HCHM 38

5.2K 103 6
                                    

~~~

FRIDAY! Ang ganda ng gising ni Twinkle. Alam niyo kung bakit? Kinikilig pa din kasi ako hanggang ngayon kahit dalawang araw na ang nakalipas nang sabihin sa akin ni Pula yung mga salitang binitawan niya. 

"I am beginning to like you." 

Those words! Pinasaya talaga ako niyong mga salitang yun. As in, di nga? Gusto niya talaga ako? What I mean is, nagugustuhan na niya ako? Pero, bakit naman kaya? Kyaaa! Kinikilig talaga ako! Sasabihin ko kaya yun kay Shine kapag nasa school na ako? 

Ay, wag na muna pala! Sasabihin ko na lang kapag sigurado na si Pula na gusto niya ako. Kasi, nagsisimula pa lang daw naman 'di ba? 

Nang matapos akong magbihis ng susuotin ko sa school, freestyle naman kasi ngayon, eh. Kaya nag-dress na lang ako. Obvious naman 'di ba? I love dresses. Lalo na at pastel color yun. Nang matapos ako, lumabas na ako ng kuwarto. 

Nabungaran ko pa si Tita Lea sa labas ng kuwarto ko. Ngumiti pa siya sa akin, kaya ngumiti din ako sa kanya. 

"Goodmorning, Twinkle!" Lumapit siya sa akin at pinisil bigla ang pisngi ko. "Gosh, ang cute mo talaga kahit kailan. Hilig mo sa dresses 'no? Hmm, bagay naman sa'yo. Kumain ka na sa ibaba ha? Nagmamadali kasi ako, e. Gisingin mo na pati ang boss mo. 5am na kasi nakauwi yun kanina. Sige, una na ako!" Humalik siya sa pisngi ko at dali-dali na siyang umalis. 

Halata naman na nagmamadali siya, eh. Nagtatakbo kasi si Tita paibaba. Hahaha! Ang cute ng mommy ni Pula ano? 

Pero, si Pula? 5am na nakauwi? Saan naman nanggaling ang lalaking yun? Napakamot ako ng ulo ko. Pumunta na lang muna ako sa kuwarto ni Pula. Mamaya na lang ako kakain. Maaga pa naman.

Hindi na ako kumatok. Tuloy-tuloy na lang ako sa pagpasok. Sus! Sanay na naman ako, eh. Naabutan ko pang nakahiga si Pula sa kama niya. Nakadapa pa ito. Shocks! Kahit messy look siya, ang guwapo pa rin niya. Naka-boxer lang siya habang ang kumot niya ay nakabalot lang sa kanyang paa-han. 

Dahan-dahan akong lumapit at naupo sa tabi ng kama niya. Sinilip ko siya. Napangiti ako nang makita ko ang mala-anghel na mukha ng amo ko. Yes! Mukha siyang anghel kapag tulog. Pero pag gising na siya, daig pa niya ang may dalaw. HAHAHAHAHA! 

Kinalabit ko siya. Nag-ungol lang siya. Napahagikgik ako. Gawwwd! Ang cute lang talaga ng amo ko! Hayy! Maging boyfriend ko sana siya! Joke! 

"I am beginning to like you." 

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko nang maalala ko na naman yun. Totoo kaya ang sinabi niya? Na, nagugustuhan na niya ako? O aasa na naman ako? Ah basta! Hindi ko na muna iisipin yun! Susubaybayan ko na lang muna kung totoo nga ang sinasabi niya. Trip din kasi niya ako asarin, e. Kaya baka, inaasar lang niya talaga ako. Ah ewan ko! Paksheyt. 

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Bakit ko ba iisipin pa yun? Tumingin na lang muli ako sa amo ko na hanggang ngayon ay tulog pa din. Kinalabit ko uli siya. Nagmulat siya ng mata pero pumikit uli. Tanga kasi! 5am daw ba naman umuwi?! 

"Hoy, Pula! Gumising ka na! May pasok tayo!" Nilakasan ko talaga ng boses ko. 

Mukhang nagulat siya dahil bumalikwas siya ng bangon. Kumunot ang noo niya nang makita niya akong nakaupo sa kama niya. Ngumiti ako sa kanya pero nananatiling nakatingin lang siya sa akin. 

"What are you doing here?" 

Seriously?! Ni hindi ko man lang naamoy na mabaho ang hininga niya. Mas lalo lang ako naiinlove sa amo kong 'to e. 

"Ahmm, ginising ka siguro? Hindi ba halata?" 

"Why?" 

"Kasi, may pasok?" Medyo patanong na sagot ko sa kanya. 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon