The Second Chance [One-Shot Story]

1K 29 11
                                    

The Second Chance

"Bestie!"

"Ay anak ng tipaklong! Ano ba Cha?! Nakakagulat ka naman eh!" Hinahabol pa ni Cha ang hininga niya nang makarating siya sa kinalulugaran ko. Busy-ing busy kasi ako dun sa binabasa ko kaya nagulat ako nang mapasigaw siya.

"E kasi naman, kanina ka pa tinitignan nung cute na 'yun oh!" Ngumuso siya sa may bandang sulok. Doon sa table malapit sa counter. Nasa coffee shop kasi kami ngayon. Makikipag-eyeball. Oo tama ang nabasa niyo. Uso pa rin yan ngayon. Nakipagtextmate kasi 'tong napakagaling kong bestfriend at gusto niya ako ang makipagmeet. Oo AKO. Magkukunwari daw akong siya. Kamusta naman 'yun? Tss!

"Bestie, hindi kaya siya 'yung textmate ko? Ayiee! Kinakabahan ako!" Hawak-hawak pa niya kuno 'yung dibdib niya, kunwari ninenerbiyos.

"Teka nga! Di ba dapat ako ang kabahan dahil ako ang makikipagmeet diyan sa textmate mong hilaw?!" Matagal nang magkatext sina Cha at 'yung ano nga ba pangalan nun? Alex ata. O basta! Mga tatlong buwan na rin siguro. At gustong-gusto siya ni Cha pero nahihiya siyang makipagmeet dito dahil nahihiya daw siya sa hitsura niya.

"Huwag ka na ngang ngumuso diyan! Maganda ka naman! Tsaka isa pa, sabi mo naman mabait 'yung Alex na 'yun sa'yo di ba? Ke maganda ka o hindi, tatanggapin ka nun!" Ewan ko ba anong problema neto. E ang ganda-ganda naman ni Cha. Tinignan ko siya at ngumunguso pa din siya.

"Sabihin mo nga sa'kin 'yung totoo. Alam kong may tinatago ka." Hindi makatingin si Cha sa'kin.

"'E kasi.." Nakatingin lang siya sa mga daliri niya habang nilalaro niya ang kanyang mga kuko.

"Tss!" Akmang tatayo na ako nang hinawakan niya ang kamay ko.

"Nagpakilala akong ikaw. Gusto ko na kasing magkalovelife ka. Itong meet-up na 'to, para sa'yo talaga ito."

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi naman sa nabigla ako pero..hay! Oo na. Mula kasi nung iwan niya ako, wala na akong social life, si Cha na lang lagi ang kasama ko. At kahit lagi ko siyang kasama, parang malayo din kami sa isa't-isa kasi hindi naman ako nagkukwento sa kanya. Naging tahimik ako, hindi na ako nagging vocal sa mga nararamdaman ko.

Nag-iba ang lahat nang iwan niya ako. Ang dating masayahing Lyca, wala na. Ang dating kalog na Lyca, wala na. Ang dating stress-free at go-with-the-flow na Lyca, wala na. Matagal ko na siyang binaon kasama ng alaala niya.

Hirap na rin akong magtiwala sa iba kaya wala na din akong naging ibang kaibigan kundi si Cha na lang. Nawalan na din ako ng oras kasi pinilit kong igugol lahat ng iyon sa pag-aaral. Hindi ko hinayaan magkaroon pa siya ng espasyo sa utak ko. Tama na 'yung nasaktan niya ako, tama na 'yung pag-iwan niya sa akin dala-dala 'yung puso't kalulwa ko. Tama na.

"Psh! Ano ka ba?! Hindi ko kelangan ng lovelife na 'yan!" Naiinis na talaga kasi ako.

"Bestie naman e! Sige na kasi.. Ngayon lang oh. Andito na tayo e. Puhlease?" Nagkakamot siya ng ulo. Nagpa-puppy eyes pa siya. Psh!

"Bahala ka. Ngayon lang Cha! Ngayon lang!" Pumayag na din ako. Ano pa bang magagawa ko e andito na nga kami 'e.

"Yes! I love you na talaga bestie! O basta ayusin mo ha! Magpolbo ka naman o! Eto oh! Saka lipgloss na din. Dali na habang wala pa si Alex!" Hinila pa niya ako sa cr. Tss!

"Sandali lang Cha ano ba? Pwede na 'to." Kinalas ko 'yung kamay ko na hawak-hawak niya. "Bumalik na tayo dun, tara na. Kundi aalis na ako!" Pagbabanta ko pa sa kanya.

"Ayie! Sige na nga." Bumalik kami sa kinauupuan namin. Lumipas ang ilan pang minuto.

"Ang tagal ah! Kanina pa tayo andito." Angal ko kay Cha. Ano ba naman 'yun, pinag-aantay ang babae. Hindi ako sinagot ni Cha. Tumitingin-tingin lang siya sa entrance.

The Second Chance [One-Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon