sa alibi ko.
"As in the cat gave you a kitty punch po ba?" Tanong ulit nito.
Habang si Themarie naman ay namumulang nagyuko nang ulo.
"Yes anak" nangingiting sagot ko dito habang ang mga mata ko ay nakatutok sa kalsada.
Naalala ko na naman ang nangyari kani kanina lang....
Nang mahiklat ko na ang mga butones nang suot na blusa ni Themarie ay akma ko na sanang huhubarin dito ang sira sira nyang blusa nang walang anu ano'y umigkas ang kamao nito papunta sa mukha ko sa pagkagulat ko.
"What the hell Themarie masakit yun ah!" Angal ko habang sapo sapo ang bahagi nang pisngi ko na sinuntok nito.
Namumutla na tinulak ako nito papalayo at saka nagsumiksik sa malapit na pintuan nang sasakyan.
"I--I..." binasa nito ang labi nito gamit ang pagdila nang dila nito sa labi nito saka naiiyak na tumingin sa akin.
Nakaka dagdag tuloy ang ginawa nya na yun para uminit lalo ang damdamin ko na sabik na sabik nang muling madama ang katawan ni Themarie.
Damn limang taon na akong tigang ah!
"Themarie ano ba ba't ayaw mo na magsalita" naiinis na muling napasabunot ako nang buhok ko nang ilang sandali na ang nakakalipas ay di pa din ito nagsasalita.
Tila nahintakutan naman ito sa pagsigaw ko at bahagya ulit na napalayo sa akin.
"Ikaw ba t--talaga ang A--asawa ko?" anas nito sa akin.
Kumunot ang noo ko at nagtaka sa sinabi nito.
"Themarie ano ba yang pinagsasasabi mo?" Nagtatakang tanong ko dito.
"Just answer me please!" anito.
Napapikit ako at huminga nang malalim para di ako lalong mainis dahil umaarte pa din ito na walang alam, na parang di nya ako kilala talaga.
"Yes Themarie" sagot ko na nagpasinghap dito.
Natakpan pa nito nang kamay ang bibig nito pagkatapos ay dahan dahan na lumapit ito sa akin.
At nang magkalapit na kami ay tila maiiyak ito na hinaplos nang dalawang kamay ang mukha ko.
"T---themarie---" tinangka ko na lumayo dito pero maagap na hinawakan nito ang mukha ko.
"P--please Sir----I mean Jasper let me feel your skin, let me hear your heartbeat" bumaba ang mukha nito sa dibdib ko at tumapat sa mismong puso ko.
"Let me aware of your presense" nakapikit na dagdag pa nito.Wala na akong nagawa kundi hayaan sya at ikinulong ko pa nang dalawang bisig ko ang katawan nito.
Sinamyo ko ang pamilyar na bango nang buhok nya.
Dinawa ko ang Init nang katawan nya.
Ninanamnam ko ang mga sandali na ito na nakakulong sya sa mga bisig ko.
Saka sulitin lahat nang pagtitiis, pangungulila, pananabik na muli sana ay makita at bumalik na ulit si Themarie sa piling namin ni Baby Percy.Nanatili kaming magkayakap nang mga ilang minuto ni Themarie bago ako biglang tinulak nito at saka kinuha ang paper bag na dala dala nya at mula doon ay kumuha ito nang Pulang T shirt at saka namumulang muling tumingin sa akin.
"P--pwede bang tumalikod ka muna magbibihis lamang ako nang damit" kiming pakiusap nito sa akin.
Nanlaki bigla ang mga mata ko sa pagkagulat sa pakiusap nya.
"What the hell! are you shy? Themarie mag asawa tayo!" Di makapaniwalang bulalas ko dito.
Namula lalo ang magkabilang pisngi nito.
"Please J--jasper" nakayuko nang pakiusap nito sa akin.
"'Kay fine tatalikod na ako" may pagsukong sabi ko dito saka tumalikod na dito.
Naramdaman ko na lamang ang nagmamadaling paggalaw nya mula sa likod ko.
Naiinis pa ako kasi gusto ko na makita ang walang saplot na katawan nito.
Mangyayari na sana yun eh!
Nasuntok lang ako nito tapos lumayo pa kakabitin tuloy!Di bale makaka score din ako dito sa Asawa ko alam ko naman na di nya ako matitiis eh....
"T---tapos na ako J---jasper sunduin na natin si Baby Percy" untag ni Themarie mula sa likuran ko.
Kaya naman agad na humarap ako dito at saka pinagmasdan ulit ito.
Mukha yatang masikip ang T shirt na suot nya halata ang malaki nyang hinaharap eh,
Sarap umunan tuloy."J---jasper?" muling untag nito sa akin.
"Huh?"
"A--ang sabi ko tena at sunduin na natin si Baby Percy baka naiinip na yun eh" ulit nito sa sinabi nito kanina.
Wala na tuloy akong nagawa kundi sumunod dito at sinundo na tuloy namin si Kulit.
"Daddy mapipilas na mukha mo kakangisi sayang naman yan mukha nyo po nagmana pa naman sa kagwapuhan ko" umiikot ang mga mata na sita ni Baby Percy.
Napatawa nang mahina si Themarie dito.
Napailing na lang ako at tinuon ang mga mata sa kalsada.