Rocco-Part 7

3K 71 8
                                    

CHAPTER 7

"SSSHH... Don't cry sweety." pag-alo ni Ferroh sa kanya.

Hindi na namalayan ni Shane na umiiyak na pala siya. Pakiramdam niya'y binagyo ang utak niya sa mga sinabi nito.

"Kaya nga ba ayokong sabihin sayo. I hate to see you crying."

Hinayaan nalang niyang yakapin siya ni Ferroh. Parang wala siyang lakas na sawayin ito ng mga sandaling iyon. Nakapagtataka na iba angpakiramdam ng yakap nito sa yakap ni Rocco. Ngayon niya lang napag-alaman na nagpo-produce pala ng magkakaibang damdamin ang simpleng yakap sa iba't-ibang tao. Pero kung siya ang tatanungin, mas masarap sa kanyang pakiramdam ang yakap ni Rocco, mas komportable.

"Thank you for comforting me." kiming saad niya matapos kumalas sa yakap nito.

"It's nothing. I care for you. Not just because you're one of my talents but... well I just have this instinct to care and protect you."

Kung hindi lamang siya sobrang nalulunod ng kung anu-anong emosyon ay mapapansin niya ang mapanganib na pagngisi nito.

"If you decided to move, just give me a call. Madami akong alam na magagandang unit. Pwede akong makipag-negotiate para sayo."

"Salamat. Ang bait mo naman."

"Wala yun. Masarap sa pakiramdam ang nakakatulong. Anyway, hindi mo ba nami-miss ang night life? Baka gusto mong sumama sa amin nina Jigo, mag-bar hopping tayo."

Hindi niya rin iyon napansin. Sa tinagal-tagal niya sa poder ni Rocco na halos magdadalawang buwan na, hindi niya minsan man na-miss ang paglabas-labas. Trabaho-bahay lamang ang ruta niya. Wala na siyang night life. Samantalang nung nasa New York siya, college pa lamang ay tambayan na niya at ng mga kaibigan niya ang mga bar. Bagaman di siya pakawalang tulad ng iba na kahit sa public couch sa loob ng bar ay nagse-sex.

Ngayo'y hindi na niya hinahanap ang dating gawi ng pakiki-party. Kontento na siya basta kasama si Rocco.

"Susunduin kasi ako ni Rocco mamaya." tanggi niya.

"I don't think if he can make it. Ang alam ko, yayayain siya ni Charsey na mag-dinner sa labas. Nami-miss na daw ni Charsey ang boyfriend niya. At nagseselos na iyon sayo dahil ikaw ang laging kasama ni Rocco."

Pumasok na naman sa isip niya ang huling eksena kanina.

'Susunduin mo naman ako, di ba?'

'I'm not sure. But I'll try. Mukha kasing may emergency sa office.'

Bakit kailangan pa nitong magsinungaling? Bakit hindi nalang nito sinabi sa kanya ang totoo? Na may date ito at si Charsey? He's too considerate about her feelings. Mas maigi pang naginginconsiderate nalang ito. Mas madali niyang mao-overcome ang sakit kung sa bibig nito nagmula. Hindi tulad ngayon na parang walang tigil na sinasaksak ang puso niya.

"All right. Sasama ako."

ALAS ONSE Y MEDIA na ng gabi pero hindi pa din umuuwi si Shane at nag-aalala nang talaga si Rocco. Sinubukan pa din naman niyang sunduin sa rehearsal ang dalaga kahit medyo na-late siya. May biglaan siyang appointment kanina para sa million dollar account na tinatarget ng kompanya nila at kinailangan siya ni Charsey para sa presentation.

Twenty minutes lang naman siyang late sa pagsundo kay Shane pero wala na ito doon nang dumating siya. Dati rati naman, hinihintay siya nito kahit abutin siya ng kalahating oras na late. Dumiretso na siya sa bahay sa pag-aalalang nakauwi na si Shane, subalit wala ito roon. Kinokontak niya ang cellphone nito, pero hindi naman sinasagot. Nag-aalala na siya na baka kung ano ng nangyayari dito. Naisip niyang kontakin si Jigo na isa ring singer ng M-Records. Maski kasi si Ferroh ay hindi sumasagot sa phonecalls niya. Nakahinga siya ng maluwag ng madaling sinagot ni Jigo ang tawag niya. Maingay ang background, malamang na nasa bar ito.

PARADISE VIEW SERIES (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon