Rocco-Part8

3K 61 5
                                    

CHAPTER 8

ISANG BUWAN na ang lumipas magmula ng umalis si Shane sa poder ni Rocco. Isang buwan na magmula ng malaman niya ang totoo niyang pagkatao, at isang buwan nalang magmula ngayon, idadaos na ang first concert niya. Nagbagong bigla ang takbo ng kanyang buhay. Madaming project ang hindi niya natanggihan dahil kontrolado ni Ferroh ang takbo ng pakikipag-usap sa mga nag-ooffer ng proyekto. Napipilitan nalang siyang pumirma ng kontrata dahil nalalaman nalang niyang naka-oo na si Ferroh.

'I'll make you shine bright.' naalala niyang sabi nito.

Ayaw naman niyang tumanggi at ipahiya ang binata. Nagawa na niya iyon dati kay Rocco at ayaw niyang ulitin pa ang pagkakamali niya. Magmula nang umalis siya sa poder ni Rocco ay si Ferroh na ang naging manager, financer at humahawak ng kanyang career.

Ferroh is six years older than hers and being her spoilder. Wala siyang ninais na hindi nito ibinigay. Kadalasan nga'y higit pa sa pangangailangan niya ang binibigay nito. Ikinuha din siya nito ng maid sa kanyang condo para daw hindi na siya kikilos sa kusina. Na sa tingin naman niya ay hindi na kailangan dahil nagsisimula na siyang matuto ng tamang pagkilos sa kusina.
Kaya lang, bakit ganon? Hindi siya masaya. Hinahanap-hanap niya ang pagsusungit at paninita ni Rocco kapag may nagawa siyang kapalkan.

Nami-miss na niya ang binata. Nakikita niya ang iba't-ibang anyo ng mukha nito sa kahit saang lugar siya lumingon. Minsan, natatagpuan nalang niya ang sarili na umiiyak, tulad ngayon. Hindi naman ganoon kakapal ang mukha niya para ipagsiksikan ang sarili niya sa buhay ng binata, lalo't malaking abala ang nilikha niya rito. Isa pa'y sa bibig na din nito nagmula na gusto na nitong magsarili siya.

May kumatok sa kanyang silid. Natitiyak niyang si Elaiza iyon, ang kanyang maid. Pinahid niya ang luha bago pinahintulutan ang babae na pumasok.

"Tumawag po si Sir Ferroh. Ipinapaalala niya po ang taping niyo mamayang alas otso para sa bago ninyong commercial."

"Oo, sige. Thank you for informing me." aniya.

Tumango ito. "May ipag-uutos po ba kayo Ms. Shane. O gusto ninyo na pong ipaghanda ko kayo ng almusal?"

"Yes, please. Nagugutom na din ako."

Matapos nitong tumango ay nagpaalam na ito. Isa sa bagay na nagustuhan niya kay Elaiza ang napakamaalalahanin nito pagdating sa kanyang pagkain. Subalit kahit hindi siya lumiliban sa pagkain ay maraming nakakapansin na mabilis ang pagkahulog ng kanyang katawan, unang una na si Jigo. At nakapagtatakang kahit dapat sa normal ay pagod na siya dahil sa mga ginawang trabaho, nananatili pa ding gising siya sa oras ng trabaho at may reserve energy.

'Effective sayo ang vitamins na ginagamit mo.' iyon ang katwirang ibinigay ni Ferroh, minsang nabanggit niya rito ang ukol sa bagay na iyon.

Kumatok muli si Elaiza sa silid niya at may dala na itong juice ng pumasok, kabisado na siya nito na hindi buo ang araw niya kapag walang orange juice. Matapos magpasalamat, iniwan na siyang muli ng kawaksi. Tinatamad na siyang kumilos at ang napagdiskitahan ay ang laptop, nagbukas siya ng internet account. Sandali pa, may nag-message sa kanya, si Mrs. de Villa. Hindi niya alam kung dapat pa ba itong tawaging 'mommy' kahit sa isip lang.

Ayon sa mensahe, nais siya nitong makausap, via webcam. Napaisip siya, panahon na nga yata para kausapin niya ang kinagisnang mga magulang. Kung naging unfair ang mga ito sa kanya sa katotohanan, naging unfair din naman siya sa ginawang pagrerebelde. At dapat lang na maayos na ang anumang gusot na mayroon sa pagitan nila.

"Hi!" nag-aalangang bati niya matapos maiayos ang webcam.

Nagsimula namang humikbi ang kanyang ina. "We've missed you."

PARADISE VIEW SERIES (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon