Rocco- Part 4

3.6K 87 9
                                    

CHAPTER 4

PADABOG na isinara ni Rocco ang cardoor matapos lumulan sa sasakyan. At kung kanina'y kaba lang ang nadarama ni Shane, ngayo'y nahihintakutan na siya sa inaasta nito.

"Rocco..."

"Please, Shane. Huwag ka munang magsalita." awat nito sa kanya at pinaandar na ang sasakyan.

Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila na di niya natiis na di magsalita.

"Binigla mo naman kasi ako kanina. Hindi ko naman akalain na mag-aaudition ako sa sa recording company ni Ferroh. You told me I'll just gonna sing your song and─"

"And you ruined everything. Ipinarinig ko sayo ang ginawa kong kanta. Sabi mo kaya mong kantahin. And you did, infront of me. Pero anong nangyari sayo kanina matapos nating humarap kay Ferroh? Kung alam ko lang na ipapahiya mo ako sa kanila, hindi na sana ako nag-abalang dalhin ka doon. Ipinagmayabang ko pa namang magaling ka." Sa nahahapong paraan ay sermon nito sa kanya."Kahit gustong-gusto na kitang ilayo sa mga mata ng lalaking iyon, hindi ko ginawa dahil iniisip kong huwag pakawalan ang chance mo na ito."

"I-I am sorry."

"You're sorry. Yeah! It did." he said sarcastically.

"Pwede tayong bumalik sa isang araw, kapag handa na ako."

Iritadong sinulyapan siya nito at saka muling ibinalik ang atensiyon sa daan. "Huwag nalang at baka mapahiya na naman tayo sa susunod. Malamang na kantiyawan lang ako ni Ferroh sa ginawa mong ito."

Hindi nalang siya nagsalita. Alam niyang yamot na yamot ito sa ginawa niya. Kaninang nakasalang na siya ay nablangko siya sa sobrang kaba kung kaya't hindi nagawang kumanta. Nang maglabas naman siya ng tinig ay nagkabuhol-buhol ang kanyang dila.

"I am sorry." Nagulat siya ng marinig iyon mula kay Rocco. "Gusto ko lang namang ilagay sa ayos ang buhay mo. Hindi ko alam kung bakit ka biglang bumalik sa Pilipinas at ako ang naisipan mong guluhin."

Oo nga? Bakit ba niya ito ginugulo at dinadamay sa pagrerebelde niya? Maybe because her heart missed him so much. At ito ang perfect timing upang malapitan niya ito ng hindi siya itataboy.

Yes, she missed him so much that he never left a big place in her heart. Kahit nasa malayo siya, ito pa rin ang laman ng puso niya.

"Pero kahit naman wala akong alam sa pakay mo, hindi ibigsabihin noon ay hindi na kita pakikialaman. Responsibilidad na din kita dahil nasa poder kita. One of these days ay kokontakin ko ang parents mo para ipaalam na nandito ka."

"No!" mariing tutol niya. Ano nalang ang mangyayari kapag ginawa nito iyon? Di nga ba't kaya siya umalis ay para alamin kung mahalaga pa siya sa mga magulang? Kung kokontakin ni Rocco ang mga magulang niya, mababalewala ang effort niya. Hindi na niya mapapatunayan ang nais niyang mapatunayan. "Kung gagawin mo iyan, aalis nalang ako sa poder mo."

Basta nalang lumabas sa bibig niya ang mga salitang iyon nang hindi napag-iisipan. Saan naman siya pupunta kung sakali? Wala naman siyang close college friends na pwedeng kontakin sa bansa. Kung tutuusin ay kinapalan lang talaga niya ang mukha upang lapitan si Rocco. At paano na ang pakay niya sa binata, which was sort of matters of the heart? Mapuputol agad ang pakikipaglapit niya dito.

"At saan ka naman tutuloy kung sakali? You don't have enough money to live in your own." nang-aarok na tanong nito.

"Bahala na. Siguro tatanggapin ko nalang ang suggestion ni Ferroh na mag-commercial model ng skin soap sa company ng kaibigan niya." desperadang tugon niya. May pakiramdam siyang bibitiwan na nga siya ni Rocco.

"You won't do that!" nanggigigil na tugon nito. "Hindi mo ba alam na halos paghuhubadin ka sa commercial na iyon?"

Nanginig siyang bigla sa narinig, pero hindi niya iyon ipinahalata rito. Nahimigan niyang nag-aalala si Rocco. At kailangan niya iyong gamitin laban dito. His emotions versus himself.

PARADISE VIEW SERIES (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon